Prologue

3 0 0
                                    

"Condolence iha, Im sorry for your lost, but if you need any help don't hesitate to call me" Hinawakan ni Ninang Sally ang kamay ko habang umiiyak padin

"Thankyou Ninang I means so much to me. Salamat po sa pagpunta" Humihikbi kong sagot sa aking Ninang na nakiramay kasama ang pamilya niya

"No problem sweetie, You're Mother is like a Sister to me, and You and Raycee are like a daughter to me. Come to my house if you need someone to be with" wika niya sabay yakap sakin ng mahigpit

"Thankyou again Ninang, mag-iingat po kayo" sagot ko at tuluyan ng umalis si Ninang kasama ang pamilya niya

I spent so much memories with my parents and sila ang buhay ko dahil sila ang nagturo sakin magmahal at sila ang inspirasyon ko sa pag-aaral ko.Pero wala na sila

"Kaycee, halika na umiwi na tayo lumalakas ang ulan,baka magkasakit ka pa" anyaya sa akin ni Raycee na umiwi sa kalagitnaan ng pag-alala ko sa memories ng mga magulang namin

Tahimik nalang akong sumunod sa adopted sister ko pasakay ng kotse habang hindi padin matigil sa pag-hikbi

Nang makapasok kami sa kotse ay hindi ko napigilang humagulgol lalo sa iyak

"Shh Shh" pagpapatahan sakin ng kapatid ko habang yakap ako at tinatapiktapik ang likod ko

"Bakit sila pa Raycee? Napakabait na mga tao nila Mama at Papa, bakit hindi nalang ang ibang mga masasamang tao?Bakit ang mga magulang pa natin! Bakit?" Isang malaking katanungan ko ngayon, Bakit mga magulang ko pa?

"Alam ko Kaycee, alam ko. Nalulungkot din ako sa pagkawala nila Mama at Papa, pero kailangan ko magpakatatag dahil sa ating dalawa ay ako ang mas nakakatanda, at nangako ako sa puntod nila na ako ang puprotekta sayo. Kaycee isa't isa nalang ang meron tayo ngayon. Kailangan nating magpakatatag para makabangon" Wika sa akin ng kapatid kong umiiyak din

Alam kong kami nalang ang magtutulungan, puprotektahan namin ang isa't isa. Kahit mahirap kakayin namin dahil kami nalang ang meron sa isa't isa. Mahal ko ang kapatid ko ng sobra kahit hindi namin siya kadugo at kahit madalas kaming mag-away ng dahil sa mga materyal na bagay

"Raycee, wag natin iiwanan ang isa't isa ahh? Pangako natin yan" wika ko matapos kumalas sa yakap naming dalawa habang nagpupunas ng sarili kong luha

"Pangako sis" wika niya at ginawa namin pinakamalupit naming hand shake

Kahit paano ay nabawasan ang sakit na nararamdaman ko ng maisip ko na may kapatid pa pala ako na makakasama ko hanggang sa dulo, lalo kung hindi man ako magkaroon ng asawa pag nagkataon

Nang makauwi kami sa bahay ay nakita namin ang mga katulong na itinatago na sa basement ang ibang mga bagay na hindi na magagamit ng mga magulang namin na nakatambak sa kuwarto nila. Sinadya naming ipatago ang mga bagay na iyon at iwan na lamang ang mga importanteng bagay sa loob ng kuwarto nila at doon ilagay ang mga bagay na naglalaman ng mga alaala nila

Umakyat ako ng hagdan para sana maligo at magpalit ng damit na pambahay dahil medyo nabasa ang damit ko kanina sa ulan kahit may payong akong dala. Papasok na sana ako sa kuwarto ko sa kaliwang parte ng daan, pero nakita ko ang kuwarto nila Mama sa tapat ng hagdan at napahinto ako at tinitigan saglit ang pinto ng kuwarto nila Mama

Pumasok ako sa kuwarto nila Mama at sa kanang parte ng kama ay nakita doon ang Picture naming apat nila Raycee noong sampung taong gulang pa lamang kami. Nakasakay ako sa mga balikat ni Papa kahit medyo malaki na ako noon at si Raycee naman ay nasa tabi namin ni Papa, yakap-yakap siya ni Mama habang nakangiti kaming lahat sa isa't-isa.

"Mama, Papa ang daya niyo naman po eii. Diba sabi niyo po pag-uwi niyo galing Guam mag Boboracay po tayo?Libre namin ni Raycee kasi nga po diba nag ipon po kami galing sa mga part time jobs namin?Tsaka pano po yung Farm? Sino po ang mamamahala sa Hacienda natin sa Probinsya? Di bale po, kami na po ang bahalang dumiskarte ni Raycee ang mahalaga masaya na po kayo diyan kung nasaan man po kayo" Umiiyak na wika ko habang hawak ang mga mukha ng mga magulang ko

"Iniistress mo nanaman ang sarili mo?" Nagpahid ako ng luha at tumayo ng makita ko ang bestfriend namin ni Raycee na si Carly na bigla nalang sumulpot sa likod ko

Yumakap ako sa kanya bilang pagbati sa pagbabalik niya

"Ng mabalitaan ko kay Mom ang nangyari, nagbook agad kami ng flight ni Dave pauwi dito sa Manila.Tito Ramon and Tita Katherine are the nicest parent I've ever had, tuwing pinapalayas ako ni Mom sa bahay welcome na welcome ako dito sa inyo at palagi pa ako pinagbebake ni Tita ng special brownies niya at si Tito palagi natin kalaro sa Chess. I miss my second parents either" Malungkot na wika niya

Ngumiti lang ako sa kanya at tumawa kami pareho, kahit masakit ang nararamdaman ko ay masaya ako dahil hindi lang pala kaming dalawa ni Raycee ang natitira, nandito pa si Carly na chismosa at maingay, palagi naming inaasar si Raycee dahil masyadong mabait, at kaming dalawa yung carefree at walang pakialam sa sasabihin ng iba

Magsasalita pa sana siya, kaso tumunog ang pinto at nakita namin si Raycee na nakasilip doon "Kain na tayo, nagpahanda na ako ng Dinner, ikaw bruha dito ka na din kumain" Wika ni Raycee na ang tinutukoy na bruha ay si Carly

Lumingon pa ako saglit sa kama nila Mama at Papa bago sumunod sa dalawa sa Dinning Area para kumain na

141 Years Away From YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon