Chapter 3

2 0 0
                                    

Kaycee's POV

Birthday ko na ngayon at masayang masaya ako noong mga nagdaang araw, nagbonding kaming pamilya at kasama sila Nana Conching at Isabel

Mamayang gabi daw ay may engrandeng salo-salo na magaganap dito sa Mansyon. Excited si Isabel dahil makikita ko daw uli si Samuel na kadarating lang kaninang umaga mula sa Espanya

"Isabel" tawag ko kay Isabel na abala sa pag-aayos ng bonggang Saya na isusuot ko daw mamaya

"Ano ba ang itsura ni Samuel at sinasabi ni Ina na mahal na mahal ko daw siya?" tanong ko kay Isabel dahil curious ako kung ano ba ang itsura ng boyfriend ni Elena

"Hindi ko mailarawan si Ginoong Samuel. Kay Guwapong Ginoo at May angking katalinuhan, matangkad at magaganda ng mga ngiti" kinikilig na wika ni Isabel

"Ay bongga naman pala ang mapapangasawa ko hihihi" wika ko habang kinikilig din. Mukhang ayaw ko na umalis dito ahh hehehehe charot lang

"Hindi ko po alam ang sinasabi niyo pero nawawari ko na ika'y kinikilig sa Ginoo" mapang asar na sagot niya

"Oo naman noh! Ikaw kaya ikasal sa ganun, hindi ka kikiligin?" wika ko pa

"Ikaw ba Isabel? May Naiibigan ka bang Ginoo?"tanong ko kay Isabel habang nakatingin din ng nakakaloko

"W-wala po Binibini" wika niya habang nahihiya at nakayuko

"Ows? Meron eii. Sige na sabihin mo na, huwag kang mahiya. Tayo lang naman ang narito" wika ko pa

"S-sa totoo po niyan ay may paghanga akong nararamdaman kay Lucio

"At sino naman si Lucio?" curious na tanong ko dahil pangalan pa lang ay mukhang guwapo na

"Siya po ang kanang kamay ni Ginoong Samuel at siya din po ang inaabutan niyo ng sulat palagi upang maidala niya kay Ginoong Samuel" wika ni Isabel

"Wow naman Isabel pumapag-ibig ka din pala" wika ko sabay siko sa kaniya ng mahina

"Oo naman Binibini. Tahimik man ang dalagang ito ay umiibig din" wika niya pa

"Wag mo na ako igalang kapag tayo tayo lang ang magkasama, bestfriend tayo diba?"tanong ko

"Ang ibig kong sabihin ay Matalik na Magkaibigan tayo diba? Kaya kung tayo tayo lang ay ilabas mo ang saloobin mo at huwag kang mahihiya" wika ko sabay kindat sa kaniya na agad niya namang tinanguan habang nakangiti

"Maghanda na tayo Elena, ilang oras nalang ay magsisimula na ang pagdiriwang" wika niya at sinimulan na akong ayusan at suotan ng Saya

Ilang oras ang nakalipas ay handa na ako at bababa nalang kapag tinawag na ako sa may garden

"Pangit ba ako? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko kay Nana Conching na inaayos pa ang damit ko para madali akong makapaglakad pababa ng hagdan. Ang bigat naman kasi neto sana binawasan naman ang dugtong ng palda nito

"Nakakabighani ka Elena, huwag kang mag-alala" wika naman ni Isabel na inayos ang kung ano na nasa buhok ko

"Ako'y bababa na muna upang sabihing handa kana" wika ni Isabel at nagpaalam sa amin ni Nana Conching

Ilang sandali pa ang lumipas ay sumenyas na si Isabel na pupwede na akong bumaba. Kaya naglakad na ako at tinulungan naman ako nila Nana Conching na itaas ang dulo para hindi ako matapilok kahit medyo mataas ang suot kong bakya

Pababa ako ng hagdan at iniwan na nilang nakababa ang damit ko at sa baba ay may isang lalaki na nakatayo sa may tapat ng hagdan at nakasandal sa dulo nito

141 Years Away From YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon