AKEERA POV
t feels like I'm still on a cloudnine. I still can't believed I'm going to published a book soon under a popular book publishing house.
Abala ako sa pagpapakain sa alaga kong pusa na si Mickey habang si Jae Seok naman ay naghahanda ng agahan ng biglang marinig ko ang pagtawag ni Candice sa pangalan ko. Ang boses ay nanggagaling sa labas. Kaya naman agad akong nagtungo sa gate upang buksan 'yun.
“Surprise! Congratulation, author Akeera!” masayang bati sakin nila Sophie, Candice at Celine na hawak pa ang mga color yellow at pink na lobo na may glitters sa loob nito, si Candice naman ay may hawak na bulaklak ng daisy, habang si Sophie naman ay kahon ng cake.
“Thank you! tuloy kayo.” nakangiting pagkakasabi ko at agad silang tatlo na pumasok sa loob ng gate. Ngunit bago ko isara 'yung gate, isang lalake na may taas na 6'2 ang nakatingin sakin, naka-suot ito ng kulay black na jacket na may hood. Hindi ko na lamang pinansin 'yun at agad ng sinara ang gate.
“Jae Seok, you're here too! naunahan mo pa kami?!” gulantang na tanong ni Celine ng sumalubong si Jae Seok sa kanila kahit na abala s'ya sa kusina para lang bumati ng magandang umaga. Agad naman kaming nagkatinginan ni Jae Seok.
“He's living here.” sagot ko, saka sila sabay sabay na napalingon sa'kin.
“You too are living on a safe roof!” gulat na reaction ni Candice.
“Yes, and it's already almost 3months.” tila proud pang pagkakasabi ni Jae Seok.
“OMG!” saad ni Sophie.
“Sa iisang kwarto din ba kayo?” seryosong tanong ni Celine. At bahagya naman akong natawa.
“Of course not, sa guest room natutulog si Jae Seok, sa kwarto ni Mama o ni Papa kapag bumibisita sila dito. Habang ako ay sa sariling kwarto ko naman.” nakangising pagkakasabi ko.
“Oh! that's a relief. Akala ko...” saad ni Celine na sapo-sapo pa ang dibdib n'ya sabay buntong hininga.
“Iba na naman siguro iniisip nitong si Celine. Kakabasa mo 'yan ng mga possessive series ateng.” biro ni Candice.
“Tamang tama, maluluto na 'yung niluluto kong almusal. Sabay sabay na tayong kumain mamaya.” nakangiting saad ni Jae Seok.
“Napaka husband material talaga nitong boyfriend mo Akeera, yayain mo na kayang pakasalan 'tong si Jae Seok.” nakangiting biro ni Sophie.
“Darating tayo d'yan. Malapit na.” nakangiting sabat naman ni Jae Seok bago 'to bumalik sa kusina. Kaya napailing na lamang ako.
Umabot din ng halos anim na oras sila Sophie dito bago sila nagdesisyon na umuwe. Napag-usapan din namin si Grace, depressed na daw at halos walang ganang kumain. Kaya naman napagdesiyonan namin na next week ay papasyalan namin s'ya.
——
JAE SEOK
“Bakit hindi pa natutulog ang mahal ko?” malambing na pagkakasabi ko ng yakapin ko mula sa kanyang likod si Akeera. Isang buntong hininga naman ang pinakawalan n'ya bago s'ya tumingin sa'kin.
“Ang dami kasing magagandang nangyari sa'kin nitong mga nakalipas na buwan. Una ng dumating ka sa buhay ko, pangalawa malapit na ako mag-published ng libro at ang pang-huli nagkaroon na ako ng mga kaibigan, sila Sophie, Candice at Celine. Para tuloy, ayaw ko ng matulog. Baka kasi pag gising ko, maglaho na ang lahat ng 'to.” malumanay na saad ni Akeera sa malungkot na tono ng boses kaya naman agad ko siyang pinaharap sa'kin.
“Wag kang mangamba, dahil bukas pag gising mo. Nandirito parin ako, hinding hindi ako aalis o mawawala sa tabi mo.” paninigurado ko kay Akeera.
“Promise?” paninigurado n'ya. At agad naman akong tumango.
AKEERA POV
“I promise..” nakangiting saad ni Jae Seok.“Kaya ang mas mabuti pa ay matulog na tayong dalawa. Ok?” malambing na pagkakasabi ni Jae Seok.
“Ok..good night. I love you.” saad ko.
“I love you too more than everything.” nakangiting saad ni Jae Seok saka n'ya ako hinagkan sa noo. Palabas na s'ya ng kwarto ko ng muli n'ya akong lingunin, “몸 조심하세요 (Take care of your self)” malambing na pagkakasabi ni Jang Jae Seok ang fictional character sa sinusulat kong kwento na ngayon nga ay nasa harapan ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Nakakatitig lamang ako sa mapupungay n'yang mata. Tila ayaw kong pumikit o kumurap man lang dahil baka sa pagdilat ng aking mga mata ay wala na s'ya.
“Thank you.” tipid kong sagot at dahan dahan humakbang papalapit sakanya upang yakapin s'ya ng mahigpit na para bang 'yun na ang huli naming pagkakikitang dalawa.
“괜찮아요 (It's all right)” saad ni Jae Seok habang hinahaplos ang buhok ko. Kumalas ako mula sa pagkakayakap sakanya saka siya muling pinagmasdan.
“당신을 다시 볼 수있을까요? (Will I see you again?) malungkot na tono ng boses ko.
“네 (Yes).” nakangiting saad ni Jae Seok.
——
[TWO WEEKS LATER]
“Wag mo na 'kong sunduin, maaabala ka pa d'yan sa ginagawa mo. Pauwe narin naman ako.” malumanay na pagkakasabi ko. Kagagaling ko lang kasi sa kulungan kung saan naka-detained si Grace dahil sa kasong isinampa sa kaniya ng pamilya ni Valerie. Pinuntahan ko s'ya para personal s'yang makausap at naging maayos naman ang pag uusap naming dalawa, humingi s'ya ng sorry at ramdam ko ang sinsiredad n'ya kaya naman napatawad ko na s'ya.
“Mas magiging kampanti ako, kung ako mismo ang susundo sa'yo. Kaya wag kana makulit.” saad ni Jae Seok sa kabilang linya.
“Ok ok. Sige, intayin nalang kita dito sa bus stop.” nakangiting saad ko.
“Intayin mo 'ko d'yan ah. Love you.” malambing n'yang pagkakasabi.
“Aysus, sige na iintayin po kita. Love you too.” kinikilig kong sagot.
——
Palinga-linga ako sa paligid ng muli kong makita ang lalakeng naka-jacket ng itim na may hood. Kasabay nito ang pagkulimlim ng kalangitan kaya agad akong napatingala. Hindi ko batid ngunit bigla nalang ako kinilabutan at kinahaban.
Ilang saglit pa, patungo na ang lalake sa direksyon ko. Nanlilisik ang kanyang mga mata na nakatingin sa'kin.
[FLASHBACK]
“Ginawa mo kasing realistic ang character ko sa story mo. You didn't just gave a name, but you also gave me every detailed information like human has. From complete name, birthday, place of birth, family/educational background, favorites, strenghts/weaknesses, hobbies and other information. Hindi lang 'yun, binigyan mo rin ako ng mukha sa kwento mo, hindi lang ako basta character lang na nilagyan mo ng POV.” mahabang pagpapaliwanag ni Jae Seok.
“So dahil sa detalyado ang character mo sa story ko kaya ka nag exist?” muli kong tanong.“Kung ganun pala, there's a posibility na mag exist din si Han Hwa Geun na isang villain sa story na pinagbibidahan mo?” gulantang kong tanong. Kung Oo, ibig sabihin lamang nito ay magiging delikado ang buhay ni Jae Seok kung pati si Hwa Geun ay mag e-exist din.
“Ganun na nga.” seryosong sagot ni Jae Seok.
“So, if he'll exist..your life will be in danger.” pag aalala ko.
“And that's how the story flows.” sagot ni Jae Seok.
[END OF FLASHBACK]
BINABASA MO ANG
Our SPRING Day (Four Season: Series #3)
FantasiIt tells the story about a teenage girl who is a victim of bullying. Instead of fighting back, she wrote story where in she killed her bullies. Later on, she found out that she has a tallent in writing a stories. So she started dreaming to becoming...