Ano ba ang dapat sundin kapag ikaw ay umibig?
Puso ba na walang ginawa kundi tumibok para sa taong iniibig?
O kaya ay ang isip na walang ibang ginawa kung hindi mag-isip
Ng kapakanan at ikabubuti sa lahat ng aspeto?
Sadyang kay bigat ng gagawing desisyon,
Lalo na sa isang sitwasyon—
Na kailangang mamili kung isip ba o puso ang gagamitin,
Sa isang pangyayaring kailangang may desisyon na gagawin.
Pag-ibig kung paiiralin, desisyon ay puso ang susundin.
Mahal mo ang naturang tao kaya tanggap mo ang kaniyang pagkatao,
Walang mali sa desisyon mo
Dahil iyon ang tinitibok ng iyong puso.
Pero ng ika’y saktan niya ng paulit-ulit,
Nanatili ka pa ring kumakapit,
Masasabi mo bang tama ang iyong pagkapit ng mahigpit?
Gayong alam mo sa sarili na sobra-sobra na ang sakit?
Kung pagiging praktikal sa pag-ibig ang pag-uusapan,
Dapat sundin hindi puso kung hindi ay isipan.
Sa pagtitimbang ng tama o mali sa isang desisyon,
Isipan pairalin, piliin ang taong handa kang sambahin at ibigin.
Ngunit tama ba na sa lahat ng pangyayari ay isip lagi?
Bawat desisyon ba ng puso ay mali?
Pag-ibig ay kay sarap damhin
Kung sa paggawa ng desisyon, puso at isip ang pairalin.
At kung ito ay pagsasamahin,
Desisyong iyong magagawa ay hindi ka bibiguin.***
SMD💙Lahat tayo ay iibig, ngunit hindi lahat masuwerte sa pag ibig. Maraming bigo, nasasaktan, iniwanan, pinagpalit at kung ano ano pang rason na nakakabiyak ng puso lalo na ng taong umiibig. Kaya naman minsan marami ng takot magmahal dahil takot masaktan.
Ngunit tandaan love is equivalent to pain. Because if you feel pain it means you are in loved. So, to fall in love be ready to feel the pain.
After all, pain made a person stronger and better.
Happy Reading! ❤️
YOU ARE READING
The Rhymes Of The Sea
Poetry"As calm as the lake but as powerful as the sea waves." It is a compilation of my poetic endeavors. All the words come from the heart. All the rhythm, creates music within my deepest part of my brain. All my piece that are compiled in this, are the...