Napagod Na Ako 😔

2 0 0
                                    

Alam kong ang sarap magmahal
Batid ko kung ano ang pagmamahal
Ngunit ang hindi ko maintindihan
Bakit hindi mo ako kayang pahalagahan?

Binigay ko lahat ng pwede kong maibigay
Dahil umaasa akong pag ibig mo ay tunay
Lumaban ako, inilaban ko relasyon natin
Ngunit bakit hindi nagbago ang trato mo sa akin?

Patawad, iyan ang lagi mong sinasabi
Paulit ulit naman ang rason at iyong alibi
Binigyan kita ng hindi mabilang na pagkakataon
Subalit bakit sinayang mo lang ang dalawang taon?

Ngayon gusto kong humingi ng pasensya
Pasensya dahil ako'y susuko na
Pagod na ang aking puso at isipan
Napagod na sa pakikipaglaban

Bibitaw na ako, hanggang dito nalang tayo.

The Rhymes Of The Sea Where stories live. Discover now