Bituin 🌟

2 0 0
                                    

Sa gabing madilim,
Sa tuwing sasapit ang takipsilim
Liwanag mo ay nagniningning.
Sa aking buhay ikaw ang tanging hinihiling.

Gabing madilim kagaya ng aking buhay,
Araw araw problemang dumaraan ako ay nalulupaypay.
Namulat ako sa sakit
Kaya kasiyahan nais kong masungkit.

Mahal ko, ikaw ay parang isang bituin
Sa gabi lagi kong inaasam at nais abutin.
Ngunit gaya ng bituin sa langit
Ikaw ay mahirap masungkit.

Mundo natin ay labis na magkaiba
Sapagkat ikaw langit at ako naman ay lupa.
Hindi madaling pumasok sa iyong mundo,
Ang mga nilalang na hamak lamang ay katulad ko.

Ngunit gayunpaman, gaya ng bituin
Ako ay masaya ng sa malayo ikaw ay tanawin.
Hindi ka man abot ng aking mga kamay,
Subalit pag ibig na walang hinihinging katugon ang sayo iaalay.

Ningning ng iyong liwanag mula sa itaas,
Iniilawan ang isang tulad kong nangangarap ng mataas.
Bituin na aking pinakapaborito
Gabayan mo ako palagi sa mundong ito.

Sa gabing madilim at hindi ka makita,
Ako sa iyo ay lubos na nangungulila
Bituing aking iniidolo
Minamahal kita ng buong buo.

Happy Reading! ❤️

The Rhymes Of The Sea Where stories live. Discover now