Pag-ibig ay minsan ng sumagi sa isipan
Madalas akong nalilito at naguguluhan
Ano bang tunay at totoo sa nararamdaman,
Kung karamihan sa atin ay naglolokohan?
Nagkita at nagsimula tayo sa pag- aasaran.
Nagtampo at napunta sa pagkukuwentuhan,
Hindi namalayang unti-unting may nararamdaman
Puso ko ay unti-unti ring nahulog ng tuluyan.
Mukha mong kay amo at malaanghel
Tindig at posturang halatang ma-appeal,
Halakhak mong kay sarap pakinggan
Sapagkat parang musika sa puso at isipan.
Sa araw-araw na ikaw ay aking kasama,
Sa bawat binitawang salita na nagpalundag bigla
At sa mga kilos mong nagpapahalata
Mahal mo rin kaya ako o akin lamang na hinuha?
Puso ay ipinagtapat sapagkat naniwala sa ipinakita mo.
Umaasa at nag aakalang nararamdaman natin ay pareho
Ngunit mundo ko ay gumuho sa sinabi mo
"Patawad pero magkaibigan lang tayo
Kaibigan lang ang tingin ko sa iyo."***
Sa mga nafriendzone cheer up hindi kayo nag iisa, marami tayo. 😭😆
Happy Reading! ❤️
YOU ARE READING
The Rhymes Of The Sea
Puisi"As calm as the lake but as powerful as the sea waves." It is a compilation of my poetic endeavors. All the words come from the heart. All the rhythm, creates music within my deepest part of my brain. All my piece that are compiled in this, are the...