Jamie' POV
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa bagsik ng traffic--pero hindi lang pala traffic ang mabagsik, kundi ang amoy ng mga pawis ng pasaherong nagsisiksikan. Mainit ngayon, kaya hindi naman maiiwasan ang pagpawisan.
I guess, maglalakad na lang ulit ako hanggang sa terminal ng tricycle. Halos lakad takbo ang ginawa ko para makarating ng mabilis. Wala rin tigil ang kamay ko sa pagpaypay sa sarili ko dahil sa init.
Tulad ng inaasahan, hindi masyadong matao o mahaba ang pila sa tricycle kaya naman madali akong nakasakay. Bukod kasi sa mas mahal ang singil, minsan, wala din tiwala ang mga pasahero sa tricycle ng driver. Kung minsan kasi ay natitiyempuhan na masisiraan ang tricycle sa gitna ng kalsada, wala naman magawa ang pasahero kundi ang bumaba dahil matatagalan kuno ang pagpapaayos sa tricycle. Mas mahal ang singil pero mas okay na rin minsan dahil solo, hindi masikip at mas mahangin pa, depende na lang kung may arte pa ang driver at kinakabitan ng kurtina o kung ano man ang tricycle.
"Kuya, sa Chinggu Street po." Sabi ko sa driver nang mapansing hindi pa ito gumagalaw, naalala ko, hindi ko pa pala sinasabi ang location/destination ko.
Saka ko inabot ang 100 pesos na pambayad. Naghihintay ako ng sukli pero tila walang balak ibigay ni Kuyang Driver ang sukli kaya inunahan ko na siya bago pa siya makapagpa-andar ng makina.
"Kuya, yung sukli ko po?" Pagtatanong ko nang mababakas ang paggalang. Halos mapairap ako nang mapansin ko ang reaksyon niya. Nagkamot pa ng ulo at base sa mukha niya, dismayado siyang naalala ko.
"Sakto ang pera mo, Ine." Nakangiwi niyang sagot.
"Ha? Kuya, 100 pesos ang binayad ko. Ang pagkakaalala ko, 40 pesos ang bayad talaga." Nangununot na ang kilay ko dahil sa pagkainis sa driver na ito.
"Sakto ang binigay mo, Ine. Dalawang bente. Baka nakakalimot o hindi mo lang napansin" Pagpupumilit ng driver.
Ako pa ang nakakalimot?
Tsk, hindi lang niya alam, literal na hindi ako nakakalimot. Yes, may Hyperthymesia ako. Hyperthymesia is the ability and a disorder where it causes me to remember everything.
Kahit maliliit na pagkakamali mo, naalala ko.Napakagat ako sa ibabang labi ko. Sinilip ko ang driver mula sa loob ng tricycle. Nang makita ko ang mukha niya. Napangisi ako nang maalala ko ang isang senaryo noong biyernes ng hapon habang nakasakay sa tricycle din ng driver ngayon. Tandang tanda ko pa ang pag-uusap nila noon.
"Oo, pare. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Misis." Namumublemang pagtatanong ng driver, ni hindi man lang naalalang may sakay na itong pasahero.
Napangisi naman ang kausap niya at bahagya pang napapailing.
"Naku! Mario, malaking problema yan. Kung noong una pa lang kasi ay nilayuan mo na Gina, hindi na magkaka-problema. Ayan tuloy, nagka-bunga pa." Sagot ni Notpa na kausap ni Mario.
Hindi ko alam ang pangalan ng kausap ni Mario, ngunit base sa itsura niya, papangalanan ko na lang siyang 'Notpa' o Panot. Sa sobrang taas ng hair line niya, nagmumukha siyang semi-kalbo. Take note, hindi yung usual na semi-kalbo kundi semi kalbo na kalbo sa tuktok o sa bandang noo, at may buhok sa ibang bahagi ng ulo niya.
"Pare, lalaki lang rin ako, saka masyadong mapilit si Gina." Sagot ni Mario.
Gusto kong ipaalala na may pasahero pa siya, ngunit gusto ko rin marinig ang pinag-uusapan nila. Bibihira na lang ang makarinig ng hindi fake news, at itong naririnig ko ay hindi fake news.
YOU ARE READING
Forget Me Not
RomancePsychology Series 1 : Short Term Memory Loss Jamie has a Hyperthymesia, a rare illness that lets her remember everything exactly and in detail. Naalala niya ang buong pangyayari even what happened years ago, kaya niyang sabihin in detail. Because of...