Chapter 1

106 74 17
                                    

Kakagaling ko lang mula sa book shop ay nagtungo na agad ako rito sa tambayan ko na itinatawag kong "Two Worlds". Tinawag ko talaga itong Two Worlds dahil sa magkaibang pananaw mula sa magkabilang banda nito. Tila nasa borderline ako ng city at province. Ngayon, nakaharap ako sa banda na mukhang probinsiya.

"Jenny, nandito ka na pala!" Napairap na lang ako dahil sa narinig kong pagtawag sa akin.

Madalas na kaming ganito. Hindi ko naman siya masisi dahil hindi naman niya ito ginusto. Magmula rin ng magkakilala kami ilang buwan na rin ang nakalipas ay iyan na rin ang tawag niya sa akin.

"Jamie nga kasi." Saad ko ng makalapit siya sa akin habang napapakamot pa ako sa ulo.

Tinawanan niya lang ako bago tumabi sa akin. Ngayon ko lang din napansin na may hawak pala siyang dalawang milktea at dalawang burger.

Inabot niya sa akin ang isang milktea at burger sa akin. Tinanggap ko naman iyon at kaagad kong sinunggaban ang burger.

"What does it feel like to have hypertension?" Pagtatanong ni Gab na ikinatawa ko kaagad. Huli na ng mapagtanto niya na mali ang kanyang nasabi kaya natawa na lang rin ito.

"Jusme ka, Gabriel! Wala akong hypertension. Hyperthymesia yata ang ibig mong sabihin?" Natatawa kong sabi. Halos masamid pa ako sa pag-inom ng milktea sa kakatawa.

"So ano nga?" Natatawa rin niyang pagbabalik tanong sa akin.

Sinubukan ko pang ikalma ang sarili ko para lang makapagsalita ako ng maayos. Kaya lang, sa tuwing napapatingin ako sa Gab ay bigla kong naalala ang Hypertension na iyan.

"Ewan ko ba basta naaalala ko ang lahat kahit na ang mga maliliit pagkakamali mo ay hindi ko pinapalagpas." Pagbibiro ko. Bahagya siyang napa-atras at tinaasan ako ng kilay.

"Let me hear it then." Panghahamon niya sa akin.

"Huwag na. Sa sobrang dami at detailed, kulang pa ang isang lifetime para masabi ko sayo lahat." Pagbibiro kong muli. Napakamot naman siya sa ulo niya.

"Grabe ka naman sa akin. Mas marami ka pa yatang kasalanan kaysa sa akin eh." Pagbabalik niya muli sa akin.

"Eh yung iyo ba? What does it feel na may STML ka?" Ako naman ngayon ang nagtanong.

Sa aking pagkakaalam ay hindi pa naman ganoon kalala ang sakit niya. Kung minsan na kapag nagkakamali siya o may nakakalimutan ay aakalain mong biro lang.

"Parang may kulang kapag may nakakalimutan ako. Minsan, nakaka-conscious dahil baka may nakalimutan akong importante pala." Tugon niya.

Tumingin ako sa kanya. Bagamat nakangiti siya, may bahid ng kalungkutan ang kanyang mga mata.

Tinapik ko ang balikat niya upang kahit papaano ay ma-comfort ko siya. Alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon.

"Eh hindi ba, makukuha pa naman iyan sa medication ay therapies? Bakit hindi mo subukan?" Pagtatanong ko bago kumagat muli sa burger.

"'Yun nga eh. Kaya lang, sa tuwing may schedule na ako, nakakalimutan ko rin kaya hindi ako nakakatuloy." Tugon niya at bahagyang natatawa.

"Kung ganun, dapat pala ay lagi mo akong kasama para ako laging magpapaalala sayo." Nakangiti kong sabi. Nagbibiro man ngunit matitinigan ang pagiging sinsero ko.

"Ibahay na ba kita? Gusto mo ba? Tutal sabi mo rin naman ay dapat lagi kitang kasama." Nakangisi niyang pagbibiro.

Hinampas ko siya sa kanyang balikat dahilan para mapangiwi siya sa sakit. Paulit ulit niya pang hinimas ang balikat niyang pinalo ko.

Forget Me NotWhere stories live. Discover now