Chapter 5

78 55 3
                                    

Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ni Gab sa Aklatan ay sinalubong na kami ng mga mapanuri at malisyoso nilang tingin. Gusto ko sanang ipakitang naiinis ako ngunit hindi ko magawa dahil hindi ko rin maitago ang ngiti ko. 

"Uyy~~Nagkabalikan na sila-- Este, nakabalik na sila." Pang-asar ni kuya Ben ngunit tinawanan lang namin ni Gab iyon. 

"Kayo talaga... Okay naman kami, ahh?" Nakangiti at iiling-iling kong tugon.

"Sabi sa inyo, fake news lang yung chismis ni Kuya Ben." Sabi naman ni Ate Mae. 

Napaawang na lang ang bibig namin. Medyo awkward sa part namin, ano? hehe. Napakamot na lang kami sa ulo namin. Hindi man nila sabihin ang chismis, may hint naman na kami. Lalo na't sinabi na iyon ni Ate Mae noong pumunta siya sa bahay.

"Good to see you back here, boss at ang aming Walking Playlist." Nakangiting sabi ni Ate Mae na sinang-ayunan naman ni Kuya Ben.

"Oo nga, ano? Na-miss ko na yung playlist si sir Gab. Ang baduy kasi ng mga tugtugan ni Nathan." Pagbibiro naman ni Kuya Ben.

Tinawanan na lang namin si Kuya Ben habang si Nathan naman ay napapakamot na lang sa ulo. Kung titignan silang tatlo, parang sobrang close na nila at nagiging kumportable na rin si Nathan. Napaisip tuloy ako kung gaano ba kami katagal nawala. 

"Paturo ka sa akin, boii. Bibiyayaan kita ng malupet music taste." Pakikisama ni Gab na nagpapahangin na naman. Itong Gabriel na ito, isang beses lang ma-compliment, parang habang buhay na niya iyon dadalhin. 

Hinayaan ko na lang sila magkwentuhan at tahimik na pumunta sa counter at sa stock room para gawin ang dating gawi. Napangiti na lang rin ako nang marinig ko ang tugtog. Sigurado akong si Gab na naman ang nagpapatugtog. 

¤~¤~¤~☆~¤~¤~¤

Ilang araw ang lumipas, halos bumalik na rin ang lahat sa dati. Nae-enjoy ko ang bawat sandali na tila nakahanap ako ng malupet na squad. Iba iba man kami pagdating sa edad, sa katayuan sa buhay, sa mga pinagdadaanan o ano, tila parang may kung anong nagkakaisa sa amin. 

Nakakatawa pa nga't kaya pala hindi ni trip ang playlist ni Nathan dahil puro kpop. Kesyo hindi daw nila maintindihan. Hindi ko ba alam kay Ate Mae at Kuya Ben, mukhang sila yata ang walang taste dahil bet ko rin naman ang kpop. 

Tuwing lunch break ay lumalabas kami ni Gab para pumunta sa tambayan. Minsan, kapag hindi namin trip sa tambayan, nananatili kami sa Aklatan, minsan naman ay sa milk tea shop na pagmamay-ari ng kuya ni Bonnie. 

"Ano 'to?" Pagtatanong niya nang may iabot akong lunch box sa kanya. 

Napatikhim ako at napaayos ng upo. Medyo nakakahiya dahil baka hindi niya magustuhan ang luto ko, isa pa, ngayon ko lang gagawin ito para sa isang lalaki. 

"Ayusin mo naman ang expression mo. Medyo nakaka-offend eh." Pagbibiro ko habang nakangiwi nang makita ko ang ekspresyon niya habang tinitingnan ang baunan. 

Napangiti naman siya at binuksan ang baunan. Napakagat ako sa labi nang inamoy niya iyon bago tumingin sa akin. Tila binabasa niya muna ang mukha ko. Ang makapal kong mukha ay tila tumiklop at natablan ako ng hiya nang tumatagal na ang tingin niya sa akin.

"Pansit at kakanin?" Pagtatanong niya, medyo nakahinga naman ako ng maluwag nang ngumiti siya. Tumango ako bilang pagsagot. "Favorite ko kaya 'to! Marunong ka pala magluto?"

"Bakit parang hindi ka makapaniwalang ako ang nagluto? Wala ka yatang bilib sa akin." Nakangiwi kong sabi at bahagyang umiiling pa. 

"Wala talaga..." Sagot niya na hindi man lang pinag-isipan. 

Forget Me NotWhere stories live. Discover now