Ilang linggo na rin kaming hindi nagkikita o nagte-text man lang ni Gab. Gusto ko siyang kumustahin pero hindi ko alam kung paano dahil hindi naman siya nagrereply at hindi pa rin ako lumalabas ng bahay.
Sa muling pagkakataon, ngayon na lang ulit ako pumunta ng Aklatan. Biglaan iyon kung kaya't nagulantang rin silang tatlo sa dating ko. Kaagad akong binati ni Kuya Ben, gayun din si Nathan at Ate Mae na lumapit sa akin at niyakap ako.
"Kumusta? Medyo maputla ka pa yata dapat hindi ka muna pumasok." Nag-aalalang tanong ni Ate Mae.
"Kaya ko naman, Ate Mae. Ilang araw na rin akong nasa bahay lang..." Pagdadahilan ko. Nilibot ko ang tingin ko ngunit walang Gab na nagpapakita at nangungulit. "Ate, si Gab ba... hindi pa rin pumupunta rito?" Nanghihinang tanong ko. Napabuntong hininga naman si Ate Mae.
"Hindi pa, Jamie." Tugon ni Ate Mae. Mapait akong napangiti at tumango kahit na sa loob loob ko ay kung ano ano na ang naiisip ko.
"Wala pa rin talaga? Sige, salamat Ate Mae. Iche-check ko lang din ang stocks." Sabi ko, matitinigan ang pagkabahala at pagkalungkot sa aking boses.
Dumiretso ako sa stock room para kunin ang papel at saka lumabas muli para ayusin at tingnan ang mga stocks sa bookshelves. Medyo hindi man okay ang pakiramdam ko ngayon, ay pinipilit kong libangin ang sarili ko nang kahit papaano ay mawala sa isip ko ang mga bumabagabag sa akin.
Sobra akong nakatutok sa mga libro hanggang sa manlabo ang paningin ko at mahilo. Nabitawan ko ang hawak ko at napahawak sa tuhod ko, tila'y ako ay babagsak.
Naramdaman ko na lang ang kamay ni Nathan sa likod ko at sa braso ko na animo'y inaalalayan ako. Nanlalabo ang paningin ko at nandidilim na rin ngunit nakita ko pa ang paglapit ni Ate Mae at Kuya Ben para sana tulungan ako bago ako mawalan ng malay.
¤~¤~¤~☆~¤~¤~¤
Nagising akong habol ko ang hininga ko at todo umaagos ang mga luha ko. Ilang beses kong sinasambit ang pangalan ng taong espesyal sa akin. Alanganing oras na naman ako nagising. Ilang araw akong hindi makatulog nang maayos dahil sa bangungot. Minsan pa nga'y ayoko na lang matulog sa takot na baka bangungutin na naman ako.
Hindi malaman sa sarili ko ang gagawin. Ni hindi ko rin alam kung ano na ang mga kinikilos ko. Mas lalo akong nababaliw nang may mga senaryo na naman ang hindi nagpapapigil sa utak ko.
Flashback. . .Maganda ang panahon noong araw na iyon. Sobrang saya namin lalo na't para sa batang tulad ko ay gusto ko lang maglaro ng maglaro. Wala akong kapatid kaya naman nanbg makilala ko si Bonnie at ang kuya nitong si Kuya Javert, naging malapit agad ang loob ko sa kanila lalo na kay Bonnie na maituturing kong bestfriend.
Tanging mga maliliit na boses lang namin ang maririnig lalo na ang mga tawa namin. Amoy araw na nga siguro kami pero ano naman ang malay ng batang tulad namin na ang tanging gusto lang ay ang maglaro ng maglaro.
"Huling makarating sa puno na iyon, panget!" Sigaw ni Bonnie saka tumakbo papalapit sa puno na iyon. Dahil uto uto pa ako, tumakbo rin ako papunta sa punong iyon ngunit dahil alam kong hindi ko siya mauunahan,sinegundahan ko na siya,
"Unang makarating sa punong iyon, mas panget!" Sigaw ko rin, dahilan para mapatigil siya at sumimangot sa akin.
"Ang daya mo naman ehh!" Pagrereklamo ni Bonnie na nagkakamot pa ng ulo.
Matapos iyon ay napakamot na lang rin ako sa ulo. Walang nag-udyok na magsalita sa amin at bigla na lang siyang tumakbo papunta sa mga magulang namin. Kinabahan pa ako noon nang makita kong kausap niya a ng mama niya sa takot na sinumbong niya ako, dahilan rin para hindi ko siya sundan. Ang akala ko rin kasi ay galit siya sa akin ngunit napangiti na lang ako at napahinga ng maluwag nang makita ko siyang bumabalik sa akin na may kasamang bola.
YOU ARE READING
Forget Me Not
RomancePsychology Series 1 : Short Term Memory Loss Jamie has a Hyperthymesia, a rare illness that lets her remember everything exactly and in detail. Naalala niya ang buong pangyayari even what happened years ago, kaya niyang sabihin in detail. Because of...