"Nathan Villanueva? Ikaw ba yung bagong employee?"
Tumango ang lalaking nasa harap ko. Ngayon ko pa lang siya na-meet dahil si mommy talaga ang nag-iinterview at tumatanggap sa mga empleyado.
"Half day ka pa lang ngayon, ano?" Pagtatanong ko at gaya ng kanina, tumango ulit siya bilang pagtugon. "Sige, start na tayo sa orientation." Tugon ko. Kapag nago-orientation, parang tumataas ang self-esteem ko dahil feeling ko, boss ako. Tsk. Boss.
Hindi naman ang nagtagal ang orientation kaya ngayon, papetiks-petiks muna kami. Lalo na ako, ngayon na nadagdagan ng bagong employee, mas kakaunti na lang ang gagawin ko.
Sa ngayon, si Ate Mae naman ang nagtuturo kay Nathan sa pag-punch ng mga items na mabibili ng mga consumer.
"Good Morning!" Pagtawag pansin ni Gab na kakapasok lang.
Una niya ang pinuntahan ngunit na kay Nathan nakapako ang tingin niya. Marahil ay nagtataka siya sa bagong mukha.
"Sino 'yun? Bagong employee?" Pasimple at bulong niya sa akin.
"Oo. Si Nathan." Tugon ko.
"Kumusta naman?"
"Alin?" Nagtatakang tanong ko dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.
"Yung bagong employee. Mabait ba? Masipag o ano?" Pagtukoy niya.
"Ewan. Ino-orient pa lang naman siya kaya hindi ko pa alam. Mukha namang persistent saka madaling pakisamahan tas gwapo pa." Tugon ko na may pagngisi.
"Awit ka. Ano ba pangalan nun?" Pagtatanong niya ulit, dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Nathan nga." Pag-uulit ko ng sagot ngunit walang bahid ng kairitahan sa tono ko.
"Ahhh, Nathan pala." Sabi niya na tila ngayon ko lang sinabi ang pangalan ng bagong employee.
Matapos nun, hinayaan ko lang siyang maglibot sa Aklatan at magtingin-tingin ng mga libro hanggang sa may maalala ako. Kailangan ko nga palang ibigay ang uniform ni Nathan.
Nagtungo ako sa stockroom para kunin muna ang uniform ni Nathan. Nadatnan ko siyang sinusubukang muli ang pagka-cashier sa tulong ni Ate Mae.
"Nathan, ito na yung uniform mo. Saturday ang wash day natin, sunday naman ang half day natin. Yung name tag mo naman, baka sa monday pa dahil hindi pa namin nakukuha sa pagawaan." Pagpapaliwanag ko kay Nathan.
"Copy that, Ma'am." Nakangiti niyang sagot. Napangiti naman ako ng tipid. Ang gwapo niya talaga pero dahil ako ang 'boss' kuno ngayon, kailanganv magpakatatag ako.
"By 12nn, pwede ka na umuwi. Kinabukasan naman, before 9am, dapat nandito na kayo. Huwag mo masyadong agahan dahil ako ang nagbubukas ng Aklatan." Pag-eexplain kong muli.
Quarter to 11am pa lang. Patay na oras ngayon kaya wala pa masyadong customer. Inaantok pa ako ngayon pero dahil kailangan ko din i-observe muna ang bagong employee, hindi ko magawang maidlip sa stockroom.
Tumabi ulit sa akin si Gab. Tahimik lang siya habang kinakalikot ang phone niya. Wala naman akong magawa kaya dinaldal ko na lang siya.
"Bakit ang aga mo yata ngayon?" Pagtatanong ko kay Gab.
"Maaga lang talaga ako nagising. Walang tao sa bahay kaya na-bored ako." Tugon niya kaya tumango ako.
"Nakapag-breakfast ka na?" Pagtatanong kong muli sa kanya. Natigilan siya, marahil ay iniisip niya kung nakapag-umagahan na siya.
YOU ARE READING
Forget Me Not
RomancePsychology Series 1 : Short Term Memory Loss Jamie has a Hyperthymesia, a rare illness that lets her remember everything exactly and in detail. Naalala niya ang buong pangyayari even what happened years ago, kaya niyang sabihin in detail. Because of...