SCHOOL EVENT 21 :

143 5 4
                                    

a/n : salamat po LEOMAR122 , for voting and sa comment ^__^ , sa cp lang kasi ako gumagawa kaya di ako makalagay ng dedecation!!

ADAM POV

ang sakit ng ulo, bakit di ko maigalaw ang mga kamay ko, unti-unti kong minulat nga mata ko,

O_________O nasa CR ako at nakagapos, tiningnan ko ang paligid, nabigla nanaman ko kasi nakita ko sina Mark at Randy na nakagapos rin, biglang naalala ko ang nangyare, ah si panget, si panget puta, isa siya sa KILLER ,

nakita kong may nagbubukas ng pinto, hihingi sana ako ng tulong ng malala kong baka si panget yan  kaya nagtulogtulogan ako, naramdaman kong nabuksan na ang pinto, minulat ko nang kaunti ang aking isang mata, sapat na para maaninag ko ang nangyayare, nakita kong mayhilahila siya, alam kong isa yun sa kaklase namin sino kaya yan,

nang makapasok na ang ulo ng taong hilahila niya ay nakilala ko na kong sino ito si Glicer wala ring malay, inilagay niya si Glicer sa isang gilid ng CR nato, may kinuha siya at nakita kong lubid ito, ginapos niya rin ang walang malay na si Glicer

nang maigapos niya na ito, ay umalis na siya, pumunta ako kay Glicer nang pagapan, dahil di ako makatayo dahil sa tali,

pagdating ko doon, ginalaw-galaw ko siya gamit ang ulo ko,

" hoy , Glicer " sabi ko sakanya , pero di parin ito gumagalaw

mas nilakasan ko pa ang paguntog ko ng ulo ko sakanya

" puta " napamura ako sa sakit ang bobo ko talaga bat ko kaya inuntog ang ulo ng napakalas sa katawan niya , yan tuloy ang sakit ng ulo ko,

" hmmmmmfff " narinig ko galing kay Glicer , unti-unti niya nang minulat ang kanyang mga mata, nakita kong biglang napalaki ang mata niya sa gulat,

" hala , bakit ako andito " tanong niya

" tss, mamaya kana magtanong, kailangan makaalis muna tayo dito, dali tumalikod ka " sabi ko

" ano bat ako , haharap sa likod makakatakas ba tayo jan , tss " Glicer

" ano ba , sumunod ka na lang " sabi ko sakanya ng maypagkairita

nakita kong napalunok siya at tumalikod agad, tss, takot pala to sa akin haha,

pagtalikod niya tumalikod rin ako,

" ano ba tong ginagawa natin " tanong niya

" basta " sabi ko, lumapit ako hanggang magkalapat ang aming mga likod, nakaramdam ako ng init, joke lang, nagkadikit rin ang aming mga kamay, nakaramdam ako ng kakaiba, haha joke ulit, di ako bakla noh, ayun nga ginapos kasi kami ni panget na ang mga kamay ay nasa likod,

" dali alisin mo ang gapos sa mga kamay ko " utos ko sakanya, sumunod naman siya agad

" ang hirap " reklamo niya

" tss ano ba , kanina pa di mo pa rin natatanggal baka dumating na si panget , dalian muna " utos ko ulit sakanya

" tss -___- , oo na po " siya

makalipas ang ilang minuto , sa wakas natanggal niya rin, pagkatanggal niya , inalis ko na ang gapos sa aking paa at katawan pati siya ay inalisan ko na rin,

" tara alis na tayo " sabi ko sakanya

" di ba natin isasama sina Randy at Mark " tanong niya at tumingin sa parte kung nasaan ang dalawa,

" tss , wag na tara na " hinawakan ko kamay niya at hinila siya papunta pinto

" ano, handa kana ba " tanong ko

" game na game " sabi niya

unti-unti ko nang binuksan ang pintuan at

O___________O tumambad sa amin s-i si .........................

SCHOOL EVENT -- Run for your LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon