JYZZELE POV
eto kami nasa quadrangle, may iaanounce daw kasi yung Principal eh, di ko nga alam kong ano yun??
"ano kaya ang iaanounce"tanong ni Nikki
"ewan ako ba ang principal" pamilosopong sagot ni Janine
"tss" nasabi na lang ni Nikki
"magsitahimik na kayo, magsasalita na yung Principal" saway ko sa dalawa
"good morning" bati ng Principal, btw ang principal pala sa amin ay ang may ari rin ng school na to
"good morning" bati rin naman
"nandito ako upang iannounce, sa inyo na magkakaroon tayo ng event" pasimula ng Principal
"woooooh" naghiyawan ang mga estudyante,
"at ang event na yun ay ang RUN FOR YOUR LIFE"patuloy ng Principal
"woooooooh" mas lalong lumakas ang sigawan ng estudyante
nakakexcite naman ang event na to, cguro may magsosuot ng zombie costume at hahabulin kami , oh my naeexcite ako,
"hahahaha" biglang tumawa ang Principal
lahat kami ay, nagulat dahil wala naman dapat pagtawanan, eh bakit siya tumawa
parang nakaramdam ako ng pangamba ewan ko ba,
"hahaha, ganito ang event na to, in one section magkakaroon ng 5 killer"sabi niya habang humalakhak
ang iba ay nagulat ang iba ay natuwa,
"dapat makapatay ang killer ng 10 kaklase niya, tandaan kaklase bawal pumatay ang killer sa ibang section, kapag nakapatay na ng 10 kaklase niya ang killer, ay pwede na siyang lumabas sa impyernong paaralan na to, hahaha, at sa mga taong makakabunot ng walang sulat , kayo kayo ang papatayin ng killer, hahaha, kailangan niyong makasurvive hanggang bukas upang makaalis kayo dito hahaha, sa mga killer na hindi papatay , kayo ang papatayin haha"
0____0 halos ganito ang reaction ng mga estudyanteng nakikita ko,
ah, panu, totoo bang papatayin o larolaro lang,
may isang 2nd year student ang lumapit sa principal at nagtanong ito
"totoo po ba na papatay o laro laro lang"
"hahahaha" tumawa ang Principal at may kinuha eto sa kanyang likod
sa ilang iglap eh nakita na lang naming nakahandusay at duguan ang 2nd year student,
O____O lahat kami nabigla, at nakaramdam ng takot
"what the ---- aaaaaaaahhhhhh, ayoko pang mamatay" sigaw ng isang babae at tumakbo eto patungo sa gate
pero di pa siya nakakadating sa gate eh may bumaril na sakanya at nakita naming sabog ang kanyang ulo, sa ulo pala siya natamaan
lahat ng estudyante ay di makagalaw, at naghihintay sa susunod na mangyayare,
"hahaha, nga pala di kayo makakalabas dito hanggat magawa niyo ang inyong dapat gawin, hahaha, may mga taong nakabantay sa paligid at ang tumangkang tumakas o lumabas sa paaralang ito ay papatayin nila haha" saad ng Principal tila ba nababaliw
"hayop ka wala kang puso, baliw k---"di na natapos ng 4th yr. student ang kanyang sasabihin dahil siya'y binaril ng Principal

BINABASA MO ANG
SCHOOL EVENT -- Run for your Life
Horrorschool na nagkaroon ng EVENT na PATAYAN :-! edi wow !!!!