SCHOOL EVENT 27 :

145 6 3
                                    

JO'S GAMIL POV

dahil sa gulat tumakbo ako at di ko alam kong pasaan ako,

habang tumatakbo ako ,

nakita kong malapit ako sa music room,

napagdesisyunan kong doon ako magpapahinga, pagako napaghinga na eh , hahanapin ko na ang sinasabi ni Francis na alam kung saan ang daan paalis sa paaralan na ito,

nasa harap na ko ng pinto ng music room, pinihit ko ang door knob pero nakalock ito,

pinilit kong buksan ito at salamat at nabuksan ko rin ito,

pagbukas ko , pumasok ako agad at inilock ulit ang pinto at ako'y sumandal dito, napagod ako,

di ko alam eh , nakatulog pala ako,

NIKKI POV

natakot ako dahil akala ko kung sino ang pilit pumasok, iyon pala si Jo's lang haay,

nakita kong di ito gumagalaw at nakapikit ang mata,

bigla akong nakaramdam ng kakaiba,

patay ??? katanungan sa isip ko,

dahil doon lumabas ako sa tinataguan ko dito sa sulok at naglalakad papalapit kay Jo's

" psst, bumalik ka doon Nikki , baka KILLER yan " pagpigil sa akin ni Mary Rose

sa halip na pakinggan siya , eh tinuloy ko ang aling paglalakad papalapit kay Jo's

nang makalapit ako pinagmasdan kong mabuti ito, napakgwapo talaga niya, sayang ang kagwapuhan niya kung patay na siya,

napaluhod ako sa harap niya,

ayaw kong mapatay siya ,

" psssst , unalis kana jan " Mary Rose

pero di ko ulit siya pinansin

iniangat ko ang aking mukha ,

at nagulat akp dahil

nakatitig pala siya sa akin,

nagtitigan kami,

* dub , dub , dub , dub , dub , dub *

hala ang puso ko , nagwawala

nagtitigan pa rin kami , at nararamdaman kong ang dugo kp'y papunta sa aking mukha, alam kong sobra na kong pula , dahil sa hiya ako na mismo ang pumutol sa pagkakatitigan namin at dali-dali akong tumayo

" a-ka-l-a k-o p-a-ta-y k-ana k-y-a ---- " di ko natapos sasabihin ko dahil niyakap niya ko,

mas lalo akong nagulat at mas lalo kong naramdaman ang pamumula ng mukha ko

" makakaligtas tayo , may kaklase tayong may alam na daan " sabi niya habang yakap niya ko

pero di ko masiyadong napansin ang pagsasalita niya dahil, hindi pa rin ako makapagmove-on sa pagyakap niya, di niya pa rin kinakalas ang pagyakap sa akin

" ehem " nagkunyareng nauubo si Mary Rose

di ko namalayang umalis na pala siya sa tinataguan niya at lumapit sa amin

kinalas na ni Jo's ang pagyayakap sa akin,

tiningnan ko si Mary Rose ' panira '

" ano pala yung sinasabi mo Jo's " tanong ni Janine

" ah " parang nagulat siya dahil nagsisulpot na lang ang dalawang ito

" ilan ba kayo dito " tanong ni Jo's

" kami lang tatlo dito " ako na ang sumagot sa katanungan niya , ngunit hindi ako tumitingin sa kanya nakayuko lang ako

" ano yung sinasabi mong daan?? " tanong ulit ni Janine

" ah , ganito yun " at ikiniwento niya ang nagyare hanggang makapunta siya dito

" patay na pala si Francis , kawawa naman siya " Mary Rose

" alam mo ba kung sino ang binabanggit ni Francis " tanong ulit ni Janine

" yun nga eh, di niya nasabi sa akin dahil binaril na agad siya " malungkot na sabi ni Jo's

" pero wag kayong malungkot hahanapin natin siya at ang iba pa , makakaalis tayo sa impyernong lugar na ito " masiglang sabi ni Jo's

nakita kong nagsitango si Mary Rose at Janine

" oo makakaalis tayo dito " pangcheer ni Mary Rose

SCHOOL EVENT -- Run for your LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon