SCHOOL EVENT 8 :

209 3 0
                                    

3rd PERSON POV

' ikaw una kong papatayin , patawad Ma. Emillen ' sabi ng KILLER

itinaas niya ang kutsilyo, handa na siyang patayin ang babae pero natigil ito dahil sa katok,

* tok, tok, tok, *

" may tao ba jan , papasukin niyo kami " sabi ng taong nasa labas

napangiti ang KILLER , dahil kilalang-kilala niya ang boses na yun,

' buti na lang dumating sila, di na ko mahihirapang hanapin sila ' sa isip ng KILLER, nilagay niya ang kutsilyo sa dating kinalalagyan ito,

lumapit siya sa may pinto, pero may nakaharang dito kaya pumunta na lang siya sa may bintana, binuksan niya ito, nakita niya sina Arjean , Angelica , Mariette at Patricia

" pssst " sitsit niya sa mga ito

napatingin sa kanya ang mga ito,

" J--------- " hininto agad ng KILLER ang pagsasalita ni Arjean

" pumasok na kayo , dilikado jan sa labas , dito na lang kayo dumaan, sarado kasi jan sa pinto " sabi nito

sumunod na lang ang mga ito, pumasok na sila,

" haaaay salamat, andito lang pala kayo " sabi ni Patricia

" ah, oo kanina pa kami dito , magpahinga na kayo , kasi parang pagod na pagod kayo , wag kayong magingay kasi baka magising sila , kakapahinga pa lang naman namin "

" oo nga , kakapagod, pahinga na ko ah , sige J------ " hininto na naman nito ang pagsasalita

" sige " sabi nito at pumunta siya sa dating pwesto kung saan malapit kay Ma. Emillen

pumili na rin ang mga kakadating palang ng pwesto , nang makapili na sila ay nagsipunta na sila dito at nagpahinga

ilang minuto ang nakalipas ay nakatulog na rin ang mga kakadating palang, tumayo ang isa sa kanila at kinuha ang kutsilyo

' tulog na sila ' lumapit siya kay Ma. Emillen

' patawad ulit Ma. Emillen ' at tinaas na niya ang kutsilyo, at sinaksak ang natutulog na si Ma. Emillen sa puso

SCHOOL EVENT -- Run for your LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon