Raven's POV
Nagtataka kayo kung anung klaseng nilalang kami ni oppa?
Isa kami sa mga kinatatakutang nilalang sa mga lahi namin. 1/2 human 1/4 werewolf at 1/4 vampire kami. Yung ina namin dhamphir o 1/2 vampire 1/2 human. Ang ama naman namin 1/2 werewolf 1/2 human.
Kaya di kami nasusunog ng araw o kahit na anu. Nasasaktan din kami sa silver pero di naman umuusok yung sugat na nasugatan ng silver. Immortal kami oo pero tumatanda din kami perks of being half human. Kaya lang mas malakas, mabilis, at mas improved ang aming senses kaysa sa mga kalahi namin. Mabilis ding gumagaling ang mga sugat namin. Pwedi din kaming mamatay kapag nakuha nila ang puso namin at nasunog ang aming katawan.
Isa yan sa mga sikreto ng aming pamilya. Sa totoo lang namatay ang aming mga magulang dahil sa pag proprotekta sa aming dalawa. Pinagbabawal kasi sa batas namin ang pagkakaroon ng mga lahing pinagsama. Si lolo pure vampire yun pati na din sina butler joe at chen. Yung ibang maids at men in black namin mga half werewolfs at human. Yung iba naman mga dhampir. Kaming pamilya lang kasi ang tumatanggap ng mga pinaghalong nilalang sa mga kalahi namin. Sa ngayon kami ang namamahala sa lahat ng mga bampira at taong lubo.
May mga lugar kung saan sila pweding manirahan ng tahimik. Nagkaroon din kami ng truce sa gobyerno. Na pweding makihalubilo ang mga katulad namin sa simpleng mga tao pero pinagbabawal ang pagpatay sa mga taong inosente.
Sina lolo at ang mga councils ang nag aayos ng mga problema kapag merong mga rebelde sa amin. Isa pang sekreto. Kami ang namamahala sa underground society. Si lolo ang pinaka emperor doon sunod kami ni kambal, at sunod ang mga councils doon.
Enough of my life. So far, nandito kami ngayon nina oppa, sir leo at sir mark sa bus. Di kami ngayon pinasama sa mission. Yung mission nila ngayon ay sirain at patayin lahat ng tao na dadalo sa isang grandball sa isang tagong mansyon.
Kayang kaya na daw nila iyon. Kaya di na kami pinasama dahil baka daw di pa sila nag eenjoy tapos na ang mission.
Psh.. Masyado silang mabagal eh.
5 oras din kaming naghintay sa kanila dito sa bus. Pagkarating nila dito nagbihis na sila at lupaypay na umupo sa mga upuan nila.
"Lexy.. I miss you!" malambing na wika nitong katabi ko pagkaupo nya.
Hinila nya lang ako at yinakap ng mahigpit.
"Im always here for you lexy, i love you" bulong nito sakin at hinalikan ako sa ulo ko. Yinakap ko lang din sya at sinubsob ang mukha ko sa malapad nyang dibdib.
Nakaganung posisyon lang kami habang bumibyahe na ang bus pabalik sa academy.
I will love you forever Damon Chris imperial
YOU ARE READING
RAVENOUS (completed)
Actionthey say im an angel but they're wrong. "welcome to my life."