[4]

9 0 0
                                    


I went up straight to room1705 . Tina told me nasa 5th floor ang room ni Sic at ito ang room number nito. Luckily nahanap ko naman ka'gad yon. Binuksan ko ang pinto ng room saka inilagay sa teacher's table ang letter na pinaghirapan kong gawin kagabi. Ito ang unang plano ko para kay Sic. I'm not sure kung magiging maganda ba ang kalalabasan nito but I'm hoping. I really, really hoping na sana maging maayos na ang lahat sa pagitan namin. Fighting!

I hurriedly leave the room and went back to our class. Nandoon na sila Tina and Mocha while Gel hindi ito pumasok dahil may emergency daw. Kating kati na ako at gusto ko nalang bumalik sa room nila Sic saka kunin ang letter na ginawa ko. Hindi pa pala ako handa. Huhuhu. Pano nalang kung hindi niya 'yon mabasa? o kaya naman ibang tao ang makabasa, ehhhh nakakahiya.

So.. sinitsitan ko si Tina sa gilid ni Mocha na nakatalikod. Nag mouth talk ako dito na samahan ako sa labas. Hindi naman ito nagdalawang isip at sabay pa kami nagpaalam kay Mocha. Sasaglit lang talaga kami d'on saka babalik din. Gusto ko lang kunin 'yung letter ko,

Nasa labas palang kami ng room nila Sic ay halos hindi na mapinta ang mukha ko.
Nahihiya ako na mukhang natatae na ewan ko ba. Tinutulak na din ako ni Tina para magexcuse sa loob pero tinatagan ko ang paa kong hindi madala sa pagkakatulak niya sakin.

"Go na MiCA pumasok kana at magexcuse. You can do it ,ikaw pa ba?" pagpapalakas ng loob nito sakin.

"Ako pa ba? eh sa nahihiya ako eh"

"Naman kasi... gagawa-gawa ka ng kalokohan tapos hindi mo naman pala kayang panindigan. Asan na ba ang dating MiCA na walang bahid ng kahihiyan sa katawan?" Napa'pout ako saka huminga ng malalim na humarap sa pinto ng room nila Sic, nakasirado kasi 'yon pati na ang mga bintana. Napalunok din ako ng sarili kong laway bago ko dahan-dahang hinawakan ang doorknob. Madali lang 'to MiCA.. madali lang! . Pagpapalakas ko sa sarili ko.

Nang mahawakan ko na ang pinto ay ang siya namang pagbukas nito. Naestatwa pa ako sa kinatatayuan ko hanggang sa tumama ang pintuan sa mukha ko. Sobrang bilis ng pangyayari. Hindi ko na nabalanse ang sarili ko at napaatras na din kaya ako napaupo sa sahig.

Hysterical na lumapit sa tabi ko si Tina at hinawakan ang mukha ko. "Are you okay MiCA? Namumula ang noo mo gosh!"

Inalalayan naman akong makatayo ng mga estudyante sa loob. They asked me if I'm okay and I nodded at them.

"Ba't niyo pa ba 'yan inaalalayan? Duh papansin talaga kahit na kailan" Nakatingin lang ako sa babaeng tinarayan ako. Siya yung babae sa cr kahapon. Ba't naman ang init ng ulo niya?

"So what Trisha ano bang pakialam mo?" si Tina ang sumagot.

"Sakanya wala pero sakanila" turo nito sa mga kaklase niya na tumulong sakin, "Meron! baka naman kasi pati sila dalihin niyang kaibigan mo" Sabi nito sabay irap sakin.

"You bitch.. inggit ka lang kasi ikaw malandi nga wala namang pumapatol sayo. Dinadakdakan mo 'tong si MiCA kasi Oa na 'yang kainggitan mo sa katawan mo. At saka you can't blame them na tulungan si MiCA kasi naman katanggap tanggap namang tulugan 'tong kaibigan ko kesa naman sayo... Gumapang man dyan sa sahig o kahit magpadala ka pa sa kumonoy walang tutulong sayo, bitch!". Walang pakundakang sabi ni Tina.

"Mas bitch ka!" sigaw nito naman ni Trisha.

"Same more to you bitch" sagot pa ni Tina.. Hindi na ako nanahimik pa at inawat ko na sila. Sobrang agaw atensyon na sila at ayoko na magkaroon pa ng issue ang pagaaway nila. It's all about me kung bakita nandito kami sa sitwasyon na 'to.

"Tama na Tina, bumalik nalang tayo" sabi ko dito. Hinarap ko ulit si Trisha at maso-sorry sana ng lumabas sa room si Sic. Natameme naman ako ng dumaan ang paningin niya samin. Sakin. Nawala lang ang focus ko sakanya ng hablutin ni Trisha ang hawak ni Sic na papel. Magre-react pa sana ako ng maunahan ako ni trisha at itapon ito sakin.

Lightning Strings at Dead of Night - On GoingWhere stories live. Discover now