Ayan tapos na!. Hihi sana magustuhan nila 'tong ginawa ko. Medyo pawisan na ang noo ko at basa na din ang likod ng uniform ko. Ayos lang! saka na ako magpapalit ng damit pag nandito na sila Mocha.
Muli kong sinuyod ng tingin ang buong room na puno ng balloons na kulay pink, mga picture naming apat na nakasabit. Kinuha ko pa ang mga 'to sa photos ng fb ko.
May lettering balloons din sa white board at nakalagay ang salitang SORRY. May cake din ako na favorite nilang tatlo. Sana kahit papaano ay magustuhan nila 'tong Peace offering ko dahil sa naging pasaway ako at naging abala pa ako sakanila this past few weeks. Kunting effort lang 'to kumpara sa mahaba nilang pasensya sakin. Kahit paulit-ulit minsan ang mga tanong ko, kahit nanggigigil na sila sakin pagpinapabayaan ko lang ang mga umaaway sakin ay nandyan pa din sila. They never let me alone. Rumeresbak kaagad sila sakin. Thou, minsan namamalditahan nila ako lalo na ni Mocha ay alam kong way niya lang dahil ang totoo ay sobra lang ang pagaalala niya sakin. I smiled to myself. I love them. Sobra.Come on Mocha.. pumasok na tayo. Wag kana maginarte dyan.
Narinig ko ang boses ni Tina sa labas kaya alam ko ng nandito na sila. Sinindihan ko na ang kandila na nasa cake saka ito kinuha. Sakto naman na pumasok na sila. Namutla ako ng kunti ng tinaasan lang ako ng kilay ni Mocha, si Gel naman nakangisi lang then si Tina na nakangiti.
Hindi ko alam kung nagustuhan ba nila ang ginawa ko? Idk kung ito ba ang taste nila o baka hindi nila gusto ang pink. Kung ano ano ang pumasok sa isip ko nang lumapit sakin si Mocha at nilagyan niya ako ng cake sa mukha. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Seryoso pa din ang mukha niya ng bigla siyang tumawa ng nakakairita? Sige pa rin siya sa tawa habang hawak nito ang tiyan niya. Lumapit naman si Tina samin saka pinahiran din ng cake si Mocha. Natigil ito sa pagtawa pero tumawa ulit ng nilagyan niya din ng cake si Tina. Doon na nagsimula ang harutan naming apat sa cake.
At last, nagkalat sa sahig ang cake at icing nito. Maski kami ay puno din ng cake ang mukha. Bago kami magayos ay napuno muna ng litrato naming tatlo ang cellphone ko. This is new memories to treasure.
"Thank you Sissy, your the best. I love you" yan ang linya ni Tina.
"I hate surprises but sigee.. I like this-no I love it, thank you" si Gel.
Si Mocha naman ay mukhang nahirapan sa sasabihin sakin but she hug me and whispered. I love you.
That's the moment na niyakap ko siya pabalik at naggroup hug kaming apat.
Thank you din.
***
Hapon ng manatili kami sa quadrangle at sumilong sa isa sa mga puno doon. Nahiga ako sa damuhan at pinanuod ang kulay asul na kalangitan. Pakiramdaman ko ang saya saya ko. Ganito pala ang pakiramdam na naging maayos ang araw mo kasama ang mga taong mahal mo. Ayoko na muna isipin ang mga problema? Kung problema ba talaga. Basta ngayon gusto ko lang maging tahimik ang paligid ko kasama sina Mocha.
Hii girls!
Napabalikwas si Gel sa pagkakahiga saka tinignan kung sino ang dumating.
"Oh?" tanong nito.
"Si MiCA ba 'yan?" rinig kong tanong ng lalaki kay Gel.
"Why do you ask?" Gel asked.
"I'm just here to give this to her" sagot ng lalaki kaya umupo ako mula sa pagkakahiga. Tinignan ko lang ang tulog na sina Tina at Mocha tas si Gel na nakatitig sakin. Anong gagawin ko?
"Ahh salamat" sabi ko sabay kuha ng bulaklak,"pero anong meron?" tumawa lang ang lalaki saka ngumiti sakin.
"I just want to give you a flower" aniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/265012375-288-k677384.jpg)
YOU ARE READING
Lightning Strings at Dead of Night - On Going
FanficShe live her life to the fullest until she finally reach the peak of her limitation. While her, she died early without any reason. What if this two cross each other lives and change the world all of sudden. The once died, while her she live again...