[7]

3 0 0
                                    


Hindi nga nagkamali sina Tina ng maging usap-usapan ang pagpapakapahiya sakin ni Mrs. Perez sa library four days ago. Alalang-alala sila ng araw na 'yon at hindi ako tinantanan hanggang sa bahay sila namalagi the next day.

Napagusapan namin ang mga ginawa ko sa library at tulad ng inaasahan ko umalma sila sa mga ginawa ko. Matapos kong magkwento ay sila pa itong napagod dahil sa totoo lang hindi naman sila sanay maglinis ng kahit ano lalo pa ng mga maaalikabok na mga bagay.

Kwento palang yan ah! pano kung sila nga ang pinaglinis?

Di mas lalong sagad ang inis nila sa teacher na si Mrs. Perez. Hindi natapos ang gabi na 'yon na wala akong naririnig na mura at ungot mula kay Mocha. Madamdamin naman na pagaalala si Tina saakin at hindi makapaniwala na mag-isa kong ginawa ang paglilinis kahit pa hindi ko naman obligasyon.

Naging maayos pa din ang gabi na 'yon bago ako makatulog. Sa pagiisip na nandito lang sa tabi ko ang mga kaibigan ko ay sapat na para tuluyang maging magaan ang loob ko.

Malalim ang iniisip ng tumingin ulit sakin si Gel. Huminga ito ng malalim saka naupo sa tabi ko. Sina Mocha at Tina naman ay nanatili ang tingin dito at mukhang nananabik din sa sasabihin nito. "Hindi ka ba talaga magpapapigil sa binabalak mo?" medyo dismayadong sabi nito na mabilis kong sinagot ng marahang pag-iling.

"If that so.. then I'm no longer stop you. Do whatever you want" agad umiwalas ang mukha ko ko sa narinig. While the two walk immediately to us at halatang ayaw sa naging desisyon ni Gel.

"What's this Gel? are you out of your sanity? Kita mo naman ang ginawa ng lalaking 'yon kay MiCA at siguradong madadagdagan lang ang inis non sa kaibigan natin" Mocha pointed out and sighed heavily. Si Tina naman ay umiling iling sakin para kumbinsihin akong itigil ang balak ko. Hinawakan ko ang kamay nito to assure her na magiging okay ako.

"For one condition" Gel said with a smirk on her lips. "We'll just give you 45 days at kapag natapos ang araw mo na hindi nababago ang isip ni Elijah sayo..." She stopped then wink, "You have nothing else to do is to stop chasing him and remove him out of your life.

45 days? Ano ako manok?

I stiffened. Nawala ang kalokohang sumagi sa isipan ko ng mapagtantong limitado lang ang araw na ibinigay sakin ni Gel. Napalunok ako bigla. What if walang mangyari? Pano kung hindi ko mabago ang pagtingin sakin ni Sic? Pano kung madagdagan lang ang pagkaayaw niya sakin? Pano na 'to? Mababaliw ata ako.

Napabaling ulit ako kay Gel na mukhang seryoso talaga sa tinuran, "So ano... leave it or make it?" she asked. I smile inwardly and nodded.

Dalawa lang ang option ko.. Maging matapang at gawin ang lahat para magkaayos kami ni Sic o maging mahina at iwan nalang ang nakaraan at ibaon sa limot pero ano ba ang ibabaon ko sa limot kung wala pa akong maalala magpahanggang ngayon.

Hindi ko kayang pumasok araw-araw na may isang taong puno ng pagkadisgusto sakin. Presensya ko lang o kahit pa ang huling baitang ng buhok ko ay ayaw niya what more itong pagmumukha ko pa?

It made me uncomfortable and uneasy to do well here so why would I leave 45 days and not even try if it is my only option to turn him back and change everything to be right.

"Yes. I'm claiming it" I answered full of determination.


***

Lightning Strings at Dead of Night - On GoingWhere stories live. Discover now