I. Lucy: Maldita Number One

46 0 0
                                    

"I DON'T WANNA CLOSE MY EYES! I DON'T WANNA FALL A SLEEP CAUSE I MISS YOU BABE, AND I DON'T WANNA MISS A THING!!!"

Kasabay ng malakas niyang pagkanta (kung pagkanta mang matatawag ang halos maputol na ang lahat ng ugat sa kanyang leeg) ay ang pagtama sa mukha niya ng kanyang unan na awtomatikong nagpatahimik sa kanya.

"Aray! Makabato ka naman!" Reklamo niya sa babaing daig pang sinabunutan ni Sisa sa gulo ng buhok.

"Ang aga aga ang ingay mo! Mahiya ka nga sa mga kapitbahay! At saka akala ko ba die-hard fan ka ni Regine, bakit mo binababoy ang kanta!!" Balik reklamo nito. Dagdag sa magulo nitong buhok ay ang gusot na gusot nitong pagmumukha na maski yata sa Leonardo Da Vinci ay hindi magtatangkang ipinta.

"Nakakahiya naman sa yo 'teh! Condo mo? Masama bang kumanta sa sarili kong condo?" Tanong niya dito na ipinagdiinan ang salitang CONDO. "Tsaka sound proof to noh! Walang ibang makakarinig saken bukod sa yo."

"Ayos ka rin no? Ok lang magkampuputol yang ugat mo sa leeg, lumuwa man yang mata mo at lumabas man yang baga mo kakakanta.Wapakels ka kung may mabulabog man." Reklamo pa rin ni Cherry sa kaibigan na halatang babagong nagigising ang katawang lupa.

"Eh pasensya naman po, kamahalaan! Nasanay lang akong walang kasama dito sa condo ko which means I can do anything I want." Sagot pa rin niya dito.

"Ay, sorry. Palagi ka nga palang home alone da condo. Gusto mo bigyan kita ng kasama? May dalang food yun. Wag mo lang ipabubugbog kay Cedrick Lee."

"Gaga! Ikaw kaya ang ipabugbog ko jan!" Bulyaw nya dito.

Isang malakas na hagalpak lang ang isinagot nito sa kanya tanda nang wala na ang inis nito sa pambubulabog nya.

"Lucy..."

"Hmmm?"

Napalingon siya sa kaibigan. Seryosong nakatingin ito sa kanya na tila ba pinag-aaralan ang bawat kilos niya.

"Seriously. How long are you going to be like this?"

"Like what? Like this beautiful and this sexy and this--"

"Like this lonely?" Puto nito sa sinasabi nya..

Sinasabi na nga ba nya.

"Who's lonely? Are you referring to your self?" Tanong ulit niya rito at hinarap muli ang inuumpisahang bagong design ng gown.

She's a designer. Ever since high school, pangarap na talaga nyang maging isang kilalang fashion designer. Yes, she's beautiful and has a class since she belongs to an elite family- the Fajardos. And she is the well known Lucille Fajardo. Her family owns a company which deals mainly with steels. Pero iba ang hilig nya. And she's so lucky that her family understands and supports her all then way.Sa tindig nya at estado sa lipunan, mas papasa siyang modelo pero hindi yun ang field na gusto niya. She wants to be the person behind the designs of the gowns the well-known models wear. Feeling nya kasi, without her creations, they will never be models. Nakadaupang palad na niya ang ilan sa mga sikat na fashion designer hindi lang sa Pilipinas, kundi pati na rin sa ibang bansa. Ipinagmamalaki niya iyon. Sa madaling salita, she can considered her self successful on her chosen field.

A designer with class but with heart covered with ice.

"Wag mong ibalik saken ang sarili kong tanong. How long have you been single? Five? Six years?" Muling tanong ni Cherry na nagpavalik sa kanyang atensyon.

"What's wrong with being single? It's my life not yours." Mataray na sagot nya rito.

Hindi naman ito na-offend kasi sanay na ang mga ito sa kanya. Mga ito ( including Kate and Shane) na mga kaibigan din niya. Aminado ang mga itong sa kanilang apat, siya ang pinaka maldita.

MALDITAS : Friendship and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon