Back to Reality, Lucille

10 0 0
                                    

Malakas na tunog ng kanyang cellphone ang gumising sa diwa ni Lucy.

Nakatulugan na pala niya ang pagbabalik sa nakaraan.

Parang kahapon lang. Napakabilus. Hinagip niya ang cellphone sa ibabaw ng katapat na mesa ng kanyang kama. Tumigil na ang pagtunog noon.

15 missed calls

25 new messages

Napailing siya sa nakita. Agad agad nuyang tiningnan kung kanino galing ang mga mensaheng iyon. May tig-isang messsage ang kuya at ate niya na pinaaalalahanan siya sa family dinner nila bukas samantalang ang halos lahat ay galing kina Shane, Kate at Cherry. Isang missed call lang ang galing sa mama niya at ang lahat ay galing pa rin kina Kate. Nagulat pa siya ng biglang tumunog ulit iyon.

"Hel---"

"My goodness Lucille! We've been calling for like forever now! Bakit ngayon ka lang sumagot?!" Sigaw ni Shane sa kabilang linya.

"Nakatulog ako."

"Nakatulog? Aba! Ang aga pa para matulog ulit ah! Pinag-alala mo kami." Sigaw pa rin nito pero mas mababa na kaysa sa nauna.

"Sorry! Eh bakit ka ba nagagalit? Kasalanan ni Cherry to eh! Napuyat ako kakahilik niya." Palusot niya.

"Sinong hindi magagalit yung nalobat na si Kate kadadial sa number mo. Aba! Akala namin nag Darna ka na dyan sa rooftop ah!"

Ngumiwi siya sa sinabi nito.

"Wag mo akong igaya sa yo no! Wala akong suicidal tendency."

"Aba't---"

"Tama na kayo nyan..ipapaalala lang namin sa yo ang lakad natin mamaya." Boses ni Kate yun.

Noon lang niya narealize na naka-conference call pala sila.

"Duh? Concert ni idol yun no! Baka nga ako na ang magbukas ng MOA Arena." Aniya na ang tinutukoy ay ang concert ni Regine Velasquez. Sa kanilang apat, siya ang number one fan talaga nito bagama't same talent nilang lahat ang singing. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit mas naging close sila.

"Ok, sabi mo eh. Anyway, wala pala dito si Cherry." Itext na lang daw siya ,mamaya.

"Oh, e asan yun? Kanina pa yun unalis dito ah."

"Baka nagkikita ulit sila ni Marc." At humagikhik si Shane tanda ng kinikilig ito.

Napangiti siya doon.

"Are you still there, Lucy?" Tanong ni Kate.

"Yeah."

"We have something to tell you." Seryosong sabi nito.

"What's that? Wag mong sabihing buntis kayong tatlo at ako lahat ang gagawin ninyong hilot?" May halong birong sagot niya.

"No." Seryoso pa rin ang sagot nito. Tahimik lamang si Shane na manaka naka'y maririnig ang pagbuntong hininga.

"Ok. It sounds serious." Sumeryoao na rin siya.

"He's back." Si Shane.

Hindi agad siya nakaimik.

"Si Philip?" Na ang tinutukoy ay ang high school sweetheart nito na nag migrate sa Canada ng wala man lang paalam. Hindi man lang ito nagparamdam kay Shane after that until now.

"No!" Malakas na sigaw ulit nito. Inilayo niya ang phone sa tainga niya. Feeling niya'y nag crack ang eardrums niya sa lakas ng boses nito.

"Then, who's he?" Tanong ulit niya bagama't may ideya ng nabubuo sa kanyang isip pero pilit niyang iwinawaksi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MALDITAS : Friendship and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon