Ang Panimula

15 0 0
                                    

Naging madalas ang pagkikita nilang dalawa sa library. Kapag alas tres na, naghihintay na sa may pintuan ng library si Miguel pag ito ang nauuna samantalang kung si Lucy naman ang mauunang dumating, ipinagrereserba na nito ng upuan si Miguel. Ganoon ang naging routine nila araw araw. Minsan pa nga ay nagrereklamo na sa kanya ang mga kaibigan dahil sa mas malimit pa niyang kasama si Miguel kaysa sa mga ito. Hindi din lingid sa kanyang kaalaman na pinagtsitsismisan na sila sa loob ng school. Minsan pa nga ay lantaran na siyang pinaringgan ni Daniella.

"Alam nyo ba girls, may isang kilalang babae daw dito sa campus ang madalas makitang kasama ng isang wirdong lalaki." Panimula nito sa mga kaibigan na nilakasan ang tinig upang iparinig kay Lucy na noon ay kausap naman nina Cherry.

"Ay, oo nga girl. Tapos ito daw babaing ito ay nagpapaligaw pa kung kani kanino bukod pa sa laging kasamang wirdong lalaki." Susog naman ni Laura, kaibigan ni Daniella.

Subalit nanatiling wala silang naririnig kay Lucy na nakikipagtawanan pa sa mga kaibigan. Naiinis ai Daniella dahil parang nagmumukha lamang silang tanga pero hindi naman sila pinapansin nito.

"Narinig ko pa nga na sila na daw yata nung wirdong lalaki dahil nakita daw silang nagsusubuan sa isang fast food chain!" Dagdag tsiamis naman ng isa pang kaibigan ni Daniella.

Nagsisimula ng mayamot sa Lucy dahil wala namang katotohanan ang huling sinabi nito. Oo, kumain sila sa fast food pero hindi sila nagsubuan. Pinunasan lang ni Miguel ang sulok ng labi niyang nalabisan ng spaghetti sauce. Hindi pa nga siya agad nakatulog dahil kinilig siya sa ginawang iyon ng lalaki. Wala ni isa pa sa mga manliligaw niya, maski si Raul na pinakamatagal niyang manliligaw ay hindi pa nagawa iyon sa kanya. Gusto lagi ng mga ito ay makaiskor sa kanya.

"Good gracious! Akala ko pa naman may taste at breeding siya, yun pala, papatol lang sa isang lalaking kinakabog ang rainbow sa dami ng kulay ng damit! Wierd na nga, mukhang tatanga tanga pa! Ano ba yan!" Eksaheradang banat ni Daniella.

Doon nawala ang pinipigil na pagtitimpi ni Lucy. Tumayo siya sa kinauupuan at maski ang mga kaibigan niya ay hindi siya napigilan.

"Ako ba ang pinariringgan mo?" Mahina ang tinig subalit makamandag na tanong niya kay Daniella. Nakatayo siya sa harap nito kaya napatingala ito sa kanya. Naasiwa siguro sa kanilang pwesto kaya tumayo na rin ito pero mas matangkad pa rin siya.

"Aba! Depende kung tinatamaan ka!" Mataray na sagot nito sa kanya at nakakalokong nginitian siya na lalo niyang ikinainis. Pero hindi niya itio ipinakita kay Daniella. Ayaw niyang bigyan ito ng kaligayahan sa pang iinis sa kanya.

"Meron pa bang iba? Sa room namang ito, ako na ang pinakasikat. Alangan namang sila (na ang tinutukoy ay ang mga kaibigan) eh hindi naman sila nakikipag usap malimit kay Miguel. Ako lang. Lalo namang hindi ikaw kasi hundi ka naman sikat, feelingera ka lang masyado!. So, ano sa palagay mo ang iisipin ko?" Mahina pa rin subalit nagbabadya ang delubyo sa kanyang tinig.

"Eh di ikaw! Palibhasa napakalandi mo at kung kani kanino kang lalaking sumasabit. Ikaw lang naman ang walang taste na papatol sa isang tatanga tanga at pipitsuging lalaking---"

PAK!

Hindi na natapos ni Daniella ang sinasabi dahil isang nakabibinging sampal ang ginawa dito ni Lucy. Napahawak sa pisngi niya sa Daniella na halata ang pagkabigla. Maski ang mga kaibigan nito ay nagulat din. Ganoon din ang mga kaibigan niyang hindi makapaniwalang magagawa niya iyon. They have known her to be so good in controlling her emotions. Pero maski siya ay nagulat din sa ginawa. Hindi niya alam kung bakit hindi niya nagawang kontrolin ang emosyon nung tawaging tanga at pipitsugin ni Daniella si Miguel. Parang masakit sa pandinig niya iyon.

"Don't call him that dahil sa inyong dalawa, mas TANGA ka." Ipinagdiinan pa niyang lalo ang salita. "He's kind and a perfect gentleman hindi katulad ng boyfriend mong walang ibang habol sa iyo kundi makipaglaplapan! And to clear things out, he is not my boyfriend. Not yet! Pero wag kang mag-alala, pag nagimg kami na, sasabihin ko sayo." Akmang tatalikod na sana siya pero humarap ulit dahil may idadagdag pa pala siya sa kanyang speech. "Oh, I forgot. Hindi ko na nga pala kailangang sabihin sa 'yo pag naging kami dahil mukhang bantay na bantay mo naman ang mga kilos ko, witch. Number one fan nga pila kita." Nakakalokong ngiti ang iniwan nya dito bago tuluyang lumabas kasunod ang mga kabarkada.

MALDITAS : Friendship and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon