The End

13 0 0
                                    

Tinitigan silang mabuti ng matandang babaeng sa tantiya niya ay nasa edad 65-70.

"Si Miguel ba kamo?"

Tumango siya na nagkaroon ng pag-asa.

"Nandiyan po ba siya? Pwede ko po ba siyang makausap? Ilang araw na po siyang hindi pumapasok sa school eh. Gusto ko lang po sanag magpaliwanag sa kanya." Dire diretso niyang sabi.

"Ganoon ba? Marahil ikaw ang tinutukoy niyang si Lou noong mga nakaraang Linggo na ipapakilala daw sa mama sana niya."

Nakadama siya ng konting kaligayahan noon at pag-asa.

"Pero hindi ko alam kung anong nangyari sa inyong dalawa eh. Umuwi na lang yun nung isang araw na galit at tingin ko ba'y galing sa pag-iyak."

"P-Pakausap po sa kanya manang..."

Umiling ang matanda.

'P-Please po oh. Kakausapin ko lang po siya." Naiiyak na pagmamakaawa niya sa matanda.

"Manang, kahit po saglit lang. Kakausapin lang po namin siya." Si Shane naman ang nakiusap.

"Gustuhin ko man mga iha, hindi na maaari. Wala na dito si Miguel."

Hindi niya maintindihan ang sinasabing iyon ng maganda.

"Ano pong wala? San po nagpunta?" Si Kate naman ang nagsalita.

"Umalis na sila kahapon papuntang America. Doon na daw ipagpapatuloy ni Miguel ang pag-aaral. Pati nga mama niya ay nagulat sa desisyong iyon nung batang iyo dahil ayaw na ayaw nung umalis."

'Gaano po sila katagal doon?" Si Cherry ang nagtanong.

"Hindi ko alam. Baka doon na sila manirahan." Pinal na sabi ng matanda.

Si Lucy na nakikinig lamang sa palitan ng impormasyon ay tila nanlamig at itinulos sa kinatatayuan.

"K-Kasalanan ko ito eh. Kung di ko sana ginawa yun, hindi siya aalis.." Humihikbing sabi ni Lucy.

"Wag mong sisihin ang sarili mo." Alo sa kanya ni Kate na nagiguilty rin sa nakikitang paghihirap ng loob ng kaibigan.

Tinamaan yata talaga ito dahil ngayon lang ito umiyak sa isang lalaki.

Maya maya pa ay nagpaalam na sila sa matanda.

Umuwi si Lucy na nangungulamata sa bahay. Nagkulong siya sa kwarto at hindi nakisalo sa hapunan. Nagdahilan na lamang siyang masakit ang ulo. Hindi iyon nakaligtas sa mga magulang at kapatid niya kaya sinabihan ng mama niya ang kanyang ateng pasukin siya sa kwarto bago ito matulog.

Naabutan pa siya ng ate niyang nakadapa.

"Anong emote yan?" Bungad nito sabay upo sa kama niya.

Umiling lang siya pero nakasubsob pa rin sa unan.

"Mas gagaan yan kung iseshare mo sa akin. Promise, hindi ako tatawa."

Naupo siya at nakatungong nagsalita.

"We broke up."

"Why so sudden?"

Saka niya ikinuwento dito ang lahat lahat. Pagkatapos niyang magkwento, pakiramdam niya at walang tigil ang pag agos ng kanyang mga luha. Niyakap naman siya ng kanya ate.

"This too shall pass." Sabi nito habang yakap siya. Kinitalan pa siya nito ng halik sa buhok.

Maya maya pa ay pumasok na rin ang kanyang kuya at mama at papa na iniwan lang pala ng ate niya sa labas ng pinto.

"We hope you learned your lesson." Ang papa niya na siya namang yumakap sa kanya.

Parang lalong nag init ang kanyang dibdib.

"May darating pa dyan na better. Stop crying darling." Ani ng mama nya na nakiyakap na rin sa kanya.

"What more can I say but we are here for you. We love you baby." Sabi ng kuya niya na nakiyakap na rin sa kanya.

Kahit masakit, napakaswerte niya for having such a sweet family sa bahay at good friends sa school.

"W-Wait.." Bulong niya.

"Why?" Nag-aalalang tanong na mama niya.

"You guyas are hugging me too tight. I can't breathe." Daig niya. Nagkatatawanan ang lahat.

Nang gabing iyon, doon natulog sa kwarto niya ang ate niya.

----------------

Mabilis na lumipas ang mga araw. Nakagraduate na siya sa high school. Unti unti niyang nakalimutan si Miguel dahil na rin sa tulong ng mga kaibigan niya at pamilya.

Nagkolehiyo siya at kumuha ng kursong gusto niya. May mga pagkakataong naaalala pa rin niya si Miguel pero pilit niyang iwinawaksi iyon.

Nakipagdate siya kung kani kanino para lamang makalimutan ito. Kapag natitipuhan niya ito, nakikipag M.U. siya pero hindi siya diretsang pumapasok sa isang relasyon dahil natatakot siyang masaktan muli.

Ang paglipas ng mga araw ay naging linggo hanggang naging buwan at naging taon.

Magpipitong tano na matapos ang lahat ng iyon. Masasabi niyang matagumpay niyang nakalimutan si Miguel. Sa edad na 25 , mas matatag na siya.

Alam niyang darating ang tamang tao para sa kanya sa tamang panahon.

Tiyaga at tiwala lang.

MALDITAS : Friendship and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon