Ang Kuwento ni GEENA

4.5K 88 12
                                    

Tinanong ako ng kaibigan ko kung nami-miss ba kita at walang kaabog-abog kong sinagot na "hindi."

It was a lie. Because even if I deny it to other people, I can't deny it to myself that i am missing you. So much.

When we stopped talking and seeing each other, that didn't mean I stopped thinking about you. That didn't mean I no longer cry myself to sleep. Because the truth is, even if I decided to cut ties with you, you didn't leave me completely.

Madalas pa rin kitang naaalala, lalo na kung may naririnig akong kanta na madalas nating pakinggan noon. I hate that I shared all my favorite music with you… Because now they only remind me of you.

And now I’m wondering, kapag naririnig mo ba ang mga kanta na pinapakinggan natin ng sabay noon, naalala mo kaya ako?

At heto ako, nagsesenti dahil naaalala kita, habang ikaw... ano nga ba ginagawa mo ngayon? Ano na nga ba nangyayari sa buhay mo? Wala na akong alam. Hindi tulad noon, alam ko lahat ng nangyayari sa iyo, ultimo ulam mo for lunch, alam ko.

And it pains me to think na may iba ka na sinasabihan ngayon kung ano ulam mo for lunch, kung ano ang music na pinapakinggan mo, kung ano ang ginawa mo sa opisina ngayong araw na ito.

Pero tanong lang, sa apat na buwan natin na hindi nagkita, nagkausap at nagkasama... did you, even for a second, think of me and miss me?

Kapag naghahanda ka araw-araw papuntang opisina at ginagamit mo ang Christmas gift ko sa iyo, naiisip mo ba ako?

Kapag dumudungaw ka ba sa bintana ng office niyo at nakikita mo ang Starbucks sa tapat, naaalala mo ba iyong mga hapon na nagkakape tayo dun? Iyong mga oras na nilagi natin doon kapag inaantok na tayo sa opisina, o kaya wala tayong magawa at gusto nating magkita at magkausap...

May mga panahon ba na naaalala mo iyong araw-araw nating pagcha-chat? Iyong mga good mornings mo sa akin, iyong mga "Inaantok ako" na message natin sa isa't isa, mga "Kape tayo" at "Lunch tayo..."

Simple lang naman ang tanong ko eh... na-mi-miss mo kaya ako gaya ng pagka-miss ko sa iyo? Kasi sobrang miss na miss kita.

Sabi ng mga kaibigan ko, grabe daw ang memory ko. Kahit maliit na detalye tungkol sa mga nagyari 10, 20 or 25 years ago, naaalala ko pa. Paano na kaya iyong mga nangyari several months ago pa lang?

Noong nag-Metrowalk kami last weekend, naalala ko iyong araw na tumawag ka sa bahay ng hatinggabi at nagkayayaan tayong mag-Starbucks. Kahit umuulan, sinundo mo ako sa bahay. May bagyo pala noon kaya ang aga nag-sara ng Starbucks sa Shangri-la.

Pumunta tayo sa Podium, sa Tektite at sa Emerald Avenue, pero sarado na rin silang lahat kaya nakarating tayo sa Metrowalk. Nagkape lang tayo dun hanggang alas dos ng madaling araw, tapos hinatid mo na rin ako sa amin.

Dahil sa memory ko, lahat na yata ng lugar, na-a-associate ko sa iyo. Mga malls na napuntahan natin, mga bar na ginimikan natin. Sa mga ganitong panahon, parang cursed ata magkaroon ng photographic memory. Lahat ng detalye, naiisip ko. lahat. pati iyong mga hindi ko na dapat naaalala.

I know I shouldn't be missing you. Hindi na dapat ako nagsesenti. Para ano pa? Hindi naman ako umaasa na bumalik tayo sa dati. After what you did to me? Ang gaga ko naman kung hanggang ngayon, mahal pa rin kita.

Pero... wala lang, may mga instances lang talaga na hindi ko mapigilan na hindi ka ma-miss.

Lagi ko sinasabi na we cant help what we feel. But it’s how we deal with our feelings that matters. Hindi ko kaya pigilan kung ma-miss man kita. Kahit na I shouldn’t be thinking about you, I know that missing you doesn't mean I’m weak or stupid… it just makes me human.

The feeling of missing you will never go away. I just have to learn to get used to it. i just have to find ways on how to deal with it. Iyong nakatambak na kahon ng sapatos na di pa nagagamit at ang bills ko sa credit card ang nagpaalala sa akin on how I cope with my depression that you caused. Hanap na lang ako ibang mas murang therapy para makalimutan ka at hindi ka ma-miss.

Four months ago, I walked away for a reason. And although I really miss you and part of me wants to see you, talk to you and be with you, I am still staying away from you, for self-preservation.

And since I won't be able to greet you on your birthday, dito na lang... happy birthday! Sana masaya ka. Alam ko masaya ka. Kita ko naman sa mga posts mo sa social media na masaya ka nga with her.

Hihintayin ko na lang iyong time na magiging masaya din ako. Masaya naman ako ngayon. I have my family and friends. My career is doing well. Pero, mas magiging masaya lang ako, kapag hindi na ako naaapektuhan sa mga memories mo... kapag hindi na ako nasesenti dahil sa iyo.

The Goodbye GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon