Ang Kuwento ni NORINGAI

2.6K 70 17
                                    


That wasn't your first heartache. Pero yun ang pinakamasakit. Kasi siya ang pinakaminahal mo talaga. At dumating siya sa panahon na akala mo, marami ka nang alam sa relasyon at pag ibig.

To say that he hurt you is an understatement. Puwede pala yun? Yung sobrang saya mo nang dumating siya sa buhay mo kaya binigay mo lahat. Wala kang pakundangan magmahal at wala ka na tinira sa sarili mo. Kaya noong nawala siya, tangay niya lahat. Para siyang dementor sa Harry Potter. Lahat ng happiness mo, lahat ng reasons mo to live, nahigop niya.

Gusto mo lang umiyak nang umiyak. Gusto mong magkulong sa kuwarto at matulog buong araw.

Sa gabi, nakahiga ka lang, patay ang ilaw, nakikinig sa Someday ni Nina at Without Me ni Clarie Marlow. Lagi mo siya iniisip. You were blaming yourself. What went wrong? Ano mali sa 'yo? Ano kulang?

Tapos pag papasok ka sa opisina, tulala ka lang na nagko-commute. Kahit nakatayo ka sa MRT, kapag naisip mo siya, bigla ka na lang maiiiyak.

Hindi sapat ang mga mga salita para ma-describe kung gaano ka niya nasaktan at kung paano ka wasak na wasak ng mga panahon na iyun.

Gusto mong bumalik siya sa 'yo. Pero gusto mo rin kalimutan siya completely.

At nagsimula kang mainis sa sarili mo. It was just a broken heart pero parang nawalan ka na ng rason para bumangon sa umaga. Bago mo siya nakilala at minahal, bago ka niya sinaktan, you were a strong, smart and sane woman. Whatever happened to that woman?

Iyun ang mga panahon na gusto mo inuntog ang ulo mo sa pader o kaya salubungin ang bus sa Ayala para lang hindi mo siya maisip at ma-miss. Lagi mo kasing naaalala kung gaano siya kabait sa 'yo. Kung gaano niya pinakita sa 'yo na mahalaga ka. Lagi mong binabasa ang mga I love you niya sa text. Lagi mong binabalikan lahat ng masasayang araw niyo.

Gusto mo siyang kalimutan kaya wini-wish mo sana puwede ka matulog ng sampung araw tapos pag gising mo, nabura na lahat ng alaala mo sa kanya.

It was a daily struggle. One day at a time. Kung anu-ano ginawa mo to make it through the day. Iba-iba. Minsan shopping. Or videoke. Madalas binge eating. Or DVD marathon ng Grey's Anatomy.

Naging clingy ka sa friends mo. Gusto mo lagi silang kasama. At wala naman silang sawa na kakakinig sa mga kuwento mong paulit-ulit lang naman. Your friends were there to offer you tissue and Gatorade para hindi ka madehydrate kakaiyak.

Hanggang sa sinagad mo iyong naramdaman mo. Araw-araw mong tinitingnan ang mga pictures niya online – kasama ang bagong girlfriend niya. Tinatawag kang masokista ng mga kaibigan mo pero ang rason mo lang naman, gusto mo ma-desensitize ka. Gusto mo dumating sa point na kapag may nakita ka o nalaman o narinig, wala ka nang maramdaman. Gusto mo ubusin ang sakit.

At naging effective pala ang pag-desensitize. Nasagad mo din at nagsawa ka na ngumawa at umiyak. Pero kung kelan mukhang okay ka na, bigla siyang magpaparamdam. He wanted you to be friends. Parang walang nangyari.

At doon ka nagalit sa kanya.

Minumura mo siya sa mga kaibigan mo. Minumura mo siya sa blog mo. Kahit sa mga bagong kakilala mo sa bago mong trabaho, nagkukuwento ka tungkol sa kanya at sa binigay niyang heartache sa 'yo.

How can you be friends with someone who gave you debilitating pain? With someone who took away your laughter?

Hindi mo siya mapatawad. Natatakot kang makasalubong mo siya o makita dahil sigurado ka na masasampal mo lang siya. O mumurahin.

At dahil doon, nakalimutan mo na lahat ng good memories nyo together. Yun lang pala ang sikreto eh – magalit ka sa kanya para hindi mo na siya mamiss. Para hindi ka na malungkot.

Naging bitter ka and angry. Kahit sa panaginip mo, galit na galit ka sa kanya. Panaginip na nga lang, tumatakbo ka pa palayo kapag lumalapit siya.

Hanggang sa nagising ka na lang isang araw na hindi ka na galit sa kanya. Hindi ka na nanghihinayang o nalulungkot. Dedma ka na. At hindi ka niya nasasaktan. Kasi hindi mo na siya mahal.

When you finally get over someone, nagbabago na ang tingin mo sa kanila. You used to think of him as the asshole who strung you along and broke your heart. But eventually, he became the person who did you a favor by hurting you. Because the heartbreak allowed you to discover that you are actually stronger and smarter than you thought you were.

At kahit hindi siya humihingi ng sorry sa 'yo... Kahit hindi na kayo nagkita at nagkausap... pinatawad mo na siya. Pinakawalan mo na yung galit mo. At ginawa mo yun, hindi para sa kanya. Kundi para sa 'yo. Para makalaya ka na sa kanya.

And then you saw him again...

It was so surreal. Parang eksena sa pelikula. You haven't seen him in eight years pero parang kahapon lang noong huli kayong nagkape at nagpaalam ka sa kanya.

"Sorry kung nasaktan kita," were his first words to you.

"Salamat at pinagkakitaan kita," you kidded. "Nasa dalawang libro ka."

Nagkausap kayo. Lumabas lahat ng mga hindi niyo nasabi sa isa't isa. You were honest. He was candid. You talked about the past. And you both ended up laughing about everything that was said and done.

And just like that... you became friends again.

You were with the guy who gave you your worst heartache, the guy you haven't seen in eight years, the guy who hurt you immensely... And you realized you no longer feel any hurt, anger or regret because you have forgiven him... that was the perfect closure.

Possible pala yun. Years ago, hindi mo naimagine na makita siya ulit at makausap na hindi mo siya minumura. Years ago, sobrang wasak ka dahil sa kanya.

But then you gave yourself time... time to mope and wallow in depression, time to be angry, time to be bitter, time to heal.

Kaya noong nakita mo siya ulit, lahat ng mura na gusto mo sabihin noon, lahat ng sumbat na naipon sa isip mo.... nakalimutan mo na lahat. At ang nasabi mo na lang sa kanya ay... thank you.

You thanked him for the experiences. You thanked him for your beautiful memories together. You thanked him for breaking your heart.

He was your worst heartache. But he was also your best teacher. At gusto mong ishare ang lahat ng natutunan mo sa kanya at sa ibang lalaking nanakit sa 'yo through your writing and your books.

Gusto mo sabihin sa bawat taong may broken heart to just be patient. Because in every heartache, time is our friend. Time will erase the anger, the bitterness, the pain. And time will teach us that a wound, no matter how deep, will eventually heal.

The Goodbye GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon