Dear T,
Tropa tayo, hindi ba? Paano tayo nakarating dito? Paano ba nagsimula ang lahat?
Ang natatandaan ko lang... nag-iinuman lang tayo. Nagkukuwentuhan. Tapos bigla mo akong hinalikan. Sa halip na magulat at magalit, hinalikan din kita. Hindi kita tinulak. Hindi kita pinigilan.
At nagising na lang tayo kinabukasan na hindi na tayo friends lang. Naging friends with benefits na tayo.
Ano ba ang friends with benefits?
Ito yung magkaibigan lang tayo. We are not interested in each other romantically. But on those occasions when we are both drunk, or when we are both lonely, we can have sex and we won't feel weird in the morning.
Simply put, kapag sober tayo, platonic lang tayo. Pero kapag lasing na tayo, minamalisya na natin ang isa't isa.
I tried to play it cool. Uso eh. Maraming gumagawa nito. No strings attached.
"Sex lang naman," katuwiran ko. Biological needs. Parang pagkain at pag-inom.
May isang conservative na kaibigan, pinapagalitan niya ako. Buti pa daw iyong pokpok, may bayad. Sa akin, libre. Ginagamit mo lang daw ako. Pero sabi ko, ginagamit din naman kita. Quits lang tayo.
Pero bakit ganoon? Akala ko hanggang sex lang. Pero bakit may iba na akong nararamdaman?
Tama pala iyong sinasabi nila... If you have slept with someone more than once, it's difficult to stop yourself from having feelings. May mararamdaman ka talaga.
Bigla akong nakaramdam ng ownership at possession sa iyo. Magkaibigan lang tayo pero naiinis ako kapag may babaeng lumalapit at nakikipag-usap sa iyo. Magkaibigan lang tayo pero kapag hindi tayo magkasama, napapaisip na ako kung nasaan ka... kung may iba ka bang ka-date, kung may iba ka bang ka-sex.
And that obviously changes the friendship. Dahil para sa akin, this is ....
(WANT MORE OF THIS? BUY THE GOODBYE GIRL IN ANY NATIONAL BOOKSTORE FOR ONLY P185)
BINABASA MO ANG
The Goodbye Girl
RomanceLahat tayo nagmamahal. Pero hindi lahat, minamahal. Iyung iba, niloloko, sinasaktan, iniiwan. May ibang binubulungan ng "I love you." May ibang tinatanong ng "Will you marry me?" At may iba na sinasabihan ng "Goodbye." Ito ay para sa lahat ng nagma...