I woke up with the little kisses I felt. Hindi pa sana ako mumulat dahil alam kong sila Grae lang to at pinagti-tripan lang ako. May duplicate key kase sila nitong condo unit ko. Mga gago talaga. Pinagti-tripan ako kaaga aga.
"Asus naman. Kunware pa siyang tulog." Narinig ko ang boses na mala-anghel kaya naman napadilat ako ng wala sa oras.
"Babe!" I hugged her and she hugged me back.
"I missed you." Sabi ko sa kaniya. I want to kiss her in the forehead kaso nga lang di pako nakakapag-tooth brush. Amoy alak pa naman tong bunganga ko. Hahahah!
"Walang kiss?" Naka-pout pa siya at nakangiti. Ang cute niya talaga.
"Meron. But reserve it for later. I haven't brushed my teeth yet." Sabi ko sa kaniya at tumayo nako sa kama. Tinupi ko na yung kumot ko and siya,dumiretso sa kusina.
"Anong breakfast ang gusto mo?"
"Waffles." Sagot ko habang nagto-tooth brush.
"Again?" Sabi niya na natatawa.
"Yap. Alam ko namang waffles,hotdogs at eggs lang ang alam mong lutuin eh." Sabi ko at nagpunas ng bibig. I smiled but she pouted.
"You're insulting me again." Nagpre-prepare na siya ng gagamitin sa pagluto. Umupo naman ako sa stool sa may counter ko at pinanood ang misis este prinsesa kong gumawa ng pagkain para sa kin.
"No I'm not. Ayaw ko lang mahirapan ka." I kissed her and she smiled.
"Nadagdagan na ang alam ko! I know how to cook sinangag and dried fish this time." Proud na proud niyang sabi.
"Wow! Wo taught you? Thanks to that person. Nadagdagan na ang menu ko. Wahahahahah!"
"Thanks to Jairus." Tumawa siya at hinainan na kaming dalawa.
***
"Aalis ka ulet? Eh kaka-boys night out niyo lang ah. Take note. Di ka nagpaalam sakin." Sabi ni Shar habang naglilipat ng channel. Tumawag kasi sakin si Nash dahil he's asking us over dun sa bagong bukas niyang bar."You can come naman eh. Kaso nga lang all boys dun babe." Sabi ko sa kaniya at tinabihan siya sa sofa. Asking her permission in indirectly way.
"Okay. Sumama kana." Sabi niya at pinatay yung TV. Tumayo din siya at dumiretso sa kwarto.
Ow...key. I guess I'm not going.
Talaga nga namang sumasabay ang panahon. Ang lakas ng kidlat at brown out pa. Tuloy padin daw sabi ni Nash at si Francis at ako nalang daw ang wala dun. Pabor talaga yung panahon kay Shar. Hay.
To Bro Nash: Pare. Di ako makakapunta. It's raining cats and dogs and ayokong iwan mag-isa yung Sharlene ko sa unit ko :) Sorry. Next time nalang.
Tinext ko si Nash at nagpunta ako sa kusina. I took cooking lessons last last year kaya naman may alam ako sa pagluluto. I decided to cook arozcaldo dahil malamig ang panahon. So naglabas nako ng ingredients at habang pinakukuluan ko yung manok,nag-reply ang mokong.
Bro Nash: As expected. HAHAH! Gago bro enjoy! Sabi ni Brace gumamit daw kayo ng proteksyon! And sabi ni Jhon under ka daw gago ka! Hahahahha :p
Mga kups talaga. Di ko nalang nireplyan at pinagpatuloy ko nalang ang pagluluto.
***
Naluto yung lugaw by around 3:25 pm. Sakto namang lumabas si Shar at halatang di na siya nagulat na andito ako. Sanay naman kase kaming dalawa na pag hindi siya pumayag or nagtampo siya, hindi ako sasama.
"I didn't go." I smiled at her and she looked at me.
"I know." Sabi niya at nagtimpla ng kape. Babalik na sana siya sa kwarto ng i back hug ko siya.
"I'm sorry." Sabi ko tas kiniss ko siya sa cheeks. I heard her deep sigh and she faced me.
"You're forgiven." Sabi niya at ngumiti. Nakita ko nanaman yung nunal niya na isa sa pinakapaborito kong parte ng mukha niya.
"Thank you." Sabi ko at kiniss siya sa nunal niya.
"I cooked lugaw. Tara kain tayo." Sabi ko at inaya siya sa table.
"Wow. Ang bango. At sure akong masarap. Para saan bato? Peace offering?" Tumawa niyang tanong at tinikman. Inaantay ko yung reaksyon niya. Daig ko pa nasa cooking contest sa kaba. First time ko kase siyang ipagluto ng lugaw eh.
"Ang sarap! The best to!" Sabi niya at dinilat yung mata niya. Napangiti naman ako. Masarap daw! Though alam ko namang masarap kase madaming nagsasabi na may talent ako sa pagluluto pero pag dating sa kaniya iba eh.
"Kalasa siya ng kay Jai! You two should cook often! Ang saya sana kung magiging chef kayo pareho sa iisang resto!"
BINABASA MO ANG
Yung Dating Tayo Na Naging Kayo
FanfictionMay mga bagay talaga na dumating lang sa buhay mo para turuan ka ng leksyon. Kahit gaano pa ito kaimportante o gaano mo pa ito kamahal kailangan mong bitawan sapagkat hindi ito permanente para sayo. Ngunit ano nga ba ang mas pipiliin mo? Ang dating...