❌Chapter 27❌

2 1 0
                                    

This is the real chapter 😚

𑁍𑁍

Nagising na lang ako ng hindi ko na maramdaman ang presensya sa tabi ko kaya unti-unti akong nagmulat ng mata

Nilibot ko ang mata ko at nakita ko na napapalibutan na ng kulay itim ang paligid kaya alam kong gabi na

Napatingin ako sa driver Seat at nakita kong wala nga akong kasama pero...Buhay ang makina at may ilaw sa labas kaya kahit na madilim ay gusto kong lumabas

Hahawakan ko na sana ang Pinto ng mapatigil ako at kinapa ang aking katawan at napatingin ako doon ng may makapa ako

Isang Jacket

Panlalaki

Kaya napangiti na lang ako ng wala sa oras

Inayos ko ito sa balikat ko at itinuloy ang gagawin ko dapat...ang lumabas

Pag bukas ko pa lang ng pinto ay ang pagsimoy ng malamig na hangin kaya napasinghap ako pero nakaya ko naman

Dahan-Dahan akong lumabas at naramdaman ko na ang mas malamig na hangin kaya napakapit ako sa Jacket na nasa akin

Hindi muna ako gumalaw

Pinakikiramdaman ang paligid

Nang makasigurado ako na walanv ibang tao dito bukod sa akin ay napabuntong-hininga ako at lumapit sa hood ng Kotse kung saan may ilaw at napasinghap ako at natuod sa nakita ko

May isang blanket na nakalatag doon,kulay white at hindi ko maaninag ng mabuti dahil sa madilim na nga

Hindi ko na lang yun pinansin at pumunta ako sa taas ng hood at umupo doon ,dahan dahan ang lakad ko dahil hindi ko kabisado ang lugar

Nang makaupo ako at mapatingin sa unahan ko ay napasinghap na lang ako

Natulala....

"Woiii"isang salita na nagpabalik sa akin aa realidad kaya napatingin ako sa nagsalita

"are you spacing out..,in a long time"asar na sabi nya sa akin kaya napailing na lang ako at pilit na ngumiti "i am sorry,it was just"sabi ko at tiningnan ang mga ilaw sa baba

Nasa mataas na lugar siguro kami dahil nakikita ko ang mga ilaw sa baba at napakaganda noon at dahil nga nasa Tagaytay kami ay may nakita akong Dalampasigan sa di kalayuan at may buwan

Napakaganda

"hmmmm"ungot nya kaya napatingin ulit ako sa kanya,may inabot sya sa akin kaya napataas ang kilay ko

Isang bag na kung hindi ako nagkakamali ay may tatak ng kanyang Vellien Cãfe kaya napatingin ako sa kanya

Nakaiwas pa rin sya mg tingin kaya kinuha ko na ng walang imik o komento doon

Pumihit sya patalikod kaya kinuutan ko sya ng noo at pinagmasdan kung saan sya pupunta

Sa blanket lang pala kaya napangiwi ako at nagiwas na lang ng tingin,ibinaba ang ibinigay nya sa tabi ko at pinagmasdan ang tanawin sa baba

Wala kaming naging imikan na sya ang bumasag

"come here"malambing na sabi nya kaya napatigil ako

H-He's tone is like a- arrggg!stop it!

"i said come here"kalmado pang sabi nya kaya wala sa sariling kinuha ko ang bag at naglakad papunta sa kanya

Silently..,nakakatakot kasi sya eh

Hindi ako umimik ng magkatabi na kami

Tahimik ako habang pinag mamasdan ang nasa baba namin ngayun

Be A Perfect Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon