Offer?
Naging maayos ang mga klase ko at napapairap na lang ang mga kaklase ko pag nakakasagot ako
Anong magagawa ko? Matalino kaya to?
Napailing na lang ako sa nasa isip ko
Nababanas na kasi ako, tatapunan ako ng masasamang tingin hindi naman nila malapitan
Hindi ba nangangalay ang mga batok nila?
"Hey! Ley" untag sa akin ni Devi-este ni Nia
Napataas ang kilay ko at sya din naman at napapailing na lang
"Are you with me? Lutang ka" asar na sabi nya kaya napairap ako "what is it?" Tanong ko na lang at napabuntong-hininga sya "wala daw klase ang last subject" sabi nya kaya lumapad ang ngiti ko na nakatingin sa kanya
Walang klase ang History! Yesssss!
"Bakit daw?" Syempre dapat hindi halata muntik na akong mapatawa sa tanong ko
"Change schedule tommorow at 1 o'clock" sabi nya at mababatukan ko na sana sya sa sinabi nya kaso pinigilan ko
"Ayoko pa naman nun"angal ko at natawa naman sya sa sinabi ko
Hindi ko na lang sya pinansin at napatingin naman ako sa dereksyon na hindi dapat tingnan
Ang Royals tss, napairap na lang ako at tumingin sa unahan, nakita ko kasi si Deon na nakatingin sa akin eh, nababanas ako eh
Lumipas ang oras at parehas kami ni Nia na may ginagawa
Sya nag-ccp ako nag s-sketch sa notebook ko ng biglang "ano ba" angal ko at napatingin sa kanya at napataas ang kilay at nahagip ng mga mata ko ang mga matang nakatingin sa amin
"pumunta ka mamaya sa Vellein Cafe" nakangiti o sabihin na nating naka seduce smile kaya napairap na lang ako
"No thanks, may gagawin pa ako" sabi ko at inilahad ko ang kamay ko sa kanya para ibigay sa akin ang sketch pad ko
"Ayaw mo? Ikaw na nga ang inaalok?" Asar na sabi ko at nginisian ko sya
"Come on, i dont have time to you" sabi ko at nagsigawan ang nasa loob at nangunguna ang sa isang kasama nila
"Deon ayaw sa charm mo!"sigaw nya kaya napangisi ako at tinaasan sya ng kilay at inayos ang salamin ko
"Akina"
"No if you want it then go to Vellein Cafe" sabi nya kaya napabuntong-hininga ako at mahinang tumango
"Exact Five thirty mamaya naandoon ka na if no then i'll get that to you right now" balewalang sabi nya ko sa kanya at napakunot ang noo nya
"Ikaw pa mag mag ta-time?" Tanong nya pero tinaasan ko sya ng kilay na nag tatanong na ikaw ang nag yaya kaya napabuntong-hininga na lang sya at tumango
"Sige" sabi nya at tumalikod na kaya sinamaan ko sya tingin
"Hudas, ang dami tuloy masasamang tingin" asar na sabi ko at natawa ang katabi ko
"Ikaw lang ang hindi nya nagamitan ng killer smile nya ah" pang-aasar nya sa akin kaya napairap ako " hindi na gagana yan sa akin no, sawa na ako sa ganya" asik ko at hindi sya sumagot kaya napatingin ako sa kanya
Nakatingin sya sa akin ng nakakunot ang noo kaya napakunot din ang noo ko
"What do you mean by hindi na gagana?" Takang tanong ko at napatigil ako at napaiwas ng tingin
BINABASA MO ANG
Be A Perfect Girlfriend (On Going)
Teen FictionIsang simpleng Babae ang hangad ay kapayapaan sa pagpasok nya sa Richard's University pero hindi yun ang bumungad sa kanya Mga matang mapanuri mga tingin na akala mo ay kung sino ka Mga taong ang hangad ay mawala sya sa universidad Nang dahil lang s...