❌Chapter 1❌

25 3 0
                                    

FIRST ENCOUNTER

"Nak! Bangon na diyan! Male-late ka na!" nagising ako sa ingay ng mahal kong ina

Pupungay-pungay akong umupo sa kama ko ng nakapikit at hindi pinansin si Mama

"Nak!"sigaw pa nya sa akin kaya napailing na kang ako at sumigaw pabalik

" opo nay! Saglit lang!" Sigaw ko at tumayo na at niligpit ang aking higaan at nagtungo sa banyo para maligo

Ako nga pala si Kelley Flea Yuan isang Typical Nerd,mahaba ang buhok, may malaking salamin,walang kaibigan, walang lovelife lahat na

Pero may Mama naman ako na mapag-mahal. Si Mama Fellia Flea isang suportive na mama yan, halos lahat nasa kanya na

Pero minsan nakakalungkot
Walang amang nagpalaki sa akin
Walang amang nag-alaga sa akin

Masakit pero tinanggap ko na naman

Isa daw siyang intik kaya daw medyo singkit ang mata ko

Pero anyway, natapos na akong maligo kaya bumaba na ako at nakita ko si mama na nag hahain, napangiti na lang ako

"Morning ma" nakangiting bati ko dito at lumapit na ako para yumakap, ganto na ang routine namin tuwing umaga wag na kayong mag-taka

"Morning anak, kumain ka na at papasok ka pa" nakangiting sabi nya at tumango naman ako at umupo, susubo na sana ako ng mag-salita sya

"Anak andiyan na yung uniform mo" sabi nya habang nilalagyan ako ng kanin "Ma?" Patanong na tanong ko at tiningnan ang suot ko

"Yung damit mo nasa kuwarto mo na hindi mo ba nakita?" Tanong nya kaya umiling naman ako at napatawa sya "paano mo nga naman makikita eh hindi mo naman talaga yun papansinin?" Nakanhiwing tanong nito at napakunot ang noo ko

"Ma?" Tanong ko at matawa na naman sya

Nababaliw na ata si Mama

"Kumain ka na muna at tiaka ka magpalit ng uniform mo, sige na" sabi nya kaya napangiwi ako, inayos ko muna ang salamin ko bago ako kumain

Nang matapos ako ay nagpaalam na ako kay Mama na pupunta sa taas pero sabi nya ay sasama daw sya at excited sa susoutin ko kaya napapailing na lang ako na sumunod sa kanya

Mas excited pa sa gagamit eh

Nang mapunta ako sa kuwarto ko ay nagtaka ako ng may nakahain na mini skirt na malapit sa tuhod at isang blouse na may lace na Red at may nakapatong pa na pendant na--

Wait ito ba ang--

"Oh anak andiyan ka na pala, halika dito at isuot mo na to" sabi ni Mama na nakangiti sa akin

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at napatingin ulit sa uniform ko daw

"Mama" nasambit ko na lang at natawa sya

"Sorry dear, ito ang required" nakangising sabi nya at napailing ako "no, no, no hindi ko yan isusu--"  bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nakalapit na sa akin si Mama at hinila ako papasok sa C.R kasama yung damit!

"Mama palabasin mo ako dito, hinding-hindi ko yun isusuot" paulit-ulit na sabi ko pero paulit ulit din ang sinasabi nya at sa huli ay sya ang nasunod

Napabumtong-hininga na lang ako at inayos ang malaki kong salamin at tiningnan ang ayos ko

Hindi naman bagay sa akin eh! Kaasar kasi si Mama eh

Nakabusangot akong lumabas sa CR at isang nakakarinding ingay ang narinig ko

"Whhhaaaa!" Sigaw ni Mama kaya napangiwi na lang ako at napapikit

Oo tama kayo, si mama yung sumigaw sobrang Oa eh

"Anak tanggalin mo yang salamin mo"  maktol nya kaya minulat ko ang mata ko at sinamaan sya ng tinggin "hehe, sabi ko nga" sabi pa nya at nagkamot ng ulo at inirapan ko na lang

" alis na ako"walang ganang sabi ko at hindi na sya pinansin at umalis na ako sa bahay hindi na naman sya humabol

Ganyan kami pag wala ang isa sa mood hindi nag papansinan pero hindi magkaaway

Nag-antay ako sa labasan ng village namin ng jeep at ng makasakay na ako ay umalis na ito

Pumara ako sa Richard's University

Nang makalabas ako at mapatapat sa gate nito ay napatigil ako

Hindi sa mangha kundi sa kaba, hindi ko to gusto

Napatitig ako sa Gate na nakasarado pa hanggang ngayun

May initial na R sa gitna at sa baba ay Richard University

Maganda pero bakit ganto ang pakiramdam ko? Kinakabahan? Isa lang ang ibig sab--

"Excuse" isang malamig na boses ang narinig ko na nakapag-pabalik sa akin sa realidad

Napakalamig nito pero wala akong pakialam, nakakainis sya

Napatingin-tingin ako sa gilid ko at ng masigurado kong ako ang kausap nya ay taas kilay akong humarap

Wala naman kasing tao sa gate? Lahat nasa loob na pala hindi ko man lang namamalayan yun ah

Tinuro ko ang sarili ko para makasigurado "ako?" Taas kilay na tanong ko at tiningnan nya lang ako

Napatiim ang bagang ko sa inasal nya at tiningnan sya mula ulo hanggang paa

"Mr. Ang laki ng daan oh, dito ka pa sa pwesto ko dadaan? Nasisiraan ka na ba?" Mataray na tanong ko sa kanya

Narinig ko ang singhapan ng lahat pero hindi ko yun pinansin, nakatuon ang pansin ko dito sa lalaking napaka-abnormal

Ayoko sanang bad impression sa mga estudante dito pero sinusubukan ako eh

Nakatinginan lang sya ng walang emosyon sa akin

"I said get out of my sight" malamig na sabi nito at napangisi ako at inayos ang salamin ko

"Walang may karapatang mag-utos sa akin kahit na ang presedente pa Mr. Kaya kung ako sayo umayos ka" nakangising sabi ko at narinig ko na naman ang mga bulungan

"Ang bago nya pa lang pero ayan na ang ginagawa?"

" sino sya para pagsalitaan si Yeneal eh isa labg syang Nerd duh" at kung ano ano pa

Nakita ko na nag-dilim pa ang mukha nya kaya napangisi ako

" excuse me Mr. Hindi mo pa ako kilala" sabi ko at kumindat sa kanya at tumalikod na at nag-lakad papasok sa University

"Oh my god!"

"Rex my loves!"

"William come here"

"Deon Kiss mo ko"

Sari-saringsigawan ang narinig ko ng makatalikod ako pero isa lang ang nangibabaw sa lahat

"Whhooaaa, the heir of Richard Campany nakahanap na ng katapat" sigaw ng isang tinig at narinig ko ang tawa ng iba

Natigilan ako pero hindi ko na yun pinansin, nag tuloy tuloy na ako sa pag-lalakad

Pagtapak ko sa gate ay natahimik ang lahat, ramdam ko ang masasamang tingin pero binalewala ko na lang yun

Ano pa nga ba kung hindi ang balewalain diba? Kesa pagtuunan ko pa ng pansin

Anong magagawa ko eh ang hari ng University na to ang sinagot sagot ko kanina na akala mo panginoon

Sya pala ang pinag-mamalaki nila

Napaka-yabang

Napairap na lang ako at nagtuloy sa pupuntahan ko

Be A Perfect Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon