Mahirap hulaan ang isang bagay na hindi mo alam kung mangyayari ba sayo o hindi. Kung alin pa yung hindi mangyayari yun ang napapaghandaan mo kaya pag dumating yung oras na naandiyaan na yung isang bagay hindi mo alam ang gagawin
Magugulantang ka na lang na nangyayari na pala, na nakaharap na sayo yung bagay na hindi mo napaghandaan at hindi mo alam ang magiging resulta kaya sa huli wala kang magagawa kung hindi ang sumunod, kahit na alam mong walang kasiguraduhan
Susugal ka pa rin
"Kelley" malambing ang tono nya kaya napaawang ang bibig ko at napatigil sa pakain para tingnan sya " sorry for what happed please talk to me... sweetie i am worrried" ramdam ko ang paglalambing at pagkalito sa boses nya kaya napaayos ako ng upo
Kung kumakain siguro ako ay nabulunan na ako sa inaasta nya
"A-ano ba ang kailangan mo?" Napatikhim na ako sa pagkapiyok ko
" I dont want you stay mad at me until this evening" napasimangot na sya kaya suminghap ako at umiling
Bakit ang gwapo nya pag ganun?
" Hindi ako galit Yeneal please tapusin na lang muna natin ang pagkain natin"sabi ko at dinampot ko na ang kutsara para kumain
Hindi na sya umimik kaya napabuntong hininga ako at pasimpleng umiling
HINDI KO TALAGA SYA KAYANG GANTO!
Hindi na ako nagbalak na umimik at kumain na lang
Nasa isang Karenderya kami na ang sabi nya ay suki sya lagi pag pumupunta dito na ikinagulat ko at hindi sya pinaniwalaan pero nang pumunta sya sa mismong harapan ng tendera dito ay kilala sya kaya napag tanto ko na tama yung sinabi nya
Yung karenderya na to ay parang bahay lang, kahoy sya na parang Spanish Style at may Sampo atang lamesa dito sa loob at Lima sa labas
Limang Pangpamilya dito sa loob at limang pang dalawahan lang
May mga kasama kami dito kaso kakaunti sila
Mga nag de-date lang siguro? Dahil maaga pa naman at bakasyon naman ngayun siguro ay mamaya pa ang mga pamilya
"Masarap ba yung tinda nila?"tanong ni Yeneal ng makalabas na kami
Nakangiti akong tumango sa kanya kaya napabuntong hininga siya
Masarap yung Lomi nila dito, hindi ko ba alam marami na akong natikmang lomi pero eto ata ang babalik balikan ko sa hindi malamang dahilan
Parang pamilyar yung lasa na hindi
"I told you" ngiti nya at pinag buksan ako ng pinto para makapasok sa sasakyan nya " That's my favorite" sabi nya ng isasarado na nya ang pintuan kaya napailing na lang ako at sa hindi din malamang dahilan na ngigiti ako
𑁍𑁍𑁍
"So? Saan tayo ngayun?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa unahan at sya naman ang nag da-drive
" Somewhere that i want you alone" halos bulong na lang iyon kung hindi lang siguro tahimik ay hindi ko na iyon maririnig
Nia P.O.V
"Oh god! Ano ba tumigil ka nga!" inis na asik ni Lexa kay Deon na nag haharutan dito sa harapan ko
Halos ihampas ko na sa kanila itong hawak kong cellphone sa kakulitan nilang dalawa pero wag na lang, sayang eh
"Devinia" banggit nya sa buo kong pangalan kaya napahinto ako sa pag secellphone ko ng bumilis ang tibok ng puso ko
Iba yung dating ng pangalan ko pag sya ang bumabanggit
BINABASA MO ANG
Be A Perfect Girlfriend (On Going)
Novela JuvenilIsang simpleng Babae ang hangad ay kapayapaan sa pagpasok nya sa Richard's University pero hindi yun ang bumungad sa kanya Mga matang mapanuri mga tingin na akala mo ay kung sino ka Mga taong ang hangad ay mawala sya sa universidad Nang dahil lang s...