PROLOGE

30 5 0
                                    

Naghihintay ako sa ulanan
Inaantay sya na sana dumating na sya
Pero hanggang umabot ako ng 11 ng gabi wala pa rin sya

Napaluhod na lang ako sa damuhan at kasabay ng mga patak ng ulan amg pag daloy ng mga luha ko

Inantay ko sya, sabi nya mag papakita sya pero ano?

Umasa lang ako

Sana hindi ko na lang sya sinunod
Sana hindi ko na lang sya Minahal
Kasi ako lang naman ang nasasaktan

"B-bakit?"naitanong ko na lang sa kawalan

Ang daming bakit na tumatakbo sa isip ko pero ni isa dun hindi ko magawang sagutin

"Hinintay kita Yeneal pero b-bakit ganto ang inabot ko?" nanghihinang tanong ko sa kawalan

Dinama ko ang patak ng ulan
Wala na akong maramdaman kundi sakit

Paano nya yun nagawa sa akin?

Minahal ko sya

Pero kulang pa yun

Mahal ko sya

Pero hindi sya kontento

Mahal ko sya

Pero hindi nya ako mahal

Sino pa ba ang tanga?

Ako

Nang hihina akong tumayo at kahit na nanglalambot na ako ay pinilit ko pa ring mag-lakad sa gitna ng plaza

Walang katao-tao, walang nakakakita ng pag-hihirap ko kung hindi ako lang

"Ma-mahirap ba talaga akong mahalin? Mahirap ba akong pakisamahan? Hi-hi-- hindi ko na alam ang sunod na nangyari basta ang natatandaan ko na lang ay biglang nawala ang lahat at parang tutumba na ako pero hindi nangyari

Kahit nanghihina ay pilit kong iminulat ang mata ko, hindi ko maaninag "si-sino ka?" yun na lang ang nasabi ko at nahimatay na ako

Be A Perfect Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon