PROLOGUE

10 1 0
                                    

"Hays sa wakas at natapos na din."nakahinga ng maluwag si Daphnie nang matapos na niyang gawin ang mga nakatambak sa opisina niya.ilang araw din itong nawala dahil sa pag aayos ng bagong condo na binili nung nakaraan.

"Boss tawag ka ni General!"Tawag ni Dennis Kay Daphnie Kaya tumayo ito at Lumabas na sa office niya.

Pag pasok sa office ni General Pixes ay nakita niya ang matanda na nakaupo at nilingon ang dalaga bago yayain ang babae na maupo.

Sumaludo muna si Daphnie bago maupo at nagsalita na ang Matanda.

"May misyon akong ibibigay sa iyo.hindi ko pa alam kung sino ang magkakasama mo dahil nalaman kong nasa hospital pa ang partner mo pero as much as possible naman ay maghahanap ako ng makakapartner mo sa trabahong ito."panimula ng General.wala namang choice si Daphnie kundi tumango at makinig sa sinasabi ng Matanda.

Nasa Hospital ang Kapartner niya dahil kailangan itong ipagamot dahil sa tama ng baril na nakuha ng lalaki.

"Ibibigay ko sayo ang files at pag aralan mo ang case ng ibibigay ko sayo."binigay ng General ang isang makapal na folder at binuklat ito ni Daphnie habang nakikinig sa General na nagsasalita.

"Ang anak ng Gobernador ay nawawala na 1 week ang nakalipas pero hindi pa din ito bumabalik.Babae ang anak nito na nagngangalang Vianne Valdez.18 years old at nag aaral sa unibersidad ng manila pero hindi pa nagsisimula ang unang buwan ng pag aaral ay bigla nalang itong nawala.hindi pinaalam ng Gobernador ang pagkawala ng anak niya sa Media dahil gusto nito na maging pribado ang lahat."mahabang paliwanag ng General na naintindihan naman ng dalaga.

"Kailangan ko na pong umalis."maagang paalam ni Daphnie at sumaludo pero bago pa man siya makalabas ay may pumasok na Matipunong lalaki ang nakaagaw ng atensiyon niya.

"Why are you here?"tanong ni General sa lalaking kakapasok lang.

"Huh?you said that you need me for the case of the Gobernador's Daughter? that's why I'm here because I thought I will be the one who assigned to that."naguguluhan ang paraan ng pagsasalita ng lalaki.meron sa kaniyang nararamdaman na lamig sa Bawat salitang nilalabas nito.

"Don't worry about it. Chief Superintendent Smith can handle it alone."kampanteng Sagot ni General Pixes bago umupo sa swivel chair.

"What?!no!you guys know that it's very dangerous for her to handle it alone!"Sagot naman ni Kalix.

"Lieutenant Colonel Ximenez,you are a soldier so definitely you can't work with our Chief Superintendent Smith."Sagot ni General Pixes.

Nilingon ni Daphnie si Kalix na naguguluhan ang tingin bago mag salita.

"are you underestimating me?"sa paraan ng pagsasalita ni Daphnie ay may inis dito dahil sa paraan ng pag uusap ng dalawa ay parang mahina ang tingin ni Kalix kay Daphnie.

"I don't."mabilis na sagot ni Kalix

"Don't worry.i can do it alone."malamig na sagot ni Daphnie bago Lumabas pero bago pa man niya iyon magawa ay nagsalita na si Kalix.

"I'll go with you then."

—————✿—————

DS1:Chasing The Dream(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon