"SO ANONG ORAS ka matatapos jan?"nakapamewang na tanong ni Melanie sa Best friend niyang si Daphnie na nanunuod ng Anime sa laptop na dala niya sa office niya ngayon.
"Shut up."inis na sagot ni Daphnie at pinagpatuloy ang panood ng Anime.it's Attack on Titan.
"Kaloka ka hah!Kanina ka pa jan kelan mo ba matatapos yan?"tanong ni Melanie at umupo sa Couch na nasa tapat ng table ni Daphnie.
"Sabi mo Kanina isang episode nalang hah?"nagsalita nanaman si Melanie.
Walang kibo parin si Daphnie at pinagpatuloy ang panood sa Aot.
Mahilig kasi ito sa Anime, Kdrama at kung ano ano pa na Hindi mo maiimagine na ginagawa niya pala.Sa itsura niya ay siya yung tipo ng babae na hindi mo makikitaan ng interes sa mga ganoong bagay dahil kakaiba ang awra na dinadala niya.
"Nakita mo na Yung lalaki na kasama ni Commander?gwapo no!"kinikilig pa na kwento ni Melanie.walang kibo si Daphnie bagaman ay nakikinig.
"I don't actually care."matagal bago magsalita si Daphnie dahil natapos na niya ang isang episode sa Anime.sinarado na niya ang laptop at kinuha ang cellphone para tignan ang agenda for today.
"Bakit?natakpan ba ang ego mo dahil sa sinabi niya?"natatawang Sagot ni Melanie na inaasar pa si Daphnie sa paraan ng pagsasalita.
"He's a jerk."masungit na sagot ni Daphnie.
Natawa nalang si Melanie.sa tagal ng pagkakasama nila ni Daphnie ay alam niyang ganito ang ugali niya.masungit talaga ito at mahirap makausap dahil kailangan mong maging matalino pag siya ang kausap mo.
Hindi siya interesado sa mga lalaki dahil mas gusto niya sa mga fictional characters.naadik kasi siya sa kdrama,anime,at wattpad Kaya mas preferred niya ang mga ganoong may personality.
Nasobrahan kasi sa panood ng mga ganun kaya feel niya maloloko din siya anytime.that is why she really don't like having a relationship with someone kasi alam niyang hindi niya ito mabibigyan ng oras dahil nga mas inuuna niya ang anime at trabaho.
"Pansin mo teh parang tinititigan ka nung lalaki Kanina?sign na ba to na may crush siya sayo?"kinikilig na sabi pa ni Melanie.
"You know what? dapat Lumabas ka na ng office ko!ginugulo mo ako."inis na sabi ni Daphnie pero hinayaan lang siya ni Melanie at nahiga sa couch.
"Don't you really remember the man in your dreams that always bothers you every night?"seryosong tanong ni Melanie.
"I don't know.everytime na nakikita ko siya sa panaginip ko wala siyang mukha.oo nakikita ko siya sa panaginip ko pero pag gising ko automatic na natatanggal sa isip ko ang itsura niya."seryosong Sagot naman ni Daphnie.
Everytime na matutulog si Daphnie ay laging may lalaking nagpapakita sa kaniya sa panaginip niya.hindi siya natatakot dahil hindi naman masama ang dala ng lalaki sa panaginip niya pero ang nahihirapan lang siya ay tuwing pag gising niya ay sumasakit ang ulo niya.
Minsan na din siyang nagpa check up Kaya may mga ginagawa din siya bago siya matulog pero walang epekto yun.ni kahit siya ayaw gawin yun kasi meron sa loob loob niya na nagsasabi na wag gawin kasi gusto niyang manatili sa panaginip niya ang lalaki.
"I need to go.kailangan ko pang gawin ang mga agenda ko for today."pag basag ni Daphnie sa katahimikan.tumayo na siya at kinuha ang cellphone at susi ng kotse siya at Lumabas sa office niya.
Hinayaan niya na doon si Melanie dahil Alan niyang aalis din naman yun pag naboring or kapag inaantok siya.
Pag pasok sa elevator ay nakita niya ang binata na papasok din Kaya napairap siya sa kawalan.hindi ganito kasama ang ugali niya pero hindi niya talaga alam pero may part sa kaniyang naiinis sa lalaki at hindi niya alam kung bakit!
Tumunog na ang elevator at pinindot na niya ang button papuntang basement kung saan nandun ang parking lot.doon din papunta ang binata.
Pagkatapos ng ilang segundo ay nakababa na din sila at bumukas na ang pinto pero bago pa man siya makalabas sa elevator ay biglang nagsalita ang binata.
"I really didn't expect you to be here.don't you remember me or you're just pretending that nothing happen?"sarkastiko ang paraan ng pagsasalita nito bago Lumabas ng elevator at dumiretso sa sasakyan niya.
—————✿—————
![](https://img.wattpad.com/cover/265316171-288-k865762.jpg)
BINABASA MO ANG
DS1:Chasing The Dream(ON-GOING)
RomanceA Police Woman who named 'Daphnie Solona Smith' A cold hearted woman,strong and independent person and she's not interested in men because she preffered a fictional characters.she's a Workaholic type and she don't give a damn on someone or something...