7

2 0 0
                                    

It's been a week since nagkasakit ako and ngayon lang ako gumaling, thanks to Kalix for taking care of me.Nagtataka nga ako kung bakit nya ako inaalagaan ng ganon kung pwede naman sya pumasok nalang sa trabaho nya diba?

Sa loob ng isang linggo hindi sya pumasok sa trabaho at inalagaan lang ako, nalaman ko pa na nag leave daw ito dahil may importanteng gagawin pero andito lang naman siya sa condo buong linggo at chinecheck kung okay lang ako.

Dahil nga sa isang linggo ko na pag papahinga, siya na ang nag grocery para sa pagkain namin, naglinis at nag asikaso ng buong condo.Para na nga syang katulong dito at ako ang boss niya eh.

nung nagkasakit ako ay minsanan nalang din ang pag sakit ng ulo ko, ang sabi sakin ng doctor ko ay nawawala daw ang sakit ng ulo ko kapag nakasama ko daw ang taong pwedeng naging parte ng buhay ko bago ang aksidente.

Nakakapag taka din itong si Kalix at binabantayan ako, hindi naman ako tatakas eh ang sakit pa nga ng ulo at katawan ko kaya pano ako makakapasok diba?

I grab my car key and my phone after i'm done fixing my self.Ngayon nalang ulit ako makakapasok dahil sa nangyari sa akin and ngayon ay okay naman na ang pakiramdam at katawan ko.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, naka bun ang buhok ko at simpleng make up lang ang nilagay ko sa mukha dahil nga kakagaling ko lang sa sakit ay mas okay nadin na maglagay ng kolorete para hindi naman ako mukhang matamlay.

Nauna nang umalis kanina si Kalix kaya pag labas ko ng kwarto ay wala na siya, magkasabay naman kaming kumain ng breakfast kanina at sinabi ko nadin na papasok na ako kaya alam na niya.Bakit nya pala kailangan malaman diba??

Pagkatapos kong ilock ang pinto ng condo ay pumunta na ako sa elevator para makababa sa parking lot.Mabuti nalang at konti lang ang tao na nakikita ko dahil siguro nag si pasok nadin ang iba.

Pumasok nako sa kotse ko at sinimulan mag drive sa police station, naging mabilis ang biyahe sa sobrang bilis ng pag drive ko.

"Sir please tulungan niyo na po kami nawawala po ang anak namin"pag pasok palang sa loob ay nakita ko na ang isang babaeng umiiyak at nagmamakaawa sa isang police na ka trabaho ko, lumingon ito sa akin at tumango bago sumagot sa babae.

"Ma'am paulit ulit lang po tayo dito, bumalik nalang po kayo after 24 hours dahil wala pa pong limang oras nawawala ang anak niyo.pasensya na po at iyon ay kasunduan at kailangan sundin bago namin kayo matulungan,"mahabang paliwanag ng lalaking pulis at muling bumalik sa kaninang ginagawa.

Wala naman nagawa ang babae kundi umiyak at lumabas ng police station.I sighed, well ganon naman talaga ang kailangan gawin.Kahit mahirap ay kailangan mag hintay dahil baka mamaya ay may pinuntahan lang ang anak niya.

Pagkatapos makinig ang usapin na iyon ay pumasok na ako sa office at nakita ko si Melanie na nakangiti na agad at papalapit sa akin.

"Hoy ano na nangyari sayo ha kamusta kana?nako nako madami kang ikukwento dahil madami din akong nalaman"malakas ang boses na salubong nito sa akin.Kumunot ang noo ko.

"Pinagsasabi mo?"nagtatakang tanong ko bago umupo sa swivel chair at nilapag ang gamit sa table.Sumunod naman siya sa akin at umupo din.

"Nagpapanggap lang?kala ko nagkasakit kalang pero nalaman ko din na magkasama kayo nung poging sundalo sa Condo hah!bakit dimo sinabi agad?"nag aakusang tanong nito.i rolled my eyes in annoyance.

"Kanino mo nalaman yan?"inis na tanong ko.

"Kay General hehe nagtanong kasi ako kung anong nangyari sayo at bigla kang di napasok tapos sabi sakin ay nagkasakit ka.Pupunta na dapat ako sa condo mo pero sabi ay Inaalagaan kanaman daw nung poging sundalo at magkasama daw kayo sa iisang Condo!nung nalaman ko ay nawarla ako at sabi nya ay yung poging sundalo daw ang tumawag sakanya at inexcuse kapa para makapag pahinga,Nakss sanaol" mahabang sabi nito na parang kinikilig pa, parang ewan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DS1:Chasing The Dream(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon