LINA'S POV
Gabi na at halos ang mga kapit bahay namin ay mga natutulog na. nakailang ikot na din ako sa kama ay hindi parin ako dinadalaw ng antok.'Aishh!' bulong ko.
sa inis, ay nagpasya akong bumangon at pumunta sa kusina para uminom ng gatas, nagbabakasali na baka dalawin ako ng antok.
matapos kong magtimpla, ay tinukod ko ang aking mga kamay sa lamesa at pinagmasdan ang aking mga kamay. nanumbalik sa aking isipan ang nangyari, apat na linggo na ang nakakalipas.
ang pagsagip at pagtulong ko sa isa sa mga taga Hevadal.
Sinubukan ko muli na gamitin ang aking kapangyarihan, at masama pa ay sa ibang tao ko pa nagamit. noon kasi kay Petter lang, pero ngayon hays.
Di ko maiwasang mapasabunot sa sarili, nangako na akong hinding hindi ko ito gagamitin sa iba, naiinis ako sa sarili ko! hindi ako nagiingat! sana di nalang ako nakialam sa kalokohan ng Bruno na yun eh di sana di ako nagkakaganito ngayon!
natatakot ako na baka malaman ng lahat ang nangyari, dahil panigurado matatakot sila sa akin, worst they will give me to the Hevadal baka patayin pa nila ako, at ayon ang ayokong mangyari! di ako pwedeng mapunta sa kanila, di ko pwedeng iwanan ang aking kapatid, ayokong masira ang pinangako ko kina ina.
after nang naging engkwentro namin nila Bruno at mga kasama nito, ay hindi ko na sila nakita pa. ang balita ko ay umalis daw ang mga ito at walang nakakaalam kung saan sila pupunta. kahit papaano ay pinakikiramdam ko din ang mga tao sa bayan, at baka nasabi na ni Bruno kung ano talaga ako lalo na sa mga kawal ng Hevadal. maske sa kapatid ko ay nilihim ko din ang meron sa akin. kapag may nangyayaring kakaiba ay nagkukunwari nalang akong walang alam, para di na sya magtanong pa.
nagpasya akong umupo at pinagmasdan ko ang aking mga kamay,
"Ano ba talagang meron sakin? paano ako nagkaroon ng ganitong klaseng kapangyarihan?" sunod sunod kong tanong sa aking sarili.
nilingon ko ang paso ng halaman na malapit sa may pintuan namin at itinapat doon ang aking kamay at dahan dahang umangat ito nang hindi ko hinahawakan at tsaka ulit inilapag ng hindi ito nababasag oh di nakakagawa ng ingay.binalingan ko naman ang aming kalan na de kahoy, at tinitigan itong maiigi at ilang segundo pa ay nagkaroon na ito ng apoy. unti unti din itong lumakas ayon sa naiisip o nais ko. nang makungtento na ako sa lake ng apoy ay mabilis kong winasiwas ang aking kamay at biglang nagkaroon ng di gaanong kalakasan na hangin, sapat na para mamatay ang apoy.
sinubukan ko naman titigan ang ilaw sa aming kusina, maya maya pa nagpatay-sindi ang ilaw ayun din sa aking nais.
tumayo naman ako para subukan kung gaano ba talaga ako kabilis. huminga ako ng malalim tsaka mabilis na tumakbo palabas at umabot ako hangang sa labas ng bayan ng Hevadal, umuwi din ako agad hingal na hingal din akong sumandal sa pintuan ng bahay namin.
'shit,' mura ko sa aking isip dahil sa mga pinag-gagawa ko.
"Di kaya, kinulam ako at di alam ni ina?" natatawa kong tanong sa aking sarili.Sinubukan ko namang buhatin ang isang bato na pagkabigat bigat dito sa likod bahay, nagsimula ulit akong huminga ng malalim at tsaka ito inangat ng dalawang kamay lamang.
Ngayon naman ay, gumawa ako ng harang na halaman sa daanan ng aming kapit bahay na tsismosa, pero alam ko di naman magtatagal ang harang na yun, at kung ganun man mangyari di naman nila malalaman ako ang may gawa nun haha!Pumasok na ako sa bahay at bumalik sa kwarto namin ng aking kapatid.
Nakakatawa talaga pagmasdan matulog ang isang to.
nakanganga nanaman sya habang natutulog. Nilapitan ko ito at tsaka kinumutan maiigi, hinalikan din sa noon."Mahal na mahal ka ni ate, kahit anong mangyari ay hinding hindi kita pababayaan. Pangako." Bulong ko dito. Nagulat ako ng gumalaw ito at pumaling patalikod sa akin, akala ko nagising ko sya kung hindi susumpungin nanaman ito.
Nagpasya na akong bumalik sa pagkakahiga at tumitig sa kisame namin.
BINABASA MO ANG
HEVADAL : THE LOST ONE
ФэнтезиHEVADAL book 1 The Kingdom Series Im just a nobody, but everything change when i face what's really my WOLRD is. (UNDER MAJOR EDITING/LATE UPDATE)