CHAPTER FIVE
LINA'S POV
Matapos kong takbuhin ang buong kastilyo katulad ng utos sa akin ng aming napaka bait na chief ay nanginginig ang mga paa kong tinungo ang aming kwarto.
Kakatok na sana ako ng aming pintuan ng magulat akong kusa itong bumukas at bumungad sa akin ang mukha ni Zoe, kaya nagbigay ako ng galang dito.
"magandang hapon prinse—"
Naputol ang aking pagbati sa kanya ng bigla nya akong hilain papasok ng kwarto. Nalilito ko syang pinagmasdan.
"ano ka ba Lina, wag mo na gawin yun. " sabi nito sabay kamot sa ulo.
"A-ang alin?" lito kong tanong dito. Minsan talaga parang may something sa babaeng to eh.
"yung pagbibigay galang mo. Ngiti o simpleng bati lang ayos na, don't be too formal di ka na din naman iba sa akin. Ikaw nag ligtas sa buhay ko, remember?" sabi nito. ngayon ako naman napakamot sa ulo sa sinabi nito.
"o-okay," tanging sabi ko dito.
Ngumiti naman ito sa akin, tsaka ako pinagmasdan ulo hangang paa. Naconcious naman ako dahil para akong basang sisiw, sa pawis at alikabok sa mukha ko."A-Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko dito.
"Ah, tinuruan ko kasi si Petter sa mga aralin." Ani nito. Naatasan kasi sya ng hari na turuan si Petter habang nageensayo ako at pinagaaralan ang takbo ng kapangyarihan ko.
"Ah ganun ba. pasensya ka na sa itsura ko, naparusahan kasi ako eh." Paliwanag ko dito.
Lumakad na ako papunta sa kama at sumalampak doon tsaka pinikit ang aking mga mata. Gustong gusto ko na talagang magpahinga. Dami na nangyari ngayong araw.
"mukhang nagkita na kayo ah?" makahulugang sabi nito.
"Nino?" Takang tanong ko dito. Di ko parin dinidilat ang mga mata ko, inaantok na talaga ako kaunti nalang.
Natawa ito tsaka lumapit sa akin at umupo sa may paanan ko. Marahan nya ding itinaas ang aking binte. Nahihiya man ay sya na mismo nagtanggal ng aking sapatos."Ni Genesis," sabi nito at walang pake kung madumihan ba ang damit nya oh hindi.
"Oo." Wala kong ganang sagot dito.
"Teka, anong gagawin mo. Di pa ako nakakapaghugas ng paa baka madumihan ka." Bangon ko bigla dahil parang minamasahe nya na ang paa ko. Ang bait naman neto, kung kapatid ko to malamang sa malamang sarap siguro ng buhay ko, may tagahilot ako."Ayos lang, napansin ko saking parang may masama sayo." Sabi nito tsaka nagkaroon ng liwanag ang kanyang mga kamay. Di naman gaano nakakasilaw ito, kaya napatitig ako dito ng matagal.
Napangiti sya sa aking reaksyon, unti unti ko na ding nararamdaman ang pag gaan ng aking pakiramdam.
"ako na humihingi ng pasensya sa inasal sayo ni Genesis. Masungit lang talaga yun, ilag din sa tao parang kagaya mo," sabi nito kaya napaiwas ako ng tingin dito.Napasimagot naman ako sa sinabi nito. Hmf! Mabait? Mabait ba yung patakbuhin ako sa buong palasyo ng 90 laps! Sige nga!
"pero mabait din naman sya, kagaya mo. Si Genesis kasi ang tipo ng tao na once naagrabyado ka na ay lahat gagawin nya mailigtas o maprotektahan ka lamang, mabait sya Lina may puso din sya kagaya mo, ayaw lang din nya ipakita." Pagpapatuloy nito habang tinutuloy parin nya ang pagwawala ng sakit sa aking binti.
Tss! Di rin! Kung mabait sya sana di nya ko pinagsusungitan. Palibahasa kasi prinsesa sya kaya di nya iintindihan ang mga kagaya ko.
"magkaiba kami, Zoe. Impusibleng magkapareho kami." Wala kong ganang sagot dito.
Natawa ito ng mahina. Halatang ayaw nitong maniwala sa sinasabi ko.
"sige nga, bakit naman kami magkapareho?" tanong ko dito.
" sabihin nalang natin na, iniingatan nya ang mga taong napapalapit sa kanya." Sabi nito at deretsang tumingin sa mga mata ko. Natigilan ako sa kanyang sinabi.
Oo ganun din naman ako, pero magkaiba naman siguro kami ng dahilan bakit kami nagkaganito diba?
"ano masakit pa ba?" tanong niya sa akin at inayos ang kanyang sarili. Natulala na pala di ko di namamalayan.
"o-okay na, s-salamat." Sabi ko dito.
"basta, sakyan mo lang si Genesis. For sure, magkakasundo kayong dalawa." Sabi nito bago tinungo ang pintuan."Teka! Hugasan mo muna ang mga kamay mo--"
"Ayos lang Lina." Sabi nito at ayon nanaman ang mga ngiti nyang napakasarap pagmasdan. Ang cute cute nya talaga. Kung lalake ako, baka malamang sa malamang niligawan ko na sya.
BINABASA MO ANG
HEVADAL : THE LOST ONE
FantasyHEVADAL book 1 The Kingdom Series Im just a nobody, but everything change when i face what's really my WOLRD is. (UNDER MAJOR EDITING/LATE UPDATE)