CHAPTER FOUR

2 2 0
                                    

LINA'S POV
Tatlong araw na ang nakakalipas matapos akong tangapin ng hari na maging isang Hevadal Guardian.
Sa ngayon ay sinisimulan muna namin sa basic training.
Twenty to thirty laps per running. Nagbubuhat ng isa o dalawang sako ng dayami. Di ko alam kung dayami nga ba ang laman nun dahil doble ang bigat nito sa sako ng bigas. Nagma-monkey climbing. Lumalambitin sa tali at tatalon sa kabilang bahagi ng daan na may putik sa ibaba na pag once napabitaw ka ay yun ang pagbabagsakan mo.

Nung unang araw ko ay halos di ako makabangon sa sakit ng katawan ko.

Ngayong araw Papunta akong training area namin dahil sabi ni sir Carlos na unang nagtraining sakin ay tuturuan na ako kung paano makipaglaban, para na rin magensayo ngayong araw na humawak ng totong sandata, nung una kasi ay gawa sa kahoy lang. Nagawa ko na to noon nung araw na magharap kami ni Bruno. Kaya siguro naman ay simpleng training lang to.
Nauna ako sa training area namin. Kaya umupo muna ako sa isang bangkuan doon, ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at niluwa nito ang lalake.
"Ikaw na siguro si Lina?" Salubong agad nito sa akin.
Mabilis naman akong tumango dito.

"Ako si Steve, ang mgiging trainor mo ngayon at sa susunod na araw." Pagpapakilala nito. Inilahad nya din ang kanyang kamay na inabot ko din naman.
Kung titignan eh parang nasa trenta mahigit na ang edad nito pero di gaano halata dahil na din sa tindig at kilos nito.
Nang magumpisa kami ay inabot nya sa akin ang espadang di gaano kalakihan. Napalunok ako bago tanggapin iyon, mga simpleng galaw palang kung paano ang tamang hampas ang tinuturo nito sa akin hangang sa pabilis ng pabilis. Then nakukuha ko na din agad. Kaya ayos lang.

"Okay, ngayon nakuha mo na paano ang tamang pag gamit nito ay subukan nating maglaban dalawa." Sabi nito na ikinagulat ko.
Gusto ko tumangi pero nakakahiya baka sabihin nya na ang lakas ng loob kung gustohing mapasama sa kanila tapos ayaw ko. Kaya wala akong nagawa kundi tumango.

"S-Sige po." kinakabahan kong tugon dito.

Hinanda na nito ang kanyang sarili kaya ganun din ang ginawa ko.
Inambahan nya ako ng hataw, pero nasalag ko iyon at mabilis kong inikot ang espada ko sa espada nya at malakas syang sinipa kaya napalayo ito sa akin.
"Aahh--!" Inda nito nakayuko sya kaya alam kong nasaktan ito sa ginawa kong sipa. Wala sa sariling nataranta  ko sa kanya at nilapitan sya agad.
"S-Sir Steve ayos lang po ba kayo?" Tanong ko dito. Mabilis nyang iniangat ang kamay nito para patigilin ako sa paglapit sa kanya.
"A-Again." Sabi nito at tumayo ng maayos na parang nangyari.
Napaatras naman ako bigla ng iwasiwas nya ang espada nya sa akin at halos kunting kunti nalang ay matatamaan na ako.
Winasiwas nya ng kaliwa at kanan ang espada at tsaka patusok paderetso sa akin na mabilis ko din iniwasan pakaliwa.
Ang bilis ng mga galaw nya di ko iyon inaasahan. Kaunting mali ko lang ay dederetso mismo sa katawan ko ang espada nya.
Kaya ng iwasiwas nya muli papunta sa akin ang espada nya ay malakas ko itong sinalag at tinulak ito ng mabilis pataas at winasiwas ko din ang aking espada papunta sa kanya na iniwasan Nya din.
Ngayon ako naman ang gumagawa ng kung anong ginawa nya sa akin kanina.
Nang makakuha ako ng tyempo ay sinubukan ko syang takirin pero tinalunan nya lang, tumayo ako at Mabilis nya din ako inambahan ulit at sinalag ko iyon kaso nasipa nya ako sa mukha ng malakas kaya napagulong ako sa lupa ng malakas.
"AAUGH!" Mahina kong inda. Mabilis akong bumangon, Tsaka hinawakan ang aking tsan at nanlaki ang mga mata ko ng bigla nya akong ambahan muli at mabilis kong itinaas ang aking espada kaya di ito tuluyan umabot sa akin.
Nagtagal ang posisyon namin na ganun. Pinatigas ko ang aking braso para di nya ako tuluyang mapabagsak sa lupa.
"Magaling ka Lina, malakas ang iyong pakiramdam at iyong braso. But i need you to be more focus this time." He said at mabilis at malakas nya muling hinampas ng espada kaya mabilis ko din sinasalag ang mga ito.
Nang makalapit sya sa akin ay kinagat ko ang aking hawak na espada at nagback-flip, ng dalawang beses saktong natamaan ko ang kamay nya kaya nang maibalik ko sa dati ang posisyon ko ay kinuha ko ang aking espada tinapatan ko kaagad ang leeg nya kaya di na nya nakuha agad ang kanyang espada.
Napangisi naman ako doon. I defeat him.
Pumalakpak ito. Kaya dahan dahan ko nang binaba ang espada ko.
"Salamat po Sir Steve." Sabi ko dito.
Maya maya pa ay may nakita akong pumasok sa loob ng training area. Tatlo sila, isang babae at dalawang lalake.
"Good morning, Sir Steve!" Bati ng lalakeng singkit.
"Hey, Good morning Guardians!" Bati pabalik ni Sir Steve sa kanya ng lingunin sya nito.
Ibig sabihin isa sila sa mga Guardians? Bakit kulang sila pagkakaalam ko ay apat sila?
Lumakad ang mga ito papunta sa isang bakanteng upuan malapit sa pwesto namin ni sir Steve.
Don't tell me, na manunuod sila sa training ko?
Ngumisi sa akin ang lalaking singkit ang mata, kaya nagiwas akonng tingin dito. Iba talaga itsura nila sa malapitan. Dati kasi pahapyaw ko lang silang nakikita sa bayan, ngayon makakasama ko na sila.

HEVADAL : THE LOST ONE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon