CHAPTER ONE

6 6 4
                                    

CHAPTER ONE :
LINA'S POV

Bagong umaga, bagong araw nanaman sa Hevadal. Maingay, paminsan minsan may gulo, pero pasalamat na din ako dahil rumeresponde ang mga Hevadal Guards para sa taong walang ibang gusto kundi mangulo at magbulahaw dito sa amin.
Pagkarinig ko ng tilaok ng manok ay bumangon na ako para makapagasikaso na ng almusal namin ng kapatid kong si Petter.
Pagkabukas ko ng amin bintana ay may nakita agad akong mga kawal ng Hevadal na may kasamang lalake, mukhang may nagtangka nanaman mangulo o magnakaw. Inilingan ko na lamang ito, dahil panigurado ay dadalhin sya sa palasyo para doon parusahan.

Ang sabi daw, yung mga nakukulong o nahuhuli ng mga HEVADAL GUARDS ay di na daw pinapalabas ng kaharian at hinahatulan na doon ng di pa nakakaabot ng bente kwatro oras.

Di ko ba alam sa mga taong to at hindi natatakot sa mga guards na iyon. Ang lalakas parin ng loob nila manggulo.

Gusto ko man itanong sa mga tyismosa dito eh, di nalang. Baka mamaya eh, madamay pa ako at maikulong din doon ng di oras.

"Tsk.. tsk.. agang huli naman nun" sabi ko sa aking sarili habang nagaasikaso na ng aming almusal.
Mga ilang sandali pa ay natapos ko din magasikaso at ginising ko na si Petter tsaka pinuntahan sa aming kwarto.
"Petter.. gising na, tanghali na.. papasok pa si ate," sabi ko dito nang tuluyan akong makalapit sa kanya at hinaplos ang pisnge nito.

Natawa ako sa pagkakapwesto ng tulog nito dahil naka nga-nga at tulo laway pa.

"Petter, gising na.. masarap ang agahan ngayon, sinaing na kamote."gising kong muli dito. Ilang Sandali pa ay dumilat na ito at tsaka dahan dahang bumangon.
Kinusot kusot nito ang kanyang mata tsaka humikab. Napangiti naman ako doon, ang cute talaga ng kapatid ko. Sayang lang at di na makikita nila ina ang paglaki at pagbibinata nya.
"Good morning ate.." mapaos paos nitong sabi.
"Magandang umaga din, halika na kain na tayo, maaga pa papasok si ate ngayon." Sabi ko dito tsaka tumayo at lumabas ng kwarto.

"Wag mo kalimutang maghilamos Petter," bilin ko dito tsaka lumabas ng kwarto.
Nangmatapos si Petter sa aking inutos ay lumapit na ito sa akin at kinuha ko naman ang aking pamunas na nakasukbit sa aking balikat at pinunasan ang kanyang basang basa na mukha.
"Pag pumasok na si ate, wag na wag kang lalabas o lalayo dito sa bahay ha? Kung lalabas ka man ay magpaalam ka kay aling terre kung saan ka pupunta." Bilin ko dito habang pinupunasan sya.
"Opo ate, basta yung pasalubong kong matamis na kamote ah, wag mo kakalimutan." Sabi nito kaya mahina akong natawa sa kanya. Paburito nya kasi ang matamis na kamote.
"Sige, basta magpakabait ka dito naiitindihan mo ba?"
Nagthumbs up naman ito bilang pag sangayon.
Ginulo ko ang buhok nito at inaya na syang kumain. Baka mahuli pa ako mapagalitan pa ako.

Matapos namin magagahan, sa huling pagkakataon ay sinabihan kong muli si Petter na magpakabait dito sa bahay at wag magpasaway. Tatango tango naman ito kaya sinensyasan ko ito na tinuturo ang aking mata pabalik sa kanya.
"Opo ate, promise behave ako dito." Sabi nito.
"Oh sya aalis na ako." Paalam ko dito tsaka hinalikan ang kanyang noo at lumakad na paalis.

Hapon na at pauwi na ako. Maghapon akong naging okyupado sa kakaextra extra sa iba't ibang tindahan dito sa bayan. Minsan kasi ay nagtitinda ako ng prutas, damit, kamote, bigas, o kung minsan ay mga trabaho din ng panlalake ay pinapatos ko na. Kagaya ng pagbubuhat ng mga sako-sakong gulay at kung anu-ano pa.

Kailangan ko din kasi kumita para kahit papaano ay makaahon kami ng kapatid ko sa araw araw.

Simula ng mamatay sila ina at ama, ay ako na ang nagalaga at nagpalaki sa kapatid ko. Namatay sila dahil sa pakikipaglaban sa mga TARGARYEN, dalawangpong taon na ang nakakalipas. Natalo nila ito pero bago pa mangyari ang di namin inaasahan ay naitago pa kami ni ina sa ilalim ng aming bahay. Nagulat din ako paano kami ng karoon ng ganun doon, pero di ko na tinanong dahil sa nangyayaring kaguluhan.

HEVADAL : THE LOST ONE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon