CHAPTER THREE
LINA'S POV
minulat ko ang aking mga mata. Medyo nasilaw ako ng kaunti dahil na din sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha.Dahan dahan din akong bumangon at marahang sinapo ang aking ulo dahil sa hilo.
Nailibot ko din ang aking paningin at wala akong nakitang ibang tao dito maliban sa akin.
Doon ko lang napansin na nasa isang malawak akong silid.
Nagtataka akong tinignan ang sarili, tsaka kinapa ang katawan. Ni bakas ng sugat, bali, at pasa ay wala.Sa pagkakaalam ko dapat patay na dapat ako,
Ito na ba yung langit? Andito kaya sila ina at ama?
"A-Anong nangyari?" Nalilito kong tanong sa aking sarili.Ilang minuto kong inisip ang nangyari kagabi pero wala talaga akong matandaan paano ako napunta dito.
Kaninong bahay ito? Kay San Pedro? Baka kasama nya sila ina dito?Mabilis kong nilingon ang pintuan ng Bumukas bigla ito at tumambad sa akin ang mukha ng babaeng tinulungan ko sa bayan.
'Sa kanya bang bahay ito?' wala sa sarili nyang tanong.
Nakaawang lang aking bibig at lito itong pinagmamasdan palapit sa pwesto ko.
"Salamat at nagising ka na." Masayang turan nito sa akin nang makalapit sya sa aking pwesto. Same facial expression, smiling face with smiling eyes.
Napakagara pa ng suot nya, di mo iisipin na natatamaan ito ng dumi sa katawan sa puti din balat nito.
Napansin ko ding May ilan mga tauhan nya ang nakabuntot sa kanya. May mga dala dala itong mga gamit at siguro ay mga naglalaman ibat ibang gamot.
"N-Nasan A-Ako?" Di ko matiis na tanong dito.
Huminga muna ito ng malalim bago sagutin ang aking tanong.
"Nandito ka sa palasyo.." sagot nito. Nakitaan ko sya ng nagaalalang tingin."S-Saang--Saang palasyo?? Palasyo nyo?" Mabulol bulol kong tanong dito. Kinakabahan ako di ko alam bakit?
"O-Oo, sa palasyo ng Hevadal." Alanganing sagot nito sa kanya. Natigagal naman ako sa kanyang sinabi.
Paano ako napunta dito?
Sino nagdala sa akin dito?
Sya ba nagdala sa akin dito?
Ang kapatid ko?Mabilis akong binalot ng kaba, at mabilis din ang bawat paghinga ko. Paanong nangyaring nandito ako?
"Nakita ka ng isa sa mga Hevadal Guardians, at dinala ka agad dito. Ginamot din agad yung mga nakuha mong sugat at galos sa nangyaring pagsugod ng mga Targaryen sa bayan. Medyo natagalan lang ang mga gumamot sayo, dahil sa malalang sugat mo sa iyong likod na ikinabutas nito. Inabot lamang ng ilang linggo bago naghilom at nanumbalik ang dati mong katawa--"
"--Ilang linggo?? Diba kagabi lang nangyari ang pagsugod ng mga Targaryen dito? Anong sinsabi mong ilang linggo?" Di ko makapaniwalang tanong sa kanya.
"Ahm, huminahon ka Lina, nasa D-Dalawang bwan ka nang namamalagi dito sa palasyo at nautusan kami hari at reyna na bantayan ka." Deretsang saad nito ng di inaalis ang tingin sa akin. Tinaas nya din ang mga kamay nya para makalmahin ako, at huminto ako sa paghihisterical dito.iniwas ko ang tingin dito at di makapaniwala sa nangyayari.
'What the--. DALAWANG BWAN? ganun ako katagal nandito?'
Gusto ko pa sana sya tanungin pero nakaramdam ako ng matinding kirot sa aking ulo, inalalayan nya ako madaling tinawag nito ang mga kasama nya.
"Lina--sandali," pigil nito sa akin.
"Tess, tawagin mo ang Healer, sabihin mo na gising na si Lina. Dalian mo." Maawtoridad na Utos nito. Sa itsura nyang napaka hinhin, di mo maiisip na may angking tapang din ang isang to.
"Masusunod po." At umalis agad ang babaeng tinawag nyang Tess.
Mabilis akong tumayo, Tsaka sya marahang pinaharap sa akin, nagulat naman ito sa inasal ko.
BINABASA MO ANG
HEVADAL : THE LOST ONE
FantasiaHEVADAL book 1 The Kingdom Series Im just a nobody, but everything change when i face what's really my WOLRD is. (UNDER MAJOR EDITING/LATE UPDATE)