Let Go And Let God

744 15 3
                                    

"Bumaba ka diyan, baka malaglag ka.''

''Anak, huwag kang tumakbo, baka madapa ka.''

''Wag mong paglaruan yang kinakain mo, baka matapon.''

''Anak, huwag kang lalayo at baka maligaw ka.''

Ilan lang 'yan sa mga katagang madalas nating naririnig sa mga magulang natin noong bata pa tayo. Madalas nila tayong paalalahan at pagsabihan. Kung anong dapat at hindi dapat gawin. Pero kadalasan, hindi tayo nakikinig. Kasi, gusto nating maging malaya. Ayaw natin na nalilimitahan ang mga galaw natin. Kahit minsan, alam nating maari tayong mapahamak, ginagawa parin natin. Doon naman darating ang mga magulang natin para sawayin tayo, balaan at paalalahanan. Kasi, ayaw nila tayong masaktan. Ayaw nila tayong mawalan at ayaw nilang malayo tayo sa kanila.

"For the Lord disciplines those he loves, just as a father disciplines the son in whom he delights."
- Proverbs 3:12

Gaya ng sinumang magulang, ganyan rin satin ang Diyos. Palagi siyang nasa tabi natin at nakaalalay satin. May mga panahong, pinapaalalahan niya rin tayo, pero hindi tayo nakikinig. Minsan, kailangan pa nating madapa, masaktan at masugatan bago tayo bumalik sa kanya at sabihing, ''Tama po kayo, Father God. Sana ay nakinig ako sa inyo. Sorry po, kung naging matigas ang ulo ko.''

Blessed are we, because God is God of second chances, third, fourth, fifth, sixth, seventh, eighth, nineth, tenth, Nth chances. Na kahit ilang beses tayong magkamali, paulit ulit niya tayong tinatanggap. Paulit ulit niya tayong pinapatawad. At walang katapusan niya tayong minamahal.

His grace is amazing, His love is unending.

Still, we disobey. Hindi natin mabitawan ang mga taong paulit ulit lang tayong sinasaktan. Ilang beses na niyang sinabing, ''Let go. Move on.'' We heard it a couple of times, but we don't listen. Not because we are hard headed but because we are too invested to it. What should we do, now?

That is why the holy spirit says, "Today when you hear his voice, don't harden your hearts." - Hebrews 3:7-8

Listen to our Father God. Kapag sinabing bitawan na, bitawan na. Kapag sinabi ni Lord na let go, let go na. Wala namang ipapagawa si Lord na makakasama sa atin. He only wants the best for us. And He knows what we deserve. Dahil ayaw ni Lord yung basta basta para sa atin. Gusto niya yung the best! Yung worth the wait, worth the fight.

Let Go of the ones who hurt you And Let God be the center of your life. And everything will follow. Favor, joy and love.

Let Go And Let God.

Let Go And Let GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon