Episode 4: Understanding Part 2

80 5 0
                                    

Pagdating namin sa fields ay agad na nagsimulang mag kwento si Charm.

"I was a newbie sa team. Syempre kapag bago, medyo nangangapa pa sa process at system kaya todo alalay sakin mga team mates ko. But there is one single guy na talagang hands on sa pag alalay sakin noon. At makikita mo talaga na hindi niya iyon ginagawa dahil napipilitan lang siya or dahil yun yung sabi ng Team Leader namin. Talagang he's doing that with all willingness and sincerity. Saka nung one time na umiyak ako dahil sobrang pressured ko sa work, siya yun talagang tumulong sakin, and he even said nung pauwi na ako. Bili kang ice cream bago ka umuwi ah? He's personal, not just casual team mate. Saka everytime na feeling down ako, he's always there to encourage. Kaya dumating yung point na parang natutuwa na ako. I felt something within me na parang iba. It seems unusual kasi parang hinahanap ko na. Yung pagkicare niya and all. Basta, something change. At alam ko that time, trigger na iyon. Na may growing feelings na ako towards him. Sa iba siguro, you may say, that's fine single ka naman. But here's the twist.. He's married."

"Oh, may asawa pala siya." Komento ng isa.

"Ilang taon na ba siya, Charm? If I may ask." Tanong pa ng isa naming kasama.

"I'm not sure. Siguro nasa 24 or 25? Kung titignan mo kasi parang bata pa siya. Akala ko mga noong una, ka edad ko lang siya e. But then, I was surprise nung nalaman kong married na pala siya." Aniya.

"And when did you knew that?" Biglang tanong ni Jam.

"Right from the start."

Lahat kami ay nagulat sa naging pag amin ni Charm. Umpisa palang ay alam na niyang kasal ang lalaki ngunit hindi niya naisipanh lumayo o umiwas man lang? Akala ko dati, perpekto ang mga tao dito. Ngunit ang kayanb testimonya ay nagpatunay na tulad ko ay minsan tin silang nagkamali.

"Kaya nga noong narealize ko na may something na akong nafi-feel sa kanya, I really prayed hard na sana mawala yung feelings na iyon. Kasi alam kong hindi tama. Hindi inline sa will ni Lord at purpose Niya kung bakit Niya ako dinala doon. But you know what is the good thing about it? He let me know. Umpisa palang, hindi naman niya tinago sakin na may asawa na siya. He even proudly wear his ring and I know that he loves his wife so much. Kaya lang naman ako nahulog sa kanya noon ay dahil nakita kong isa siyang mabuting tao, matino siyang lalaki and the way he lives, manifest na may malalim rin siyang relasyon kay Lord. Ang mali ko lang, I misinterpret yung pagiging mabait niya sakin. Although, siguro may konting attraction and he sees me like he's younger sister, ganun. Pero ako, binigyan ko ng kulay. Kaya in the end, I end up falling for him. But thank God, He delivered me from it. Kasi, I ask help from him. Kasi alam kong hindi ko yun kaya ng mag isa. And thank God kasi binuksan niya yung mata ko. Hindi niya hinayaan na kontrolin ako nung emotions ko. Na mangibabaw sakin yung flesh over the spirit. He thought me discipline through that experience. And yun nga, yung sinabi ko kahapon. Na minsan, si Lord, nagsiset siya ng boundaries hindi para limitahan ang pwede nating gawin o maranasan. Kaya niya ginagawa iyon kasi, nilalayo niya lang tayo sa mga bagay na maaring mas makasalit sa atin o makakapagpasakit ng iba--"

"Hindi ka ba nasaktan nung ni-let go mo siya?" Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na sumabat. Basta narinig ko nalang ang sarili kong nagsasalita ng malakas na dapat ay bulong ko lang iyon sa aking sarili.

"Pain is always involve when you let go of someone you really love. But it might have been more painful if you keep loving him while he's loving someone else. God wants you to do the former from the start, that is why He made you aware of the reality that you can't love him and he's not the one for you. Because you deserve someone better and God already has someone prepared for you. You just need to wait." Makahulugan ang naging sagot na iyon ni Jam. Lahat kami ay hindi nakaimik. Everyone is trying to absorb what she said. At maging ako ay dinigest ang bawat kataga ng kanyang pangungusap. That makes sense to me. Unti unti akong naliwanagan sa sitwasyon ko.

"That's exactly what I learned from it, Nay Jam. The essence of waiting for God's perfect time and trusting His plans. Sabi nga sa word, 'Just as how the heaven is higher than the earth. His plans are superior than our plans. Mas maganda, mas malawak at mas malaki ang plano ni Lord satin. We just need to be still."

"Yes. Praise God, He rescues you, Charm. And I'm glad na natuto ka sa experience mong 'yon and you even share it with us. Alam ko mayron ring kinausap si Lord dito." Ani Jam sabay pasimple itong tumingin sa akin.

Bigla naman akong tinamaan ng hiya. Bakit parang ang dami niyang alam. Ni hindu ko pa nga naikukwento sa kanya ang mga pinagdaanan ko pero bakit pakiramdam ko ay ang dami na niyang alam sa buhay ko? Ganoon ba talaga kapag cell leader ka? Malakas ang radar mo?

"You know what guys, letting go is one of the hardest thing to do. Kasi it takes a lot of courage, strength and endurance to do that. And ofcouse, willingness. Yung iba kasi, reason why hindi sila maka move on ay dahil choice nila. They chose to stay there, at the same place where they were left. Hindi nila piniling bumangon at tumayo, lumakad at pagpatuloy ang buhay ng wala yung taong nang iwan sa kanila. You might say, hindi yon ganoon kadali. Ofcourse, it wasn't easy. Who says, it is? Marami kang pagdadaanang sakit, hirap, at hinanakit. Lalo na kung ikaw yung naiwan. Kasi, lalong manliliit ang tingin mo sa sarili mo. Ano bang wala ako? Saan ba ako nagkulang? Hindi ba ako naging sapat? Kaya humanap siya ng iba? Minahal niya ba talaga ako? O panakip butas lang? Maraming tanong sa isip natin na gusto nating masagot. Pero ang totoo, alam naman natin ang kasagutan sa mga tanung na ito. Minsan, pinipili nalang natin magbulag-bulagan, magbingi-bingihan kasi doon mas convinient. Doon hindi gaanong masakit. Pero doon din nagsisimula yung false hope. Na baka bumalik pa siya. Baka nadala lang siya, natukso lang. Ako parin yung mahal niya. We tend to reverse things and think in such a way beneficial to us, to feed our ego or to lessen the pain. But not unless, we accept the fact, we will not be able to stand up and move forward. Paano ka susulong kung palagi kang nakatingin sa likuran mo? It doesn't make sense, di ba? Sometimes, we are too busy looking back of what we lost that we missed out what is ahead of us. We miss out what God is telling us, what He is giving us and where He was leading us. Don't let that happen. Don't let your past take away the future that God in stores for you. He have greater plans for you because He loves you so much! You are His treasure, you are valuable in Christ that He even gave His life for you. Hindi mo kailangang hanapin ang worth mo sa iba, kasi sa kanya palang makikita mo na kung gaano ka kahalaga. Na binigay Niya ang buhay Niya para sayo, para iligtas ka sa mga kasalanan mo at bigyan ka ng eternal life kasama Siya."

Napabuga ako ng hininga nang matapos si Jam sa pangaral niya. Hindi ko na gaanong maaninag ang mukha niya o ng kahit sino sa paligid dahil punong puno ng luha ang mga mata ko. Sa tagal kong nabuhay, ngayon ko lang naramdaman ito. Na sa isang simple ngunit mula sa pusong pangaral ng babae ay maliliwanagan ako. Pakiramdam ko ay nagising ako sa isang mahabang panaginip at ngayon ay nasa totoong mundo na ako. Nawala lahat ng bigat sa dibdib ko. Lahat ng galit at sakit ay unti unting naglalaho. Pakiramdam ko ay may yumayakap sakin nang mga sandaling iyon. Iyak lang ako ng iyak. Para akong sira. Hindi ko alam kung saan iyon nanggagaling pero unti unti noong pinapagaan ang loob ko.

"Pasensya na. Nababaliw yata ako." Naiusal ko sa gitna ng hikbi ko.

"Hindi, Jacob." Nakangiting lumapit sa akin si Jam at hinawakan ang aking kamay. "We call it breakthrough. Understanding what God meant and encountering Him within your heart. He is there right behind you right now, showering you with his unconditional love. Just enjoy His presence and open up your heart. For He is about to do something great in your life."

Napatingala ako. Lord, do I even deserve this? Am I worthy of Your presence? And I'm worthy of Your love and forgiveness? Pumikit ako at narinig ko agad ang sagot Niya.

'Yes, Jacob Perez, you are.'

At doon nagsimulang magbago ang buhay ko..

Let Go And Let GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon