Episode 2: Grace

321 10 0
                                    


"Hindi ka ba nangangawit sa kakangiti, Kuya? Ikaw ah, tinamaan ka kay Ate Jam, ano?" Ngumisi ako at sinundot sa tagiliran si Kuya Ej. Kanina pa siya nakangiti. Buhat nung umalis kami mula sa Church, hindi na nawala ang ngiti sa labi niya.

"Tss. Wag ka ngang malisyosa diyan. Natutuwa lang ako kasi nakita ko na yung palagi mong kinu-kwento sakin. Yung nagtiyaga sa pagli-lead sa'yo. Yung nagpabago sa'yo? The one who leads you to the right path. Iyong anghel na nabuo sa imahinasyon ko, nakita ko na finally."

"Naks naman! Angel talaga? Maganda siya, ano Kuya? Sobrang bait pa. Single pa 'yon." Tudyo ko sa kanya. Naiimagine ko kung sina Ate Jam at Kuya Ej ang magkakatuluyan, they will create a good family. Pareho silang Christian, parehong nagse-serve kay Lord. Sobrang bait siguro ng magiging anak nila Ate Jam at Kuya Ej. Magsama ba naman ang dalawang down to earth at kind-hearted.

"Grace, kung talagang kami ni Ate Jam mo ang tinakda ni Lord para sa isa't isa, kami mismo, mararamdaman 'yon." Seryoso niyang sabi.

"Bakit, Kuya. Wala ka bang naramdaman nung nag shake hands kayo ni Ate Jam?" I curiously asked. Sayang naman kung hindi sila ang meant to be. They'll make a perfect couple.

"Well, malambot 'yung kamay niya." Natatawa niyang sabi.

"Hindi 'yun. Ang salbahe mo naman, e! Pinagtatawanan mo yung nanay ko." Usal ko sabay halukipkip sa gilid niya.

"Hindi siya ang pinagtatawanan ko, ikaw. Masyado ka kasing trying hard magpaka match-maker samin, e."

"Bagay kasi kayo! Saka, you deserve each other."

"Si Lord lang ang makakapagsabi kung sino ang deserve nino, Grace. Wag mong diktahan ang mga ganoong bagay. Anyway, kung siya man ang kalooban ni Lord para sakin, I will gladly chase her." Aniya.

Nagkibit balikat lang ako. "Sabi mo e."

"Ilang taon na ba siya? She look so young." Biglang sambit ni Kuya.

Napangiti ako. Curious din kasi, e. Ayaw pa umamin. "She's twenty six, turning twenty seven. Mas matanda ka ng isang taon, Kuya."

"Hindi naman halata na twenty seven na ako, di ba?"

"Turning twenty eight." Pagtatama ko sabay ngisi.

"Masyado mong minamadali, e." Aniya.

Tumawa ako. But then, I remember something from what he said. Kaya napatahimik ako.

"O, bakit natahimik ka?" May pag aalala niyang tanong.

"Wala, Kuya. May naalala lang ako. Ang dami ng nagbago." Sabi ko sabay ngiti.

"Yeah, thanks to your patient leader. Ilang beses kitang sinabihan noon, pinayuhan, pinaalalahanan, pero hindi ka nakikinig sakin. Si Ate Jam mo lang pala ang kailangan mo para magising ka."

"Oo nga e. Kaya sobrang mahal ko si Ate Jam. Tama ka, Angel ko siya.."

--

Flashback
Two years ago..

"Kayo yung bagong lipat?" Tanong ko sa lalaking nakatayo sa tapat ng aming gate. Usap usapan na ngayon darating ang mga bagong salta sa aming lugar kaya lumabas ako upang abangan ang bago naming kapitbahay.

Nilingon ako ng lalaki at tipid siyang tumango. Saka nito ibinalik ang tingin sa bago nilang bahay. Bumuntong hininga siya. Noong una ay wala akong balak na manatili doon pero nang makita ko ang lungkot sa mata niya ay bigla akong naging interesado.

"May problema ka ba, Kuya?" Masusi ko siyang pinagmasdan at napagtantong ang ganda pala ng kanyang mata. Bukod sa pagiging mestiso nito ay agaw pansin rin ang malalim niyang mata at mahabang pilikmata.

Let Go And Let GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon