Episode 1: Strength

504 8 6
                                    


''Labas tayo?'' He asked me over the phone. Ang tagal na naming textmate at callmate ni Brace pero hindi pa kami nagkakasama ng personal.

''Hmm, hindi ako pwede.'' Kinagat ko ang labi ko habang umiisip ako ng maari kong idahilan.

''Jam. Nakakahalata na ako, ah. Palagi mong tinatanggihan ang offer ko. Iniiwasan mo yatang magkita tayo e.'' May bahid ng pagtatampo niyang sabi.

''Di naman sa ganun, Brace. Nahihiya lang siguro ako.''

''Bakit ka naman mahihiya? Jam, ako lang 'to. Si Brace na halos isang taon mo ng kausap sa phone. Wala ka pa bang tiwala sakin?''

Napabuntong hininga ako. Ang hirap naman, nito. Hindi ko na alam kung paano ipapaliwanag sa kanya. Ako rin kasi naguguluhan e. Bakit nga ba ayaw kong magpakita? Dahil takot ako na hindi niya matanggap ang physical appearance ko? Hindi naman kasi pang beauty queen ang ganda ko, e. Sakto lang. Hindi iyong kapansin pansin, pero pwede na. Baka kasi mamaya, pag nakita niya ako, hindi na niya ako itext. Bakit ako takot na hindi na niya ako itext? Ano naman ngayon? E, kasi nga, gusto ko na siya!

Ang weird lang. Nagkagusto ako sa taong hindi ko pa nakakasama ng personal. Feeling ko tuloy ang cheap ko. Nainlove daw ba sa matatamis na salita at malambing na boses? Ni hindi ko nga alam ang height nitong kausap ko e. Pero alam ko ang backgroud niya. Ang pamilya niya at ang kwento niya. Pero, sapat na ba talaga yun para magkagusto ako sa kanya?

''Jam, andyan ka pa ba? Sabihin mo lang kung ayaw mo na akong kausap, ibababa ko na.''

Kita mo! Iba rin kasi kung umasta ang isang 'to e! Pa fall rin. Akala mo, may something samin. E, wala pa naman siyang inaamin. Pero kung makatampo, wagas. Lakas pa mangonsensya.

''Andito pa ako. Sorry, nag iisip lang ako.'' Sagot ko. Tinitigan ko ulit ang mukha niya sa screen ng Tablet ko. Kanina pa ako nakatambay sa profile niya. At kapag kausap ko siya, ganito palagi ang ginagawa ko. Tinititigan ko yung picture niya na parang nakikipag usap talaga ako sa kanya, face to face. Isa rin yata ito sa mga dahilan kung bakit ako tuluyang nahulog sa kanya. Pakiramdam ko kasi nakakasama ko siya through this, e. Kaya kontento na ako dito. Ang kausap siya sa phone habang tinititigan ang letrato niya.

''Anong iniisip mo?'' Seryoso niyang untag.

''Hmm, yung report ko?'' Palusot ko.

''Aaw, akala ko, ako.'' Aniya sabay halakhak.

Bwisit ka! Ikaw nga!! Kung alam mo lang.. Gusto kong isigaw ito sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi pa ako handang umamin. Wala rin sa plano ko ang unang magtapat. Kahit pa gaano kalalim tong nararamdaman ko, hinding hindi ko ito isisiwalat sa kanya. Mamaya, pagtawanan pa niya ako. Pinagti-tripan lang pala ako. Edi, nagmukha lang akong kawawa sa huli.

''Baliw!'' Sagot ko nalang. Pero wagas naman ako makangiti sa harap ng picture niya.

''Sa'yo lang naman ako baliw.'' Aniya sabay tawa ulit. Pero sa pagkakataong ito, mas mahina at mahinahon ang pagtawa niya.

''Ayan kana naman sa mga hirit mo e! Umayos ka, Brace Kiel Briones!''

''Seryoso kaya ako.'' Untag niya sa tonong mas seryoso.

''Ewan ko sa'yo!'' Sagot ko. Pero sa loob ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko. ''Matulog ka na nga. Good night.''

''Good night. Isipin mo ako, ah? Para mapanaginipan kita.''

Natawa ako. ''Anong connect?''

''Totoo daw yun, sabi nila.''

''Ah. Kaya pala hindi kita napapanaginipan.'' Biro ko.

Let Go And Let GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon