"Sabi mo sasama ka!" Parang bata na sumimangot si Grace sa harap ko habag nagrereconcile ako ng benta.
"Wag mo akong guluhin, nagku-kwenta ako." Seryoso kong sabi habang patuloy ang pagdutdot ko sa calculator. Hindi ko na siya muling tinignan. Sigurado nakasimangot na naman siya at nagpapaawa. Kanina pa niya ako kinukulit na mag attend sa church. Pumayag na raw ako kahapon. Samantalang wala naman akong naalalang um-oo ako. Siguro ay naging interesado ako pero hindi ko sinabing pupunta ako. Ayokong pumunta doon ng may alinlangan at hindi maayos ang sarili ko. Nakakahiyang humarap sa Diyos ng wasak. Gusto ko munag ayusin ang sarili ko.
"Sige. Hintayin kitang matapos tapos diretso na tayo sa church ah." Aniya.
"May lakad ako." Sagot ko.
"Sus! Iinom lang nyan kayo e."
"E ano ngayon kung iinom kami? Ano bang paki mo? Hoy, gusto ko lang ipaalala sayo. Trainee lang kita. Hindi kita boss. Ayus ayusin mo ang pakikipag usap mo sakin dahil supervisor mo ako sa OJT mo. Baka nakakalimutan mo." Mariin kong sabi.
Napaatras siya sa naging litanya ko at mukhang gulat na natakot. Hindi na siya nagsalita at agad na itong umalis. Napailing nalang ako. Ang kulit niya! Para siyang bata.
Pero sa kalagitnaan ng pagku-kwenta ko ay bigla akong na konsensya. Hindi kaya umiiyak yun ngayon? Napahiya ko rin siya sa pagsigaw ko at sa pagyuko niya kanina ay parang pahikbi na siya. Anak ng tupa oh! Bakit ko ba iniisip ang makulit na trainee na 'yon? Ano bang pakialam ko doon?
Pinagpatuloy ko ang pagku-kwenta hanggang sa matapos na akong mag reconcile. Mabilis akong nagremit sa aming cashier at nang maissue na ang consolidated sales report ko ay nagbadya na akong umalis.
"Jake, akala ko bang iinom tayo? Hintayin mo kami. Sabay sabay na tayong pumunta kila Ric." Anyaya sakin ng kasama kong pre-seller.
"Pass muna ako, Pre. May napangakuan kasi ako ng lakad ngayon e." Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tumanggi ako, sa unang pagkakataon sa pag inom. Dati ay ako ang pasimuno sa pag inom ngunit natigil iyon nang maging kami ni Rachel. Pero ngayong wala na kami ay balik na ako sa dati. Sa isang buhay na walang kabuluhan at walang patutunguhan.
"Sino? Wag mong sabihing may dini-date ka ng bago? Ang bilis mo namang mag move on, pre." Hunalakhak siya at binato pa ako ng kung ano.
"Sira ulo! Hindi ako tulad mong playboy." Binato ko rin siya ng ballpen, sapul siya sa mukha.
"Aray! Tae na. Saan punta mo oh? Susuyuin mo si Rachel no? Hindi ka na babalikan nun. Masaya na dun sa ex niyang bisugo."
"Tangna mo! Makaalis na nga." Sinadya kong ipatama ang balikat ko sa kanya nang madaaban ko siya. Bwisit na yan! Insensitive, e. Akala mo hindi umiyak dahil sa isang babae. Kaya nga siya naging playboy dahil minsan rin siyang pinaglaruan. Tss.
--
Pagbaba ko ng Office ay agad kong hinanap si Grace. Nang hindi ko siya makita doon ay tinawagan ko siya sa aking cellphone. Sinave ko ko na ang number niya since palagi niya akong kinukulit sa text at kapag hindi ko sinagot ang tanong niya ay gagambalain niya ako sa pagtawag niya.
"Hello?"
Kumunot ang noo ko sa sweet niyang pagsagot sa phone. Ito ang unang beses na tinawagan ko siya. Kaya nabigla ako at hindi siya naninago doon.
"Si Jacob 'to." Panimula ko.
"Alam ko. Nakasave ang number mo sa phone ko. Bakit napatawag ka?"
"Nasan ka?"
"Nasa labas, pumapara ng jeep. Bakit?"
"Wag kang sasakay. Hintayin mo ako. Palabas na ako." Sagot ko. Mabilis kong tinapos ang tawag atsaka ako sumakay sa motor ko. Ilang sandali lang ay nakalabas na ako at nakita ko siyang nakatayo doon, nakatingin sa may gate.
BINABASA MO ANG
Let Go And Let God
SpiritualLet go of the wrong ones and let God leads you to the right one.