"So lucky at naabutan kita. I have a good news for you" sabi niya na medyo hinhingal pa
"Good News?" sambit ko
"Nagkaroon kasi ng problema yung database namin kaya kailangan namin i-recheck yung mga testpapers niyo and you know what you passed, you're now a scholar of St. Lewis Academy" masayang sabi ni Jade
Seryoso? Nakapasa ako? Yeheeeey! Scholar na ako ng St. Lewis Academy.
"I'm so sorry for what happened" dagdag niya
"Ano ka ba? Ang importante is nakapasa ako" masaya kong sabi
"I'm glad to see you happy" sabi niya
"Oo, baka kasi mag stop ako kung di ko makuha yung Scholarship dito. Alam mo na wala kaming pang tuition" sabi ko
"I think this is really for you" sabi niya
"Thank you at nag effort ka pang hanapin ako" sambit ko
"Wala yun. By the way, uuwi ka na ba?" bigla niyang tanong
"Oo, pauwi na ako bago mo ako makita" sagot ko
"Ako din eh. Gusto mo sabay na tayo lumabas ng school?" pagyayaya niya
"Sige" sagot ko
Sabay na kaming lumabas ng building.
"Lucy, pwedeng magtanong?" bigla niyang sabi
"Ano yun?" sabi ko
"Paano mo pala nakilala si Andre?" tanong niya
"Ha? Si Andre?" sambit ko
"Yap, pinuntahan niya kasi ako kanina para ipa recheck yung testpaper mo. Dahil sa kanya nalaman namin na may system glitch na yung system" sabi niya
"Kaya naman pala iniwan niya ako kanina" sabi ko
"Magkasama kayo kanina?" biglang tanong ni Jade
"Yap, sabay kasi kami mag lunch" sabi ko
"I see, so ayun nga. Paano mo siya nakilala?" tanong niya
"Naalala ko na late ako nung first day at tinulungan niya akong makapasok ng campus" sagot ko
"Really?" sambit niya
"Oo, tapos everytime na kailangan ko ng tulong, andun siya lagi para tulungan ko" dagdag ko
"Wow, so parang prince charming mo lang siya" sabi niya
"Oo, nakakatuwa nga kasi hindi siya napapagod tulungan ako" masaya kong sabi
"Yes, he is really a good guy" sabi ni Jade
"Bakit mo pala natanong?" bigla kong nasabi
"Wala naman, curious lang ako. By the way, you know Dimples naman diba?" sabi niya
Bakit si Dimples naman ang tinatanong ni Jade?
"And you know their past?" dagdag niya
"Bakit po?" sabi ko
"Concern lang ako sa kung anong meron sa kanila. I'm a friend at ayokong makita si Dimples na malungkot" she confessed
Now I understand kung bakit gusto akong sabayan ni Jade.
"Kaya po ba sumabay ka sa akin para pag usapan yan" sabi ko
"Yes, listen to me - Mahal na mahal nila ang isa't isa so don't be a barrier sa pagmamahalan nila. We were able to witness their love story at ayokong magalit ang mga Lewisers sayo" she said seriously
YOU ARE READING
I Fall All Over Again
Romance"Does perfect relationship exist? tanong ko sa sarili ko after akong hiwalayan ng ex boyfriend ko. I was badly hurt by him to the point na muntik na akong mag-commit ng suicide, JOWK! Then I met Andre unexpectedly, star player ng basketball team. We...