>Lucy's POV>
"Lucy, don'r forget your sunblock" sabi ni Claire habang tinatali ang buhok niya
"Wala akong dala na sunblock" sabi ko
"Sige, kumuha ka na lang dito" sabi niya
Binigay niya agad sa akin ang sunblock niya.
"Kahit wag na, sanay naman ang balat ko sa initan" pabiro kong sabi
"Ano ka ba? Iba ang init ng araw pag nasa beach ka. Sige na, maglagay ka na" pagpipilit niya
Hindi kaya ma allergy ako bilang hindi naman ako naglalagay ng ganito? Hahahaha
"Sige na nga" sabi ko
Oh diba? Sunod na lang ako kay Claire bilang she knows everything about beauty and wellness. ;)
"Claire, kinakabahan ako" sabi ko habang naglalagay ng sunblock
"Bakit naman?" tanong niya
"Kasi first time kong mag ba-banana boating tsaka hindi ako marunong lumangoy" mahina kong sabi
"Don't be so nervous, just enjoy the moment. And may life vest naman kaya wag kang mag-isip ng kung anu ano" sabi ni Claire
Lumabas din agad kami at dumiretso sa may shore. Naka sando na pink at red na short ang suot ko habang naka 2 piece naman itong si Claire. Well, she has the curves kaya bagay sa kanya yung suot niya. Ako? nevermind... LOL
Nakita agad namin sila Andre na naghihintay - they are all shirtless O________O
"Hey" sigaw ni Pat
Lumapit agad si Claire kay Pat at yumakap. Nakita ko rin ang kanang kamay ni Pat sa baywang ni Claire. #sweetnessoverload
Dali daling kaming pumunta sa isang nipa hut para mag register at magbayad para sa banana boat. Nagsuot na din kami ng life vest. Wait, paano ba ito suotin? Hahaha
"Tulungan na kita" biglang sabi ni Andre
Hinila niya ako papalapit sa kanya para tulungan akong suoting ang life vest ko. Sapat na para dumikit ang mukha ko sa dibdib niya. Kalma lang Lucy... He is just helping you.
"Salamat" sabi ko
He just smiled at me after I say thank you. Parang namanhid yung area ng mukha ko na dumikit sa dibdib ni Andre. ~______~
"Okay mam/sir, kayo na po ang sunod" sigaw ng lalaki nag aasikaso sa mga sasakay ng banana boat.
"Lucy, ikaw na sa unahan" sabi ni Claire
Sumakay agad si Andre at iniabot ang kamay niya sa akin. Hinawakan ko agad ito at hinila niya ako para makasakay. At dito talaga ako sa harapan?
"Hawakan mo na mahigpit yan at baka tumalsik ka" bulong ni Andre
"Seryoso?" mabilis kong sabi
"Just kidding" sabi niya habang tumatawa
Hinawakan ko talaga ng mahigpit yung tali sa unahan ko. After naming makasakay lahat, sumakay na si kuya sa jetskie at pinaandar ito. May kaba ng konti sa akin dahil first timer ko. Yung una dahan dahan lang pero nararamdaman ko ang pagbilis ng takbo. Nagsisigawan na kaming lahat sa sobrang bilis (Push naman yung pagsigaw) Hahaha
Naka tatlong ikot kami at sa pagbalik namin, hindi ko inexpect na mahuhulog kaming lahat sa kinauupuan namin. Yun pala yung twist? Hahaha
Pagbalik na pagbalik namin sa shore, naramdaman ko na lang ang paghawak ni Andre sa kamay ko.
"Parasailing tayo?" biglang bulong ni Andre
"Ha?" sambit ko
Hinila na lang ako bigla ni Andre.
"Hey, saan kayo pupunta?" sigaw ni Pat
"Basta, babalik din kami agad" sigaw ni Andre
Tumatakbo kami ni Andre at hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko
"Mag pa-parasailing tayo" sagot niya
"Parasailing? Paano sila Claire?" sabi ko
"That's okay. They already try this. Gusto ko lang ma experience mo para worth it ang vacation mo" sabi niya
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. I'm very Happy dahil may mga taong binibigyan ng halaga yung mga bagay na pwede mo maging kaligayahan.
Sa wakas nakarating na kami.
"Hi sir" bati sa amin
"Parasailing for two please" sabi ni Andre
"Sige po" sagot ni lalaki
Sumakay agad kami ng motor boat. Sinuot ko agad yung helmet at life jacket ko and tinulungan naman ako ni Andre na isuot yung body harness ko. Super kinakabahan ako dahil first time kong magpa-parasailing.
"Just relax and enjoy" bulong ni Andre sa akin
Naramdaman niya siguro na kanina pa ako kinakabahan. Hahaha
"Okay po, we're all set" sabi ng lalaki sa amin
Sa may likod kami pumuwesto. Grabe, ang lakas ng hangin. Hahahaha
Then naramdaman ko na na medyo umaangat na kami. Ewan ko pero natatawa ako sa mga nangyayari, kahit si Andre tumatawa rin. Hahaha
Pumikit na ako ng medyo tumaas na kami dahil nalulula na ako. I just feel the wind blowing on my face.
"Hey, open your eyes" bulong sa akin ni Andre
I was so amazed ng makita ko yung view. As in, kitang kita mo ang buong Galera from the above. I have fear of heights, but I'm loving the moment. We have the most beautiful view so far.
While enjoying, Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Andre sa kamay ko. Is this really happening? Akala ko sa pelikula lang nangyayari ang mga ganito, in real life pwede pala. You have this view then the one you love is sitting beside you. Yes, I have to admit na mahal ko na si Andre. ^____^
Tumingin ako kay Andre and I caught him looking at me.
"I love you, Lucy" he said then suddenly kiss my hand
And it made me speechless! I just smiled at him (Pero deep inside, para na akong sasabog sa sobrang kilig). I feel the same thing, I love you too, Andre ^___^
ESTÁS LEYENDO
I Fall All Over Again
Romance"Does perfect relationship exist? tanong ko sa sarili ko after akong hiwalayan ng ex boyfriend ko. I was badly hurt by him to the point na muntik na akong mag-commit ng suicide, JOWK! Then I met Andre unexpectedly, star player ng basketball team. We...