>Claire's POV>
"Touchdown Galera!" sigaw ko habang bumababa sa yate
"Nakabalik din tayo ng Galera" sabi ni Pat
"Totoo, 3 years ago yata yung last visit natin dito" sabi naman nitong si Dan
"Nakapunta na pala kayo dito?" bulong ni Lucy sa akin
"Yap" sabi ko
"Ako first time kong makapag beach" sabi ni Lucy
"Seriously?" mabilis kong sabi
"Oo, hanggang swimming pool lang ako" sabi niya habang tumatawa
"Well, enjoy your stay here" sabi ni Pat sa kanya
Dumiretso agad kami ng villa kung saan hinihintay na kami ni tito Ruel.
"Hey kiddos, musta na kayo?" buti niya sa amin
"Hello tito Ruel!" bati naming lahat
"Grabe, mas malalaki na kayo sa akin" sabi niya
"Well, laking cherifer tito" pabirong sabi ni Dan
>Andre's POV>
"Tito, si Lucy po pala" sabi ko
"Hi Lucy, nice to meet you" buti ni tito sa kanya
"My pleasure po" sagot naman ni Lucy
"Mabuti at nakasama ka sa kanila" sabi niya
"Opo, first time ko po dito kaya super excited po ako" masayang sabi ni Lucy
"Well, you'll surely enjoy your vacation here. Are you all tired kiddos?" tanong niya
"Yes!!!!!" sabay sabay naming sagot
"Okay, magbihis na muna kayo at ipapahanda ko na kay Yveth ang lunch para makakain na kayo" masayang sabi ni tito
"Sino si Yveth?" pabulong na tanong ni Lucy sa akin
"Katiwala siya dito sa villa" sagot ko
Masaya kaming lahat na dumiretso sa mga kwarto namin. Kaya hindi kami nagsasawang bumalik ng Galera dahil tito Ruel has the best for us. He always ensure na magiging masaya kami everytime we visit him. I know Lucy will feel the same thing. ^___^
"Lucy, magkasama pala kayo ni Claire sa room. Don't worry dahil sa tapat niyo lang ang room namin" bulong ko kay Lucy
She just smiled at me.
"Magpalit ka na rin para makapag lunch na tayo" dagdag ko
"Sige" masaya niyang sabi
Pumasok na kami sa mga kawarto namin. I'm with Pat and Dan while Lucy and Claire are in the other room.
"Grabe, ang laki ng ginanda ng resort ni tito Ruel" sabi ni Dan
"Totoo, lalo na yung olympic size pool sa baba" sabi ko
"So anong plano natin after lunch?" tanong naman ni Pat
"Banana boating" sabi ko
"Ha? Pwede bang bukas na lang ng umaga tayo mag banana boating? Nakita mo naman na tirik ang araw sa labas" sabi ni Dan
"Dude, kaya nga pumunta tayo para i-enjoy ang araw" sabi ni Pat
"Sa lunch na lang natin pag usapan kung anong gagawin natin after, syempre kailangan tanungin din natin sila Lucy, diba?" dagdag ko
"Oh dude, si Lucy na naman ang naririnig ko" sabi ni Dan sabay kamot ng ulo
"Syempre hindi naman pwedeng tayo lang ang nag de-decide. We have to ask the girls rin" sabi ko
YOU ARE READING
I Fall All Over Again
Romance"Does perfect relationship exist? tanong ko sa sarili ko after akong hiwalayan ng ex boyfriend ko. I was badly hurt by him to the point na muntik na akong mag-commit ng suicide, JOWK! Then I met Andre unexpectedly, star player ng basketball team. We...