🍑44

162 12 0
                                    

Narration
Sunoo's P.O.V.

"Mga hyung!!!" Rinig naming sigaw ni Ni-ki habang tumatakbo papunta sa direksyon namin. Few minutes after naming lumabas para pumunta sa cafe ay nakalapag na pala ang eroplanong sinakyan niya galing Japan.

"Ni-ki!!!" Si Jay hyung ang pinakamabilis na tumakbo papunta kay Ni-ki at agad nagyakapan ang dalawang hunghang na parang ilang taong di nagkita—

"Riki!!! Namiss kitang bata ka!" Sigaw ko habang dali daling lumapit saka niyakap ko siya ng mahigpit.

"Hyung kala ko di moko miss— aray!" Nagulat nalang kaming tatlo nila jay hyung at ni-ki nang bigla kaming natumba saka dinaganan ng apat.

Kawawang Riki dinumog agad ang bata kunwari talaga ilang taon namin siyang di nakita.

"Ni-ki our baby i missed you!" Sabi ni Jake hyung saka akmang hahalikan si Ni-ki pero umilag lang siya tapos hinawakan ang mukha ni Jake hyung palayo sa kanya.

"Gagi hyung baby mo mukha mo,"

"Ni-ki, pasalubong namin nasan na— aray yung ribs ko Jungwon wag kang malikot ang talim ng siko mo potaka!" Reklamo ko naman.

"Sorry hyung si Sunghoon hyung kasi eh!"

"Aba, bat ako sinisisi mo?"

"Riki, nakadala ka ba ng ramyeon na nirequest namin ni Jake? Excited na ako matikman ramyeon ng Japan!"

"Aahh! Mga hyung ang bibigat niyo! Mga pota kayo aray!" Reklamo ni ni-ki kaya nagsitayuan na kami.

"Hehe. Senya na beb namiss ka lang talaga namin," sabi ni Heeseung hyung saka niyakap niya ulit ang kawawang bata tapos bigla nalang niyang binatukan, "pero anong sabi mo? Pota? Abaaa kala mo di ko narinig yun? Epekto ba yan ng pag Japan mo? Asgdjsdbjsks..." Di ko na pinakinggan panenermon ni Heeseung hyung kasi medyo matagal pa yan bago matapos. Dinaig niya pa nanay ko na rapper.

Para kaming mga baliw dito sa airport na pinagtitinginan ng mga tao pero balasilajan. Baliw naman kasi talaga sila. Ako lang naman normal dito.

Bat ko nga ba naging kaibigan mga 'to?

Few minutes after ng dramatic na pagwewelcome nila kay Ni-ki, nag-aya si Jay hyung na pumunta ng resto para maglunch. Siya na daw sagot sa lahat. Iba talaga kapag rets ked. Susulitin na namin to aba.

Habang nasa biyahe, naalala ko ulit yung babaeng nakabangga ko kanina sa airport. Binabagabag talaga ako ng babaeng yun kanina pa talaga.

Sino ka ba talaga? Ba't parang kilala kita?

Bat para akong kinabahan kanina nung nakita kita?

Heart Back ☀︎︎ Kim SunooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon